Disyembre 13,2013
Mahal kong talaarawan,
Pagkatapos nang klase ay hindi agad ako umuwi dahil nais kong manuod ng patimpalak sa aming paaralan"Mambugan Idol"kaso nga lang hindi rin pala pwede kaloka nga ehh kung kailan magandang manoud ay may sagabal....(echos)lang may huling praktis kami para sa gagawing presentasyon doon sa pagdalaw sa presinto nang Antipolo kaya yun hindi ako nakanuod nang MNHS IDOL pero ayus lang yun para mapaghandaan lalo ang aming palabas.
Sa bahay nila Jahaziel kami nag praktis yun bago mag praktis nangialam muna nang mga gamit nila jahaziel ,may gitara at piyano sila.Agad kong napansin na ang buhay ng pamilya ni Jahaziel ay simple lang pero makikita mung masaya.Syempre hindi nawala ang kainan yun paba?hehhehe nag ambagan kami para makabili nang meryendahan,kaya nakabili kami nang tinapay apat na balot at juice,hindi nagpahuli si pilapil hindi pa nga natitimpla ang inumin ay naubos na niya agad ang tinapay kaloka,bongga si pilapil.Habang kumakain ay nanuod kami nang isang palabas ito ay PEEMAK mula sa thailand ang ganda noong una medyo nakakatakot tapos nang lumabas na ang mga tauhan hahahaha nakakaloka ang mga itsura lalo na ang mga buhok nila pero masaya ang pagtatapos nito.
Yan lang po para sa araw na ito!!!!!!!!!!.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento