Disyembre 24,2013
Mahal kong talaarawan,
Ngayong araw ay sobrang excited ang aking nararandaman kasi bespiras na nang pasko at mamayang alas 12 ng hating gabi hehehhe pagdiriwang ang kapanganakan ni hesus.Umaga palang naglinis na nang bahay kasi darating ang aking mga lolo at lola sa bahay ,si mama naman ay tinapos na ang mga labahan niya para walang sagabal sa kanya mamaya.Nang mag alas 03 na nang hapon ay naghiwa na si mama para sa mga sangkap sa handa namin yun pagkatapos ay nagluto na siya.Nang matapos siya ay gabi na,kumain na din kami pero pang gabihan hindi yung handa syempre mamaya pa yun ehh.
Tinatamad na ako sa kahihintay kaya nakatulog,paggising ko hahaha nasa sala na pala sila lola at nakakatawa ang aking itsura ang gulo daw kasi nang buhok ko heheheh yun 30 minuto nalang alas 12 na.Nang mag alas 12 na yun syempre kainan na!!hahaha busog na busog ako sa araw na ito.
Pag pasko ano ang nasa isip mo?syempre para sa akin madaming pagkain,puno nang kasayahan,pagmamahalan,at pagpapatawad sa mga kaibigan na may kasalanan sayo at higit sa lahat pag alala kay Jesus.Taon-taon natin ipinagdiriwang ang pasko nang masaya at pabonggahan nang mga handa hehheheh yun kasi ang nakasanayan .Ang tanging hiling ko ngayong pasko ay world peace echos!! syempe hindi lang para sa akin pati sa lahat nang pilipino na sana makabangon ang mga taong nasalanta nang bagyong yolanda ,mga taong nadamay sa giyera sa Zamboanga at kung anu-ano pa na sana kahit ganito ay maramdaman nila ang totoong diwa nang pasko.Pagmamahalan sa pamilya at bawat isa ang magandang regalo sa kaarawan ni papa jesus.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento