Linggo, Disyembre 29, 2013

Mano po ninong at ninang namamasko po!!!hehehehe

Disyembre 25,2013

Mahal kong talaarawan,
                  Ngayong araw ay maagang nagising sa totoo lang kunti lang naman ang natulog kung oras ehh!nakakatawa nga ehh paggising na paggising ko nakita ko yung mga kapatid ko na nakabihis tanong ko sa kanila saan lakad ninyo may party ba?hehehe pahiya unti disyembre 25 pala ngayon puntahan sa mga ninong at ninang at magsasabi nang namamasko po.Syempre talo na ako doon nakakahiya kasing mamasko pag 15 years old kana ehh yan tuloy walang pera pero si lola at lolo ko ay binigyan ako nang 100 pesos ok na yun buti nga meron ehh.Bigla ulit akong nagulat pano ba naman ang daming bata sa labas nang bahay namin hehehe mga inaanak pala nila mama at papa pati sila hindi nakawala don.
                   Nang lumabas ako nang bahay nakasalubong ko ang isa kung ninong syempre dapat magmano kaya nagmano ako saka nagulat ako binigyan ako nang 500 pesos o saan kapa diba hindi naman ako nanghingi pero binigyan ako hahahaha!!!yan tuloy ang dami kong pera.Ang saya nang araw na ito,honesto promise!!.


Bespiras nang pasko!!!!happy.

Disyembre 24,2013

Mahal kong talaarawan,
                            Ngayong araw ay sobrang excited ang aking nararandaman kasi bespiras na nang pasko at mamayang alas 12 ng hating gabi hehehhe pagdiriwang ang kapanganakan ni hesus.Umaga palang naglinis na nang bahay kasi darating ang aking mga lolo at lola sa bahay ,si mama naman ay tinapos na ang mga labahan niya para walang sagabal sa kanya mamaya.Nang mag alas 03 na nang hapon ay naghiwa na si mama para sa mga sangkap sa handa namin yun pagkatapos ay nagluto na siya.Nang matapos siya ay gabi na,kumain na din kami pero pang gabihan hindi yung handa syempre mamaya pa yun ehh.
                           Tinatamad na ako sa kahihintay  kaya nakatulog,paggising ko hahaha nasa sala na pala sila lola at nakakatawa ang aking itsura ang gulo daw kasi nang buhok ko heheheh yun 30 minuto nalang  alas 12 na.Nang mag alas 12 na yun syempre kainan na!!hahaha busog na busog ako sa araw na ito.
                          







                               Pag pasko ano ang nasa isip mo?syempre para sa akin madaming pagkain,puno nang kasayahan,pagmamahalan,at pagpapatawad sa mga kaibigan na may kasalanan sayo at higit sa lahat pag alala kay Jesus.Taon-taon natin ipinagdiriwang ang pasko nang masaya at pabonggahan nang mga handa hehheheh yun kasi ang nakasanayan .Ang tanging hiling ko ngayong pasko ay world peace echos!! syempe hindi lang para sa akin pati sa lahat nang pilipino na sana makabangon ang mga taong nasalanta nang bagyong yolanda ,mga taong nadamay sa giyera sa Zamboanga at kung anu-ano pa na sana kahit ganito ay maramdaman nila ang totoong diwa nang pasko.Pagmamahalan sa pamilya at bawat isa ang magandang regalo sa kaarawan ni papa jesus.

Bagong pintura ang bahay namin yan mukha tuloy bago!!malamang.

Disyembre 23,2013

Mahal kong talaarawan,
               Ngayon ay nagtulong ang aking mama at papa kasama si tito para mag pintura nang bahay nanim.
Syempre kami ni mama ang bumili nang pintura at ang pinili kong kulay ang light green para malamig sa mata,pagdating namin agad nang nagpintura sila papa syempre matagal bago ito natapos.Nang matapos sila syempre nag handa ako  nang meryenda yun nalang kasi ang maitutulong ko ehh simpleng juice at tinapay lang naman.Nang mag alas 5 na nang hapon umalis ulit kami ni mama para mamili nang lulutuin para sa darating na pasko.Sa pamimili namin hindi nawala ang mga prutas samahan pa nang mga sangkap para sa salad. Mga alas 9 na kami nakauwi yun saka kumain at naglinis nang katawan saka natulog at sa tingin ko masayang pasko ang magaganap bukas dami kasing pagkain eheheheh!!!!.

Kaasar mga kontrabida ni Idol!!!

Diyembre 22,2013 

Mahal kong talaarawan,
                 Ngayon ay Araw nang pahinga syempre buhay prinsisa nanaman hehehehehe!!!!!!kaya naisipan kong manuod ulit nang korean drama syempre sa bawat istorya hindi na wawalan nang paepal este kontrabida pala kaasar nga ehh.Ang palabas na ulit kong pinanuod ay ang Princess Hours na nasa bala kasi meron din sa ABS CBN yan ehh!!Makikita ko nanaman ulit si Song ji hyo o mas kilalang monique ang kalokang kontrabida sa fairy tale story ni janelle.






Song Ji Hyo bilang Monique.
                   Bakit kasi may kontrabida pa ehh!!hehehhe malamang papangit ang kuwento kung walang magpapahirap sa bida diba,yan si monique kaasar nuh ang ganda hehehehe inggit lang ang peg joke lang.Hindi lang naman sa drama may kontrabida pati nadin sa totoong buhay at ito ang problema aminin hindi yan nawawala kung pwede nga lang takasan eheheh,itong si monique walang sinabi yan kay Bella Flores ang reyna nang kontrabida nang pilipinas hehehe biro lang po.
                  Pero happy ending naman ang resulta syempre lagi naman ehh.Pagkatapos manuod yun tulog nang matagal kaya nagising nang alas 7 nang gabi so hindi na makatulog medyo nang gabi.

Sabado, Disyembre 28, 2013

Ang sakit nang mata.

Disyembre 21,2013

Mahal kong talaarawan,
               Pagkagising ay sobrang sakit nang aking mata siguro dahil sa gabi na natulog  kagabi.Pagkatapos ay naglinis na nang bahay at saka nagluto nang kanin.Pagkatapos ay umalis si mama para mamili nang mga regalo para sa kanyang mga inaanak syempre nagpabili din ako nang bagong pantalon kulay pink.Nang dumating si mama hahahaha ang saya kasi nabilhan niya akon ng pantalon diba bongga ang araw ko.
                Nang alas 3 na nang hapon ako naman ang umalis pumunta lang naman nang SM hehheeh ang saya.

Sosyal na Araw ito!!!!

Disyembre  20,2013

Mahal kong talaarawan,
                 Ngayon ay maagang naggayak kasi may lakad kasama ang aking pamilya,ang aming destinasyon ay sa kompanya na pinagtatrabahuan nang aking papa.Nang nasa party na kami ay nakakaloka ang mga tao dito ang sososyal nila,pagpasok nga namin umiyak ang bunso namin kasi natakot sa mga tao doon papaano ba naman mga nakapang sundalo ang mga suot yun kasi ang tema nila sa party kaya tuloy parang nakakatakot hehehehe pero hindi naman yun totoo.Nang matapos ang kainan syempre mga palaro yun nakakatawa naman hehehehe.
                Sumunod ang presentsyon na hinanda nag bawat grupo,yun sobrang nakakatawa si papa hehehe pero ang grupo nila ang nanalo kaya bongga pinagmamalaki ko sa papa.Gabi na kami nakauwi nang mga alas 10 yun pagod na pagod ang katawan kaya paguwi bagsak hehehehe nakatulog ka agad.

Magsaya Tayo!!!

Disyembre 19,2013

Mahal kong talaarawan,
                    Ngayon ay ang aming Christmas Party kaya sobrang saya  kahit sa pagkagising medyo nag mamadali hehehe!!!agad-agad kumilos pero na tagalan sa banyo todo linis nang katawan hehehe.Pagkatapos ay nag almusal at saka ko inayos ang mga dadalhin ko sa party kasama na ang aking mga regalo.Nang nasa paaralan na yun maaga pa pala na abutan ko yung iba kong kaklase na inaayus yung sound system kaya tinamad sa paghahantay kaya pagala-gala muna kasama ang ibang kaklase.
                    Nang oras na nang party yun nagdasal muna kami bago magumpisa,pagkatapos ay nagkaroon muna nang mga palaro syempre hindi ako papahuli kaya sumali na ako parang ang saya kasi pero noong ako na ang kasali sa larong Pitik Bulag parang ayaw ko nang sumali kasi nakakahilo pala ehh nung nakita ko yung nmga nauna sa akin kaya noong ako na grabe hindi na ako nakatayo sa sobrang hilo akalain mo anim na ikot palang iyun bagsak na nakakatawa ako noon nuh!!nakakahiya tuloy.
                      Pagkatapos ay kainan na po yun tinulungan ko muna sila ma'am at ate Provido sa pamimigay nang pagkain yung mga oras na iyun nasa isip ko na parang namimigay ako nang relief goods hehehe ang haba kasi nang pila nila.Nang matapos ang party na iwan ang iba sa amin kasama na ako upang maglinis.Nang nasa bahay na binuksan ko ka agad ang nakuha kong regalo  yun nakakatuwa nga ehh kasi damit ang nakuha kong regalo taon-taon nalang walang bago  hahahaha pero ok lang kasi kulay pink naman paboritong kulay ko yun ehh!!.Nakakapagod na araw pero  masaya.

Kalokang Araw!!!

Disyembre 18,20103

Mahal kong talaarawan,
                    Ngayong araw ang huling pasok namin bago mag bakasyon para sa darating na pasko at bagong taon.Ngayon araw parang wala na talagang ganang pumasok kaya nang nasa paaralan na wala ehh ang inggay sobra sa ang iba naming mga guro ay hindi na nagturo.Medyo kinakabahan ako ngayon kasi sa oras nang Filipino ay kakanta ako kasama si Jimenez bilang presentasyon at nang sumapit na talaga ang oras na ito lalong kinabahan kasi hindi lang si Gng.Mixto ang huhusga nasa likod din si Gng.Manlagnit kaya yun kinakabahan nang bongga!!! pero ayus lang ganun talaga ehh.Pagkatapos namin kumanta yun nakahinga din nang maluwag,ang saya pala nang ganun pag natapos hehehehe masaya itong araw na ito.

Biyernes, Disyembre 27, 2013

Nakakalokang Araw ito!!

Disyembre 17,2013

Mahal kong talaarawan,
             Ngayong araw medyo tinatamad nang pumasok kasi wala na ring ganung pag-aaralan,pero ang iba naming guro ay nagbigay parin nang mga pagsusulit.Nganit isang asignatura ang kinasasabikan ko ito ay Filipino kasi ang bawat pangkat ay may presentayon,nakakainggit nga ang pangkat apat kasi mukhang handa sila ehh!pero ayus lang kasi hindi naman kami pagpapatalo.Nang oras na nito nagulat ako kasi hindi lang ang aming guro ang huhusga sa mga gawain may kasama siya dalawa pang guro kaya mas lalong nakakaba po.
                Nang akoy nasa bahay na ay  pagkatapos kumain ay natulog agad sa sobrang himbing nang tulog hindi ko namalayan ang oras kaya alas 3na nang hapon ako nagising napagalitan tuloy ako ni ina ko.

Tara sa bilangguan!!!!(presento)

Disyembre  16,2013

Mahal kong talaarawan,
                     Ngayong araw maaga akong naghanda nang aking babauning pagkain at unting damit para sa pagbisita sa presento nang Antipolo.Ngayon ako at ilan sa aking mga kaklase ang lumiban sa klase ngunit ito ay aprobado nang aming mga guro para ito sa pagbisita sa presento nang Antipolo.Noong nasa presento na kami sa labas palang nanginginig na  ang mga tuhod at kamay ko marahil sa kaba at samahan mo pa nang takot hehehe ikaw ba naman unang beses pumunta sa ganung lugar di ka kaya matakot,sa sobrang takot napapaihi na ako pero tiniis ko na lang.Nang makapasok sa loob sinalubong kami nang mga magagandang ngiti nang mga preso samahan pa nang mumunting presentasyon,hehehe dahil doon nabawasan ang takot ko sa kanila.
                  Oras na namin para mag pakitang gilas sa kanila syempre hindi magpapahuli ang mga mag-aaral nang mambugan,sa tingin ko nama'y napabilib ko sila ay este namin sila hehehe asuming naman ako!!pagkatapos kami ay nagkaroon nang pagkakataong sila ay makapanayam tungkol sa kanilang buahy at dahil doon nalaman ko na sila ay mga nagsisisi siguro hindi man lahat pero may iilan.
                    Natutunan ko sa araw na ito kahit sila ay bilanggo o may nagawang pagkakamali meron din silang mabubuting kalooban.

Wala si mama at papa!!!Nakakatakot

Disyembre 15,2013

Mahal kong talaarawan,
                    Ngayong linggo masyadong  madaming gagawin sa aming bahay,una naglalaba si mama ang daming labahan nakakaloka nga ehh! sabagay ang dami namin kaya hindi na nakakapagtaka.Nang mag-aalas 10 na syempre saing-saing din pag may time saka si papa naman daw ang bahala magluto ng ulam hehehehe.Pagkatapos ni mama maglaba sinabihan niya ako na sila ay aalis ni papa papuntang Bulacan at baka bukas pa sila makauwi,noong una ayaw kong pumayag pero walang nagawa ehh!ikaw ba naman kasi maiiwan kasama ang mga kapatid mo sa bahay nakakatakot yun ehh!buti nalang kasama namin si tita sa bahay kaya nakahinga nang maluwag.
                    Nang mag-alas 3 nang hapon umalis ako mag isa para bumili nang pang regalo ko sa darating na  christmas party sa aming paaralan,iyun nakabili naman ako nang damit.Nang makauwi naabutan ko ang magulong bahay nakakaasar pero walang magawa makukulit kasi ang mga kapatid ko ehh!kaya naglinis nalang ako kaysa sa magreklamo.Nakakatakot man ang araw na ito marahil wala sila mama ay ayus din naman kahit papano.

Martes, Disyembre 17, 2013

Ang saya talaga!!!bongga ang party!!!!

Disyembre 14,2013

Mahal kong talaarawan,
               Ngayong araw maagang naggayak at nagayos nang sarili dahil may lakad kasi ehh!ngayun ang party nang YWAM (Organisasyon)syempre kasama sila ate Irin,Jahaziel,Flores,at madami pang Ang saya bongga!daming bisita pero bago kami naunang mag party ang mga bata saka kami ang sumunod.NAgkaroon nang mga palaro,noong una ang grupo ko ang nanalo pero bumawi ang kabilang grupo kaya parihas ang puntos ayus lang yun hindi naman mahalaga kung manalo o matalo ka basta nasayahan ka diba!.
               Pagkatapos nang mga palaro may mga presentasyon ang bawat myembro nito kaso hindi kami nakapaghanda ehh,sunod kami ay kumanta nang mga pangkristiyanong kanta.Pagkatapos kami na ay kumain bongga Jollibee ang Pagkain hehehe syempre habang kumakain ay nagkukulitan parin,nakakaloka nga ehh ang  hirap hatiin nang manok gamit ang plastik na kutsara kaya kamay-kamay din pag may time sabay pakuha nang larawan ehh!selfie kuno.Basta ang saya nang araw na ito kahit nakakapagod at masakit sa katawan.

PeeMak!!!!!!nakakatakot,at nakakakilig na araw!!!

Disyembre 13,2013

Mahal kong talaarawan,
                Pagkatapos nang klase ay hindi agad ako umuwi  dahil nais kong manuod ng patimpalak  sa aming paaralan"Mambugan Idol"kaso nga lang hindi rin pala pwede kaloka nga ehh kung kailan magandang manoud ay may sagabal....(echos)lang may huling praktis kami para sa gagawing presentasyon doon sa pagdalaw sa presinto nang Antipolo kaya yun hindi ako nakanuod nang MNHS IDOL pero ayus lang yun para mapaghandaan lalo ang aming palabas.
                  Sa bahay nila Jahaziel kami nag  praktis yun bago mag praktis nangialam muna nang mga gamit  nila jahaziel ,may gitara at piyano sila.Agad kong napansin na ang buhay ng pamilya ni Jahaziel ay simple lang pero makikita mung masaya.Syempre hindi  nawala ang kainan yun paba?hehhehe nag ambagan kami para makabili nang  meryendahan,kaya nakabili kami nang tinapay apat na balot at juice,hindi nagpahuli si pilapil hindi pa nga natitimpla ang inumin ay naubos na niya agad ang tinapay kaloka,bongga si pilapil.Habang kumakain ay nanuod kami nang isang palabas ito ay PEEMAK mula sa thailand ang ganda noong una medyo nakakatakot tapos nang lumabas na ang mga tauhan hahahaha nakakaloka ang mga itsura lalo na ang mga buhok nila pero masaya ang pagtatapos nito.
                 Yan lang po para sa araw na ito!!!!!!!!!!.

Linggo, Disyembre 15, 2013

Praktis pag may oras!!!!!!!!

Disyembre 12,2013

Mahal kong talaarawan,
               Ngayon ay nagkaroon kami nang praktis para sa talentong aming ipapakita sa pagdalaw sa prisinto.Maganda naman ang kinalabasan at maayos din ito medyo natatakot nga po kasi unang beses na pupunta sa kulungan parang nakakatakot ehh pero kailangan.
                Pagkauwi ay nagpatuloy ako sa panunuod nang princess hours at iyung gumana ang aking imahinasyon at nagustuhan kong maging prinsesa pero imposible hangang pangarap lang yun eheh.Pagkatapos ginawa ko ang mga takdang aralin sa ibat-ibang asignatura.

Sana prinsesa nalang ako!!!!!!!heheheeh

Disyembre 11,2013

Mahal kong talaarawan,
                 Ngayong araw madaming ginawang gawain sa ibat-ibang asignatura.Nang oras na nang pilipino kami ay nag-ulat na nang akdang kinagisnang balon o kinalakihang balon ito ay inulat namin nang pabuod pagkatapos may mga binigay na tanung ang aming guro para rito.Pagkatapos ay nagkaroon nang pangkatang gawain.Sa oras nang break  kasama ko si Nuevas para pumunta kay Gng.Cabrera para magrecite tungkol sa Preamble.
                 Nagyon ay agad akong umuwi sa bahay kasi kahapon si mama ay bumili nang bala nang princess hour isang korean na palabas at natutuwa ako kasi mapapanuod ko na ito,si Janelle yung bida na mula sa ordinaryong buhay ay naging asawa nang isang prinsepe dahil sa isang kasunduan,diba ang ganda nakakaloka at nakakakilig nang subra,gabi na kami natapos.Pagkatapos ay ginawa ko na ang mga takdang aralin sa bawat asignatura.

Nakakapagod na Araw!10

Disyembre 10,2013

Mahal kong talaarawan,
               Ngayon ay may magandang balita akong natanggap hehehe napili po daw ako sa mga magaaral na dadalaw sa kulungan para magbigay saya sa kanila at kasama sila ate irin.Ngayon ay maaga kaming uuwi imbes na 12:10 ay 11:20 kami papauwiin kaya tuloy saglit lang ang mga oras sa bawat asignatura.Nang oras na nang pilipino ay naputol ito at kami ay pinauwi na sayang nga kami pa naman ang mag-uulat nang akdang kinagisnang balon.
              Pagkauwian hindi agad ako nakauwi may ginawa pa sa bahay nang isa kong kamagaral isang praktis lang naman.Daming ginawa sa araw na ito,paguwi pa sa bahay busy ulit sa pagaayos nang portfolio sa math malapit na kasi ang pasahan ehh.Sunod naghugas nang pagkadami-daming plato may bisita kasi si mama kaya tuloy nakakapagod na araw!!!

Kinagisnang balon~!!!!!!!!!!!!

Disyembre 09, 2013

Mahal kong talaarawan,
           Ngayong araw nag-umpisa ang araw ko sa masaya at nakakaganang umaga,maliban lasi sa maganda ang gising binigyan pa ko ni papa nang malaking baon hehehehehe.Nang ako ay nasa paaralan na at nag-umpisa na ang Chemistry nagkaroon kami nang bagong talakayan.Sa oras naman nang math nagulat ang iba kong mga kamag-aral para sa bagong talakayan.
            Nang oras na nang break nagkaroon nang paguusap ang mga myembro nang YWAM "(isang organisasyon upang pagaralan ang salita nang diyos) na pupunta daw kami sa base para pagusapan ang aming christmas party.Ngunit sa hindi inaasahang panahon ay umulan nang malakas nang uwian kaya hindi na natuloy................ nakakalungkot naman.

Martes, Disyembre 10, 2013

"Kinagisnang Balon"

1. Sinasabing walang lampin sa purok ng Tibag na hindi nilabhan sa tubig na sinasalok sa malalim, malaki't matandang balon. 2. Sinasabing walang nagluto ng pagkain at naghugas ng kinanan sa Tibag na hindi gumamit ng tubig sa balong iyon. 3. Sinasabing walang naligo sa Tibag na hindi nagbuhos ng malinis at malamig na tubig na siyang biyaya ng matatandang balong tisa. 4. Anupa't masasabing walang isinilang at inilibing na taga-Tibag na hindi uminom o binindisyunan ng tubig na galing sa kanilang balon. 5. Kung iisipin, masasabi rin na ang buhay at kamatayan ng mga taga-Tibag ay nasa balong iyon. 6. Mahalaga nga ang gayon, ngunit ang bagay na ito'y hindi nila pinag-uukulang masyado ng pansin. Sa kanila, ang balon ay bahagi ng kanilang buhay at kapaligiran, bahagi na ng kanilang mga kinagisnang alamat at mga paniniwala't pamahiing imumulat nila sa kanilang mga anak, at imumulat naman na mga ito sa susunod nilang salinlahi. 7. Walang nakatitiyak kung kailan hinukay ang balong iyon. 8. "Noon pang panahon ng Kastila," anang matatanda. 9. "Hindi pa kayo tao, nandiyan na 'yan," giit naman ng iba. 10. At parang pagpapatunay, patitingnan ang mga tisang ginamit sa balon. Kauri raw at sintigas ng mga ginamit sa pader ng Intramuros o kaya'y sa mga pinakamatatandang simbahang katoliko sa Pilipinas. 11. Ipaglalaban naman ng iba na ang balon ay hinukay, o sa lalong wastong salita ay ipinahukay ng mga maykapangyarihan noong panahon ng mga Amerikano.Katunayan daw, maraming bayan sa Pilipinas, lalo na sa Luzon, ang may mga balong katulad ng nasa Tibag. Kaya naman daw matatagpuan ang mga ganitong balon sa labas ng mga matatandang bayan ay upang madaling masugpo ang kolerang ilang beses nang kumalat sa buong kapuluan at umutas ng libu-libong pagkukunan ng tubig ay nasa labas ng bayan, porlomenos, madali ang pagsugpo sa kakalat na makamandag na kolera. 12. May kalabuan man, kung sa bagay, ang ganoong pala-palagay, wala namang magagawa ang mausisa. Basta't iyon daw ang paniwalaan, tapos ang kuwento! 13. Ganoon din ang ibubulyaw ng mga matatandang pikon kung kokontrahin mo sila sa kanilang pananakot. Kung gabi raw na madilim, lalo na kung patay ang buwan, may malignong lumilitaw sa may balon. 14. Magtago ka raw at sumilip sa likod ng mga punong kakawate, kung minamalas ka, makikita mo na lamang at sukat ang isang pagkaganda-gandang babae sa may balon. May inaaninaw daw itong mukha ng kung sinong katipang nalunod o maaaring nilunod sa balon noong panahon pa ng mga Kastila. Minsan naman daw, mga kung anu-anong hayop ang nagsisilabasan sa may balon at nag-uungulan. 15. At ano bang mali-maligno! Naisipan daw ng ilang kabinataan ang magpahatinggabi sa likod ng mga punong kakawate. At ano ang natuklasan nila? Ang nananakot ang siyang natakot. At nang magkabistuhan na, humangos daw itong may kinakapkap na kung ano at hinabol ng mga nakatuklas. Hindi matapus-tapos ang sisihan nang makasal nang di oras ang dalawang "maligno" na walang iba kung di ang tanging biyudo't pinakamatandang dalaga sa Tibag. 16. Isa na iyon sa masasayang pangyayari sa balon ng Tibag. Sa may balon naglalaba't naliligo ang mga dalaga't kababaihan. Kung naroon na ang mga dalaga, panay naman daw ang hugas ng paa ng mga binata. Naroon na ang nakawan ng tingin, mga patalinghagang salitang sinusuklian ng saboy ng tubig o mga hindi natutuloy na pagbabantang magsumbong. Ang ingay ng mga batang nagsisipaligo, ng mga balding pumapalo sa gilid ng balon, mga pigil na hagikgik ng mga babae, harutan ng mga dalaga. 17. Marami ang makapagsasabi sa Tibag, ang buhay-buhay, tulad ng matandang balon, ay siya na nilang kinagisnan, kinamulatan pa rin ng kanilang mga anak at mamanahin pa rin ng mga anak naman nito. 18. Isa na sa mga makapagsasabi si Tandang Owenyong Aguwador. Siya lamang ang aguwador sa Tibag. Ang ibang sumasalok, may pingga at balde, ay para gamit lamang sa bahay. Gamit din sa bahay ang sinasalok ng mga dalagang nagsusunong ng banga ng inumin, balde o golgoreta. 19. Hanapbuhay ni Tandang Owenyong Aguwador ang pag-iigib ng tubig. Iniigiban niya ang ilang malalaking bahay sa Tibag at pinupuno din niya ang mga tapayan o dram ng mga talagang nagpapaigib sa mula't mula pa. Ito ang mga pamilyang kung nagpipista ay siyang pinakamaraming handa't bisita, mga nagiging hermano o punong-abala sa mga komite de festejos. Ito rin ang ipinag-iigib ng ninuno ni Tandang Owenyo. 20. Maglilimampung taong gulang na si Tandang Owenyo. Maiksi ang gupit ng kanyang kulay abong buhok. Pangkaraniwan ang taas, siya'y laging nakakamisetang mahaba ang manggas at kapit sa katawan. Matipuno at siksik daw ang katawan nito noong araw. 21. "Ba't naman di magkakaganoon e sa banat ang kanyang buto sa pagsalok n'on pa man," sabi ng iba. 22. "Di ba't 'yan 'kamo," dagdag ng ilan, "aguwador din?" 23. "Di ba't ang Ba Meroy ay aguwador din?" 24. "Aba, siyanga, ano?" 25. Ang pangalan ng ama ni Tandang Owenyo ay Ba Meroy. Namatay ito noong panahon ng Hapon. 26. "Pero 'ala pang giyera," pilit ng iba, "umiigib na ang Tandang Owenyo." 27. Minana na niya ang opisyong iyan." 28. "E, si Nana Pisyang Hilot? Di ba't sa balon sila…" 29. "A, oo! Doon niligawan ng Tandang Owenyo si Nana Pisyang. Ipagtanong mo." 30. "Labandera na noon si Nana Pisyang?" 31. "Labandera na. Ang ipinag-iigib ng Tandang Owenyo ang siyang ipinaglalaba naman ng Nana Pisyang. Kaya nga maganda ang kanilang istorya, e." 32. "Ang Da Felisang Hilot?" 33. "Aba, e labandera rin 'yon. Tinuruan naman niyang manghilot ang kanyang anak. '"Yan nga si Nana Pisyang." 34. "Tingnan mo nga naman ang buhay." 35. "Sa Amerika ba, merong ganyan?" 36. "Pilipinas naman 'to, e! Siyempre dito sa 'tin, pasalin-salin ang hanapbuhay." 37. "Mana-mana ang lahat." 38. "Si Ba Meroy aguwador, puwes, si Tandang Owenyong anak ay aguwador din." 39. "At si Nana Pisyang ng Da Felisa, labandera." 40. "Pero si Nana Pisyang humihilot din." 41. "Ow, ano ba naman 'yon? Di naman araw-araw e me nanganganak. Saka, bigyan mo na lang ng pangkape ang Nana Pisyang, tama na." 42. "Me pamamanahan na sila ng kanilang mga ikinabubuhay." 43. "Di nga ba't katu-katulong na ng Nana Pisyang sa paglalaba't paghahatid ng damit ang dalagita niyang si Enyang? Meron na siyang magsisiksgreyd." 44. "At si Narsing nila?" 45. A, si Narciso ba? Sayang. Tapos ng hayskul, hindi na nakapagpatuloy." 46. "Ow tama na 'yon. Tapos ka't hindi, pareho rin." 47. "Si Narsing ang me ulo. Laging me dalang libro e!" 48. "Sa library nga raw sa kabayanan nagbabasa't humihiram ng libro." 49. "Minsa'y nakita kong may kipkip na libro. Tinanong ko kung ano." 50. "E. ano raw?" 51. "Florante at Laura daw." 52. "Tingnan mo nga 'yan. Sayang na bata. May ulo pa naman." 53. "Balita ko'y ayaw mag-aguwador." 54. "Nahihiya siguro. Biruin mo nga namang nakatuntong na halos sa kolehiyo at sa paaaguwador mapupunta. Ba't nga naman iyong iba. Karabaw inglis alam e mga tente bonete na." 55. "Kayo, pala, oo! Para naman kayong bago nang bago sa Pilipinas. Pa'no me malalakas na kapit 'yon!" 56. "Di aguwador din ang bagsak ni Narsing!" 57. NAGHIHIMAGSIK si Narsing. Ayaw niyang pumasan ng pingga. Totoo nga na umiigib siya. Ngunit iyon ay para gamit lamang nila sa bahay. At gusto pa niyang bitbitin ang dalawang balde kaysa gumamit ng pingga. 58. Sabi ng mga matatandang babaing naglalaba sa may balon, kung magpingga lamang si Narsing mapagkakamalan daw itong si Tandang Owenyo noong bagong tao pa ito. Iyon din ang palagay ng mga nagkakahig ng sasabungin,ng mga naghuhuntahan sa harap ng tindahang sari-sari sa tapat ng lumang kapilya. 59. Kung naririnig ni Narsing ang gayong sabi-sabi lalo lamang sumisidhi ang kanyang paghihimagsik. At ito'y may kasamang malalim na hinanakit. 60. Nagsasampay ang kanyang ina nang siya'y magpaalam isang umaga. Ang apat na alambreng sampayan ay lundung-lundo sa bigat ng malalaking sinampay. Hindi na nakita ni Narsing na ang sampayan ay nawalan ng laman, na ang damuhan sa may gilid ng bakod na siit ay walang latag na kinula. Sa kabilang gilid ng bakuran hanggang sa duluhang papunta sa bukid ay gumagapang ang kamoteng putpot, na ang talbos ay naagad. May kapirasong balag na ginagapangan naman ng upo. 61. Binigyan si Narsing ng kanyang inang Nana Pisyang ng konting babaunin. Ito'y naipon sa paglalaba't sa pinagbilhan ng ilang upo at talagang inilalaan para sa susunod na pasukan ng mga bata. 62. Nakituloy si Narsing sa isang tiyuhin sa Tondo, sa Velasquez. Sa area, naglalakad siya't naghahanap ng mapapasukan… Kahit na ano, huwag lamang pag-aaguwador. Nakaranas siya ng gutom, ngunit nagtiis siya. Kung anu-anong kumpanya't pagawaan ang kanyang sinubukan. Pulos naman NO VACANCY at WALANG BAKANTE, ang nakasabit sa mga tarangkahan at pintuan ng mga pinupuntahan niya. 63. Hindi lamang pala siya ang nabibigo. May nakakasabay pa siyang madalas na mga tapos ng edukasyon at komers. Ang mga ito'y me dala pang sulat na galing sa ganoo't ganitong senador o kongresman. Natatawang ibig maluha ni Narsing. Binabale-wala na pala ng mga ito kahit na pirma ng mga pulitiko. Maski siguro si Haring Pilato ang nakapirma, talagang walang maibibigay na trabaho ang balanang puntahan ni Narsing. 64. Napadaan si Narsing sa isang malaking gulayan ng Intsik. Subukin na nga ''to, sabi niya sa sarili habang pumapasok siya sa isang ektarya yatang gulayan na binakuran ng mga alambreng matinik. Kinausap niya ang Intsik na nakita niyang nagpapasan ng dalawang lalagyan ng tubig na tabla. Taga-alis ng uod, magpala o magpiko sabi ni Narsing sa Intsik. 65. "Hene puwede," sagot ng Intsik, "hang lan akyen tlamaho. Nahat-nahat 'yan akyen lang tanim, dilig." 66. "O, paano, talagang wala?" sabi ni Narsing at napansin niyang tumigas ang kanyang boses. Para siyang galit. 67. "Ikaw gusto pala ngayon lang alaw, ha," sagot ng Intsik. Nangingiti-ngiti. "Akyen gusto lang tulong sa 'yo. 68. "O sige, ano?" 69. "Ikaw, kuha tubig, salok sa balon, dilig konti. Ikaw na gusto?" 70. Ibinigay ng Intsik ang kanyang pinipinggang pinakaregadera. 71. Kinabukasan ng hapon nagpaalam si Narsing sa kanyang tiyahing nasa Velasquez. Sumakay na siya ng trak pauwi sa kanilang bayan sa lalawigan, sa Tibag.Pangkaraniwan na sa Tibag ang nabibigo sa paghahanap ng trabahong bago at hindi minana. Habang daan ay inisip-isip niya kung paano niya maiiwasan ang kanyang mamanahing hanapbuhay na halos pantawid-gutom lamang, ang isang kalagayang pagtitiis mula sa umpisa hanggang sa katapusan, walang kamuwangan, hirap, at laging nakasalag, kung hindi sa kabutihang loob ng ilan, sa pagsasamantala naman ng marami. 72. Mabuti pa, sabi ni Narsing sa sarili, hindi na 'ko nakapag-aral. Parang nabuksan ang kanyang isip at guniguni sa sanlibu't sanlaksang kababalaghan ng kalikasan at sa maraming paghahamon ng buhay na di niya maubos-maisip kung paano mapananagumpayan. 73. Magtatakip-silim na nang dumating siya sa Tibag. Dinumog siya ng mga paslit na nagtatanong kung mayroon siyang dalang pasalubong. Wala, wala siyang dala. 74. Ang sumunod sa kanyang si Enyang ay tahimik na nag-ahin ng hapunan sa lumang dulang. Habang sila'y kumakain, naramdaman ni Narsing na naghihintay ang kanyang ama't ina ng kanya pang isasalaysay tungkol sa kanyang paghahanap ng trabaho sa Maynila. Ano naman ang maibabalita niyang hindi pa nila nalalaman tungkol sa kahirapan ng paghahanap ng trabaho? 75. Inalok siya nang inalok at pinakakaing mabuti ng kanyang ina. Animo'y nagkandagutom siya sa Maynila. Pasulyap-sulyap siya sa kanyang amang nasa kabisera ng dulang. Nagpupuyos ang kanyang kalooban sa kanyang nasasaksihan. Nag-aagawan ang mga paslit sa ulam. Tipid na tipid ang subo ng kanyang ama't ina. Marami pa silang inom ng tubig kaysa sa subo ng kanin. Ang ulam nila'y kamatis at bagoong na may talbos na naman ng kamote, isang mangkok na burong mustasa at ilang piniritong bangus. Maya't maya ay sinasaway ng kanyang ina ang mga batang parang aso't pusa sa pag-uunahan sa pagkain. Sa buong Tibag, sila lamang marahil ang hindi halos nagkaroon ng mumo sa dulang. Noong araw, hindi sila ganoon. Ngayon, kung magsabaw sila sa sinigang o minsan sang buwan nilagang karne, halos sambalde ang ibubuhos na tubig para dumami ang sabaw. Habang lumalaki't dumarami ang subo ng mga bata, dadalang naman nang dadalang at liliit ang subo ng kanyang ama't ina. Siya man ay napapagaya na sa kanila. 76. Ang ganoong tagpo ay kanyang pinaghihimagsikan. Katulad din iyon ng kanyang paghihimagsik kung nasasaksihan niya ang kanyang mga kapatid na palihim na waring nagsusukat ng mga damit na mahuhusay na ipinaglalaba't ipinamamalantsa ng kanilang ina. Katulad din iyon ng kanyang paghihimagsk na matapos na sa pagiigib ng kanyang ama at napapansin niyang dumarami ang kulubot sa ulo kung nakikita itong pasan-pasan ang pingga't dalawang balde na animo'y isang Kristo sa pagkakayuko na ang paghihirap ay wala nang katapusan. 77. Noong gabing iyon. nagkasagutan sila ng kanyang ama. Nakaupo si Narsing sa unang baytang sa itaas ng kanilang mababang hagdan. Nakatingin siya sa duluhan ng bakuran. Iniisip niyang harapin pansamantala ang pagtatanim ng gulay. Nalingunan na lamang niyang nakatayo ang kanyang ama sa may likuran niya. 78. "Gayon din lamang," mungkahi ng kanyang ama sa malumanay na boses, at ibig mong maghanapbuhay, subukin mong umigib." 79. May idurugtong pa sana ang kanyang ama, ngunit hindi na nakapigil si Narsing. Malakas at pasinghal ang kanyang sagot. 80. "Ano ba naman kayo! Aguwador na kayo, gusto n'yo pati ako maging aguwador!" 81. Napatigagal ang kanyang ama. Ang kanyang ina'y napatakbo at tanong nang tanong kung bakit at ano ang nangyari. 82. Minumura siya ng kanyang ama. "Bakit?" wika nitong pinaghaharian ng pagdaramdam at kumakatal ang tinig. "Ano ang masama sa pag-aaguwador? Diyan ko kayo binuhay!" 83. Nakatayo na sana si Narsing, ngunit sinundan siya ng kanyang ama't buong lakas na hinaltak at inundayan ng sampal. Parang natuklap ang mukha ni Narsing, Itinaas niya ang isa niyang kamay upang sanggahin ang isa pang sampal. Nakita niyang nagliliyab ang mga mata ng kanyang ama. 84. Sumigaw ang kanyang ina. may kasama itong iyak. Yakap siyang mahigpit ng kanyang ina. Huwag daw siyang lumapastangan. Pati ang mga bata'y umiiyak at humahagulgol na parang maliit na hayop. 85. Lumayo ang kanyang ama't iniunat ang katawan sa isang tabi ng dingding na pawid. Dinig na dinig pa rin ang kanyang sinasabi. 86. Nag-aral ka pa naman, sayang. Oy, kung me gusto kang gawin, sige. Di kita pinipigil. Darating din ang araw na mararanasan mo rin… mararanasan mo rin." 87. Kung anu-anong balita ang kumalat sa Tibag. Kung umiigib si Narsing ng tubig para sa kanilang bahay hindi siya pinapansn ni binabati tulad ng dati. Ganoon din ang kanyang ama. Waring nahihiyang magtanung-tanong ang mga tao, ngunit hindi nahihiyang sa kani-kanilang sarili'y magpalitan sila ng tsismis at mali-maling palagay. 88. ISANG linggo pagkatapos ng pagkakasagutan nilang mag-ama, ang Tandang Owenyong ay nadisgrasya sa balon. Nadupilas ito at mabuti na lamang daw at sa labas ng balon nahulog. Kung hindi raw, patay. Ang dibdib ng matanda ay pumalo sa mga nakatayong balde at ito'y napilayan. Nabalingat naman ang isang siko niya. Sabi ng marami ay nahilo ang matanda. Ang iba'y nawala sa isip niya ang ginagawa. 89. Nilagnat pa si Tandang Owenyo. Ipinatawag na ang pinakamahusay na manghihilot na tagaibayo. Nakikiigib ang mga iniigiban ni Tandang Owenyo sa iba. Kailan daw ba iigib uli ang matanda. Walang malay gawin ang ina ni Narsing. Ang kanilang dati nang malaking utang sa tindahan ni Da Utay ay lalong lumaki sa pagkakasakit ng matandang aguwador. 90. Isang hapong umiigib si Narsing ng gamit sa bahay ay may naglakas-loob na nagtanong kung magaling na ang kanyang ama. Bakit daw hindi pa siya ang sumalok. Sayang daw kung ang kinikita ng ama niya'y sa iba mapupunta. 91. Hindi nanlilibak o sumasaring ang pagkakasabi noon. Iyon, sa palagay na ni Narsing, ay patotoo sa paniwalang siya ang talagang magmamana sa gawaing iyon ng kanyang ama. 92. KINABUKASAN, hindi nangyari ang inaasahang mangyari ni Narsing. Hindi siya tinukso ni pinagtawanan at kinantiyawan. Nalapnos ang kanyang balikat at magdamag na nanakit ang kanyang mga buto sa pag-aakyat-panaog sa mga hagdang matatarik, sa pagsalin at pagbuhat ng tubig. Siya na ang umiigib. 93. Pabiling-biling si Narsing sa kanyang hinihigang sahig. Nakikita niya ang malalayong bituin. Narinig niya ang mga mumunting hayop at ang alit-it ng mga kawayang itulak-hilahin ng hangin. Sa malayo'y may asong kumakahol na parang nakakita ng aswang o ano. Hindi siya nakatulog. Marami siyang iniisip. Naalaala niya noong siya'y nasa hayskul. Bago siya maidlip, sa guniguni niya ay nakita niyaang kanyang sariling kamukha ng kanyang amang animo'y isang Kristong pasanpasan ang pingga't dalawang balding mabibigat. Naisipan din niyang taniman nang taniman ang bakuran nilang ngayo'y hindi na kanila't inuupahan na lamang. 94. Maaga pa'y bumaba na ng bahay si Narsing. At siya'y muling umigib. Mahapdi ang kanyang balikat. Humihingal siya't parang hindi na niya kayang ituwid ang kanyang mga tuhod. 95. Noong hapon, naghihintay si Narsing ng kanyang turno sa balon. Nagbibiruan ang mga dalaga't kabinataan sa paligid ng balon. May tumatawang nagsasabing binyagan ang kanilang bagong aguwador. 96. "Binyagan si Narsing!" sigaw ng mga nasa paligid ng balon, at may nangahas na magsaboy ng tubig.

Nakakatamad na Araw!!!

Disyembre  09,2013

Mahal kong talaarawan,
                         Ngayong araw medyo masama ang pakiramdam ko kaya wala rin ganang pumasok kaso napagisip-isipan ko na kailangang pumasok kasi ayaw kung mahuli sa pinag-aaralan namin.Paano ba naman hindi sasama ang pakiramdam ehh palaging nagpapalipas nang gutom. Nang sumapit na ang oras ng Chemistry may pinagawa ang aming guro na isang gawain na pangindibidwal nasagutan ko naman po.Pagkatapos sumapit na ang oras nang values syempre maingay padin,ang iba hindi nakikinig pero meron din namang nakikinig.
                          Nang oras na nang filipino nagtataka ako kung bakit ang tagal dumating nang aming guro yun pala siya ay lumiban ngayon at ang nagbantay sa amin ay si G.Mixto may pinasagutan siya sa amin at ito ay tungkol sa akdang Kinagisnang Balon.Nang oras na nang uwian pumunta agad kami kila Maestre para doon magayos para sa eliminasyon sa jingle.Pagkatapos namin ay nalaman naming pangalawa lang kami ayos na iyun nagawa naman namin ang lahat di lang siguro para sa amin iyun. 
 

Lunes, Disyembre 9, 2013

Espesyal na Araw!!!! Linggo


Disyembre  08,2013
Mahal kong talaarawan,
                         Ngayon ay linggo ito ang araw na pinakaespesyal sa akin dahil na rin siguro sa araw na ito nakukumpleto ang pamilya ko sabay-sabay kaming pupunta nang simbahan at pagkatapos mamamasyal kami ohh diba ang saya. Sa  itaas ay makikita mo ang larawan nang isang simbahan na matatagpuan sa antipolo diyan kami palaging nagsisimba.
                          Nang  matapos ang misa pumunta ako kasama ang aking pamilya sa SM Masinag,malapit lang ito sa simbahan at sa lugar na iyon masasabi kung napakasaya at kumain kami.Pagkatapos nauna na sila mama na umuwi nag paiwan ako kasama ang aking kapatid na babae kasi may binili  kami at gumala-gala lang kami.Pagkatapos ay umuwi na din kami at masasabi kung nakakapagod itong araw na ito pero masaya naman .Pagkatapos  magpahinga balik gawain na ulit,ginawa ko na yung mga takdang aralin sa iba't-ibang asignatura at tumulong na ding maglinis sa bahay kasama si mama.
                       Hay naku lunes na naman bukas bagong araw nanaman nang kaingayan biro lang po,ibig kung sabihin marami kana namang matututunan.
                            

Sabado, Disyembre 7, 2013

Nakakapagod na araw!!!

Disyembre 07,2013

Mahal kong talaarawan,
                    Ngayon ang walang pasok pero nang sumapit ang oras na 1:00 ako ay pumunta sa aming paaralan para magpraktis para sa jingle,para mas mapaganda pa humingi na kami nang tulong kay ate provido.Hindi naman kami nabigo,matagal na oras ang aming nagamit para magawa nang maayos ito.
Paulit-ulit lang kami hanggang masayaw ito nang maganda kaso hindi pa din ganun ka ayos kasi yung ibang babae masyadong mahinhin ehh.
                   Kami ay natapos  nang 5:00 ng hapon nakakapagod ang araw na ito kaya paguwi ko sa bahay ay agad akong nakatulog.Sa lahat nang jinglers kaya natin ito,mananalo tayo heheheh sana lang.

Nakakagulat!!!

Disyembre  06,2013

Mahal kong talaarawan,
                      Nagyon hindi masyadong masaya ang aking araw at nakakainis dahil naiwan ko yung perang pambayad sa t.l.e kaya nakakaasar buti nalang may mga mababait akung kaklase kaya nabayaran ko yun.
Nang sumapit na ang oras nang MPEH lahat kami ay nagulat dahil iba ang aming nirebyu sa binigay na pagsusulit ng aming guro pero madali lang naman pala ito hindi ko siguro narinig ang binigay ng aming guro.Natutunan ko sa pangyayaring iyon na makinig sa sinasabi nang iyung guro kasi pag nakinig ka maganda naman ang kakalabasan nito  at higit sa lahat maging handa sa lahat nang bagay.
                      Sa oras nang A.P lahat nang mga jinglers ay nagulat dahil tinawag kami ni Mrs.Cabrera para ipakita sa buong klase ang ginawa naming sayaw. Nang oras na nang Filipino nabigla din ako kasi bigla akong tinawag nang aming guro para sagutin ang kanyang tanung siguro kaya niya ako tinawag marahil napansin niya ako na  nakikipagdaldalan sa aking katabi ang buti nalang nasagot ko ito.Pagkatapos nagkaroon kami nang gawain sa Filipino ito ay pagsulat.
                       Nang oras na uwian hindi pa nagtatapos kasi magaaral pa ko nang salita ng diyos kasama sila ate Irin.

Nakakapagod na araw!!!!!!!!!

Disyembre 05,2013

Mahal kong talaarawan,
                 Ngayon masasabi kong maganda parin ang aking araw ,masaya ang mga talakayan sa bawat asignatura at marami akong natutunan.Pagkatapos sa oras nang Chemistry sinabi nila ate Irin ang mga plano para sa gagawing christmass party sa aming pangkat marami ang nasasabik sa darating na araw na iyon,ganun din naman ako ehh.
                  Matapos ay nagkaroon nang bagong talakayan sa MPEH ito na ay patungkol sa Alkohol at yung hindi mabuting maidudulot nito sa buhay nang isang indibidwal at nang isang pamilya.Nang sumapit ang oras nang Filipino nagpatuloy pa din ang aming talakayan sa Banyaga.Nang sumapit na ang oras nang uwian,pumunta na ako kasama ang aking mga kagrupo sa bahay nang aming kaklase para doon mag praktis nang aming sayaw at sobra akong napagod sa araw na ito.

Masayang araw!!!!

Disyembre 04,2013

Mahal komg talaarawan,
                    Ngayong araw nagsimula sa magandang talakayan sa oras ng chemistry ang masaya kong araw,iwan ko kung bakit ako masaya pero basta.Nagkaroon kami ng mga pagsusulit sa ibang asignatura tulad sa math nagkaroon ng gawain at masaya ako dahil mataas ang nakuha kung marka rito.
                     Nang oras na ng break nagkaroon nang paguusap ang mga kasali sa jingle at syempre kasama ako,nagplano kami para rito.Pagkatapos sumapit na ang oras nang Filipino nagkaroon ulit nang mga katuwaan at hindi mawawala ang pangkatang gawain ,maganda naman ang kinalabasan nito.Nang matapos ang oras ng Filipino syempre T.L.E na ganun pa din walang pinagbago wala talagang tigil ang kaingayan ng diamond marami pa ding hindi nakikinig sa tinuturo ng aming guro.
                       Oras na nang uwian pero hindi agad ako nakauwi kasi magpapraktis pa kami nang jingle medyo mahirap pero kailangan gawin para manalo.

Martes, Disyembre 3, 2013

Masayang Araw!!!!@

Disyembre  03,2013

Mahal kong talaarawan,
              Maraming nangyaring maganda sa araw ko ngayon.Nang pumasok sa aming silid ang aming guro sa Filipino akala ko siya ay galit kasi parang nakasimangot pero hindi naman pala.Pagkatapos tinalakay namin ang akda Banyaga at ang mga salitang inuulit rito tulad nang nagiisa at hiwalay-hiwalay,inalam namin ang mga kahulugan ng bawat salita.Nagkaroon pa nga nang mga katuwaan sa klase at ito ay gawa ng aming guro,hahahaha yan ang sabi nang aking mga kaklasePagkatapos nagtanung ang aming guro kung saang teorya maikakategorya ang akdang Banyaga at ito ay ginawa na niyang takdang aralin.

Bagong talakayan!!!!Banyaga

Disyembre 2,2013

Mahal kong talaarawan,
             Sa pagsapit ng disyembre simula na naman ng bagong talakayan,masasabi kong maganda itong araw na ito.Simula palang ng klase ay maganda at masaya na hanggang oras ng Filpino.Pinaskil ng aming guro ang iba't-ibang nalarawan ng mga kababaihan na nagpakita nang  angking galing sa ating bansa-Miriam Defensor,Corina Sanchez,Shamcy Sup-Sup,at dating pangulo Gloria M.Arroyo.Ang mga ito pala ay may kaugnayan sa sunod naming aralin ay "Banyaga"ni Liwayway Arceo.Tinanung muna kami ng aming guro kung ano ang kahulugan ng salitang Banyaga at saka pinabasa ang akda sa isa naming kamag-aral.Pagkatapos ipinasa ang aming mga tinipong akda.