Disyembre 08,2013
Mahal kong talaarawan,
Ngayon ay linggo ito ang araw na pinakaespesyal sa akin dahil na rin siguro sa araw na ito nakukumpleto ang pamilya ko sabay-sabay kaming pupunta nang simbahan at pagkatapos mamamasyal kami ohh diba ang saya. Sa itaas ay makikita mo ang larawan nang isang simbahan na matatagpuan sa antipolo diyan kami palaging nagsisimba.
Nang matapos ang misa pumunta ako kasama ang aking pamilya sa SM Masinag,malapit lang ito sa simbahan at sa lugar na iyon masasabi kung napakasaya at kumain kami.Pagkatapos nauna na sila mama na umuwi nag paiwan ako kasama ang aking kapatid na babae kasi may binili kami at gumala-gala lang kami.Pagkatapos ay umuwi na din kami at masasabi kung nakakapagod itong araw na ito pero masaya naman .Pagkatapos magpahinga balik gawain na ulit,ginawa ko na yung mga takdang aralin sa iba't-ibang asignatura at tumulong na ding maglinis sa bahay kasama si mama.
Hay naku lunes na naman bukas bagong araw nanaman nang kaingayan biro lang po,ibig kung sabihin marami kana namang matututunan.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento