Disyembre 16,2013
Mahal kong talaarawan,
Ngayong araw maaga akong naghanda nang aking babauning pagkain at unting damit para sa pagbisita sa presento nang Antipolo.Ngayon ako at ilan sa aking mga kaklase ang lumiban sa klase ngunit ito ay aprobado nang aming mga guro para ito sa pagbisita sa presento nang Antipolo.Noong nasa presento na kami sa labas palang nanginginig na ang mga tuhod at kamay ko marahil sa kaba at samahan mo pa nang takot hehehe ikaw ba naman unang beses pumunta sa ganung lugar di ka kaya matakot,sa sobrang takot napapaihi na ako pero tiniis ko na lang.Nang makapasok sa loob sinalubong kami nang mga magagandang ngiti nang mga preso samahan pa nang mumunting presentasyon,hehehe dahil doon nabawasan ang takot ko sa kanila.
Oras na namin para mag pakitang gilas sa kanila syempre hindi magpapahuli ang mga mag-aaral nang mambugan,sa tingin ko nama'y napabilib ko sila ay este namin sila hehehe asuming naman ako!!pagkatapos kami ay nagkaroon nang pagkakataong sila ay makapanayam tungkol sa kanilang buahy at dahil doon nalaman ko na sila ay mga nagsisisi siguro hindi man lahat pero may iilan.
Natutunan ko sa araw na ito kahit sila ay bilanggo o may nagawang pagkakamali meron din silang mabubuting kalooban.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento