Biyernes, Pebrero 28, 2014

Chocolate pa po!!!!

Pebrero 19,2014

Mahal kong talaarawan,
                           Ngayon ay Myerkules at ayun gaya ng kahapon ang nangyari pero ayus lang naman sa korean words "Gwenchanseumnida" ibig yan"Never mind / It doesn’t matter  naman kung mauilt ang nangyari kahapon".Para malinaw ngayon kasi ay naputol ulit ang pagtuturo ng aming mga guro ng dahil sa mga mag aapply na guro at kami ulit ang napili na turuan nakakaloka noong una halos inaantok angn aking mga kaklase at pati narin pala ako hehehe.!!!
Pero ng matapos ang panagkatan gawain na binigay sa amin ay meron silang binigay na chocolate kaya nabuhayan ng dugo ang aking mga kaklase lalo na't pag nag recite ka ya bibigyan kapa ng Chocolate Ohh!!diba ang saya.Saka hindi pa nakontento ang aking mga kaklase at sabay-sabay na nagsabi ng isa pa!!!

Sayang!!!!!!!!!!!

Pebrero 18,2014

Mahal kong talaarawan,
                     Ngayong araw medyo hindi ako ok kasi po nagkaroon ako ng sipon at nakakaloka sya ang sakit sa ulo at ilong hehehehe hindi ako makahinga ng maayos saka kulang pa sa tulog ano bayan ang dami kong reklamo sorry ma'am!!!!.Maagang nagising kaya maaga rin akong pumasok ayun agad naman kaming nagumpisa ng talakayan sa asignaturang "chemistry"  maraming bago sa aming talakayan.Sa oras naman ng English inasar namin si ma'am Bering hehehe papaano ba naman subra po siyang "blooming"ang ganda niya ngayon ay palagi naman po pala hehehehe!!!.
                 Sa math naman hehehehe marami ang kabado kasi linggo ng "recitation" ngayon at ang recitation ay patungkol sa pinagaralan sa unang markahan hanggang ngayon ang dami po kaya noon.Ito na ang pinakahihintay ng grupo ko na araw,araw kasi ng presentasyon namin sa Values.Kaso nga lang hindi natapos alam mo po yung "feeling na pinaghandaan ninyo kaso hindi natuloy"hehehe kasi biglang naputol ang talakayan sa values nandyan na naman ang mga mag aapply na guro at kami ulit ang gagamitin diba!!ayun hanggang uwian sila ang nagturo sa amin.

Martes, Pebrero 25, 2014

Ingay na naman!!!

Pebrero 17, 2014

Mahal kong talaarawan,
                   Ngayon ay lunes unang araw ng pasukan para sa linggong ito.Ayun maagang nagising kasi natatakot akong mahuli sa pagpasok ehh flag ceremony pa naman ngayon.Ayun maagang nakapunta sa paaralan ayun ang ingay puro kuwentuhan patungkol sa nangyari noong JS Prom namin!!!!ayun yung mga lalaki puro payabangan sa mga nakasayaw paramihan daw hehehe yung mga babae naman paramihan ng mga gwapong nakasayaw Ohh diba!!!!
                  SA oras nang chemistry bago magsimula nagkaingay muna kay medyo nagalit si ma'am lalo na sa mga nahuli sa pagpasuk.Ayun bagong talakayan sa Chemistry,sa oras naman nang values ay naputol ang pagtuturo ni ma'am angel kasi dumating na ang mga mag aapply na mga guro sa ibat-ibang asignatura at kami ang napili na turuan nila.

Inspired daw!!!

Pebrero 16,2014

Mahal kong talaarawan,
                           Ngayon ay linggo syempre walang magawa pero magsisimba kami ngayon.Pagkagising ay agad na tumayo at nagexercise sa labas ng bahay habang wala pang gaanung tao......hehehe ang aga ko kasing nagising kaya naisip ko iyun.Nang magising na sila mama tumigil na ako sa pagtakbo ehh si mama na ang naghanda ng lamusal kaya kakain nalang ako!!!hayahay talaga ang buhay ko ngayon.Ngunit sa hindi inaasahang pagkakataon hindi na kami nakapagsimba sa kadahilanang  sumakit ang ulo ni mama kaya hindi nalang kami tumuloy,sayang nga ehh pero ayos lang iyun basta ok si mama.
                           Walang magawa kaya nagsulat nalang ako ng isang "lovestory" na nakabatay sa mga napapanuod kong mga korean na palabas ayun yung unang parte palang ng kuwento ang nagagawa ko pero sa tingin ko maganda ang kalalabasan nito lalo na't inspired ako echossss!!!!lang po hehehe.
Si papa na ang nagasikaso nag tanghalian iwan ko ba!!!pero salamat papa"love you".Ayun matapos kumain ay nagpahinga at saka natulog po ako.

Linggo, Pebrero 23, 2014

SAkit ng mata ko ngayon???????????

Pebrero 15,2014

Mahal kong talaarawan,
                      Ayun umaga na nang makauwi sa bahay dahil sa JS ka gabi ayun unforgetable moments naman ehh!!!reklamo ako nang reklamo habang naglalagad hindi kasi ako nag baon ng pamalit sa sandal yan tuloy ang sakit ng paa ko kaya naisip ko na maglakad nalang pati ang pinsan ko naglakad ng naka paa nakakahiya talaga ang buti nalang sinundo ako ni papa kaya nakahinga ng maluwag may dala si papa na tsinelas at nag motor nalang kami.Ayun pagdating sa bahay ay agad akung natulog napagod kasi ako......Alas 03 na ng hapon ng akoy magising napakasakit ng mata ko lumuba kaya ehh nakalimutan ko palang maghilamos bago matulog kaya paggising ko mukha na akong Zombie hehhehehe!!!!!!!!!!!

Pangarap lang kasi kita

Pangarap lang kasi kita
Ni: Rosabelle Orozco

Sa bawat oras na ika’y nakikita
Hindi ko na mawari ang nadarama
Ngiti sa labi lagging naaalala
Sa panaginip ikay aking laging kasama

Mukhang gwapo, kinikilig pag nakita 
Mapupungay mong mata sa akin biyaya
Tindig mo’t kisig talo pa ang artista
Walang sinabi si Daniel ng kapamilya 

Pag lumapit ka ako’y kinakabahan
Pag ika’y kausap ako’y nauutal
Pilit mang takpan ngunit di maiwasan
Nadaramang sing lalim ng karagatan

Hindi maintindihan ang nadarama 
Nasa alam kung dati ay paghanga, 
Paghangang umigting na ng lubusan, 
Ano ba ito pag-ibig na kaya?

Kung pag-ibig na nga ito ayaw ko na
Hanggang pangarap lang naman kasi kita
Minsan lang umibig, ikaw ang napili
Ngunit hindi mo naman minimithi.

Tila ako ay mayroong karelasyon
Na hindi alam maski aking pangalan
Aking puso ay tila gusting lumabas
Sa oras na magkrus ating mga landas

Kaya aking hiling sa mga bituin 
Sana’y maging akin makinang na bit’win
Kaya sana’y pagsamo ko’y dinggin
Pakaingatan ng pangarap maging akin.

"My Js Prom Night"

Pebrero 14,2014

Mahal kong talaarawan,
                               Ngayon ay "friday" at walang pasok kasi JS na namin...........OMGeeeeeeee ito na ang araw na hinihintay ko hehehe sa wakas JS prom na namin.Nagising ako ng 8:00 ng umaga hehehe nasubrahan sa "beauty sleep"ata ehh.Ayun nagalmusal at ng matapos ay nanuod ng Cartoons wala na kasi akong magawa hinihintay ko nalang ang ala una para pumunta na ako ng parlor.....bakit maaga? malalaman ninyo mamaya.Ayun kumain ulit para sa tanghalian at nag mag 1:00 na ng tanghale ay pumunta ng parlor syempre tapos na akong maligo nuh!!!!ayun kaya maaga kasi ng pamanikyur muna ako sa mga bakla doon,pagkatapos ay nagpaayus ng buhok at higit sa lahat nag pamake-up kailangan ehh....Natapos ang pagaayus agad kaya naghanatay na lang ako sa aking mga kasabay.
                                Nagumpisa ang lahat sa labas ng school ayun papicture rito papicture roon ang dami nga para tuloy artista ang peg ko nuh!!!.Nagsimula na nang tawagn na kami at pinapila syempre nasa unahan kami kasi sec.1 lagi naman ehh ayun nang model habang naglalagad kunwari fashion show lang hehehehe nag umpisa ang lahat sa bungad na panalangin at pagawit ng pambansang awit ng pilipinas echos hehehe,ng matapos ay agad ng na nagumpisa ang program ayun maganda naman.Maya-maya ay pumunta na kami sa na asign na room sa amin para doon kumain ayun hayahay ang sarap ng pagkain noong nasa loob ako naisip ko na ayaw ko ng lumabas nakakaantok na kasi ehh pero naalala ko yung sinabi ni ma'am na wag sayangin ang pinambayad sa JS kaya dapat mag enjoy.
                                 Matapos kumain ay nagsimula na ang mga contest katulad ng "date"tapos yung mga magiging Prom prince at Prom princess.Nang matapos ay nagsimula na ang party nagpatugtug na ng sweet ayun hinila ako ng aking ka partner hehehehe si abalos lang naman.Hindi lang siya ang nakasayaw ko marami pa isa-isahin natin echos lng po!!!
                                           (Mga nakasayaw ko!!!)
1.Lhiandro Abalos (first dance)
2.Jahaziel Pasaylo
3.Raymart Mirabel
4.Ian Tancuan
5.Alfred Corpuz (grabe ang tangkad nito)
6.John lenard (ibang section yan ehh)
7.(from sec.sapphire siya)
8.Mark louie Omandak
9.Angelo Sanchez
10.(4th year siya ehh hindi ko alam pangalan niya)
11.???si crush hehehe
12.Mark renier Laoay
13.Charlie Requiz
         Basta masaya itong gabi naito nakakaloka!!!Ayun saka nakakaantok siya.


Miyerkules, Pebrero 19, 2014

Cartoons!!!!!!!!!!!!!!!!

Pebrero 13,2014

Mahal kong talaarawan,
                           Ngayon ay huwebes syempre malapit na "weekends"hehehehe.Syempre nakakpagod na araw na naman dahil puro praktis para sa presentasyon sa values!!!!!!!!!Sa oras ng Chemistry nagkaroon kami ng pagsusulit para sa mga napagaralan kahapon.Sa oras ng mapeh ay pinagaralan na namin ang patungkol sa "table tennis" ayun maganda naman ang kinalabasan.Nang dumating na ang oras Ng uwian hindi agad ako umuwi malamang may praktis pa  kami sa values mga alas 02 na ng hapon ng kami ay matapos.Habang pauwi nakasabay ko ang aking bff at ang iba kong mga kaibigan ayun nagkuwentuhan ng mga masasayang pangyayari noong kami ay second year palang magkakaklase kasi kami noon.
                            Nang  nasa bahay na ay kumain at pagkatapos ay nanuod ng "cartoon movie" at ito ay "yamato nadishiko".

Ang ganda ng palabas ba iyan nakakaloka ang love triangle diyan panuorin nyo din mabibilib kayo!!!!!!!.
 Sak ako natulog pagkatapos ko iyan mapanuod.

Martes, Pebrero 18, 2014

"GO,GO,GO.

Pebrero 12,2014

Mahal kong talaarawan,
                               Malamig  na umaga sa lahat! maraming salamat nga pala kay mama para sa nangyari kahapon.Pagkagising ay agad akong nagalmusal at naligo,iwan ko ba kung bakit nagmamadali ako siguro masyado lang masaya kasi nakahanda na ang mga gagamitin ko sa JS Prom namin.Sa oras ng Chemistry nagkaroon kami ng pagsusulit patungkol sa kahapong pinagaralan buti nalang "nagreview" ako kaya masaya ang kinalabasan.Sa oras ngt break nagusap ang aking grupo para sa gagawing presentasyon sa Values nakakaloka pa naman kasi ako ang "leader" ng unang pangkat o ng pangkat namin......nakakaloka ka  teh!!!.Habang pinaguusapan ang aming gagawin ay panay saway ako sa mga lalaki kong miyembro nakakaasar kasi puro ingay walang maitulong pero sinasabihan ko sila ng "GO,GO,GO," kaya natin ito pero sana nga ganun kadali.
                        Nang uwian kami ay nagkaroon ng praktis para sa presentasyon na gagawin sa Values!!.Kaya hapon na ako nakauwi yan tuloy sermon na naman kay mama hindi kasi nagpaalam ehh.
                            

Bibili na kami!!!!!

Pebrero 11,2014

Mahal kong talaarawan,
                                  Nakakatamad na araw ito para sa akin hehehehehe pagkagising palang kasi ay tinatamad na akong tumayo sa aking higaan kaya nasabi ko iyun.Sa mga oras na iyun ramdam ko parin ang antok sa sarili ko!!!!matutulog pa sana ako kaso may pasok nga po pala.Sa pagpasok nakasabay ko ang aming kapit-bahay hindi kasi ako naihatid ni papa inaantok pa naman siya ehh."Laugh trip" naman sa oras ng Filipino hehehehe paano ba naman tawa ng tawa ang aking mga kamagaralan kaya hindi matuloy-tuloy ang aming talakayan sabagay kailangan naman talaga iyun paminsan-minsan pero parang sobra naman sa amin kasi kahit hindi nakakatawa ay tatawa sila kaya nakakaloka.
                                Nang nakauwi na ako ay agad kumain pagkatapos ay naghugas ng mga plato ngunit hindi ko ito natapos kasi si mama agad akong pinamadaling magbihis aalis daw kami hulaan ninyo saan kami pupunta???? hehehehe bibili lang naman kami ng susuotin ko sa JS Prom namin naeexcite tuloy ako ano bayan!!!!!!hehehe.Alas 06  na ng gabi kami nakauwi ni mama pero ayus lang saya naman ehh.

Lunes, Pebrero 17, 2014

Panalo sila!!!!

Pebrero 10,2014

Mahal kong talaarawan,
                    Maaga ako pumasok ngayon malamang lunes kasi ehh may "flag ceremony" saka lagi naman.Pagpasok palang sa amnig silid ay agad ng nagkaingay at naguusap patungkol sa mga nanalo sa SSG pati rin naman ako naeexcite kung sino ang bagong  presidente nito si ate Irin ba? o si shaira? sino kaya sa kanila.Maya-maya ay amin ng nalaman ang grupo nila ate Irin ang nanalo halos walang nanalo sa grupo nila shaira ayus lang iyun basta na subukan nila.Sa  oras ng Chemistry ay nagkaroon ng pagbabalik tanaw sa napagaralan.Sa oras naman ng A.P ay amin ng napagusapan ang patungkol sa "Paglaki ng Pupolasyon".
Sabay-sabay kaming umuwi at nagkuwentuhan ng kung anu-ano nakakatawang bagay....habang pauwi nadaanan namin ni karen ang isang bakery kay  bumili kami ng mga foodz hehehehe tinapay at sa tabi ay mayroong tindahan ng palamig kaya kami ay bumili rin maraming kuwentuhan ang nangyari hanggang sa mapagusapan namin ang gagawin sa darating na JS Prom kapwa kasi kami sasali roon ang saya talaga noon.

Maligayang Kaarawan!!!sayo

Pebrero 09,2014

Mahal kong talaarawan,
                     Ngayon ay maagang nagising at naggayak upang magsimba para sa kaarawan ng aking kapatid masaya itong araw na ito kasi pagkatapos ng misa ay pumunta kami nila mama sa bilihan ng cake para dagdag sa handa ng kapatid ko ......ang sarap sa paningin ng cake na iyun nakakatakaw naman!!!
kinantahan ko pa siya ng "happy birthday to you" saka nung korean song ng happy b-day to you.Matapos ang pagdiriwang ay balik nagkaroon naman sila ng kasiyahan !!!!!alam nyo na yun.Nakakapagod itong araw na ito maraming magandang nangyari sa akin at sa aking pamilya.Wala talagang makakatalo sa kasiyahan hatid ng iyung pamilya kaysa sa iba.

Linggo, Pebrero 16, 2014

Sabadoooooo!!!!

Pebrero 08,2014

Mahal kong talaarawan,
                             Ngayon ay isang simpleng araw dahil wala akong ginawa kung hindi matulog ng matulog kaya tuloy wala akong nalalaman sa mga nangyayari sa aming bahay hehehehehe ibig kung sabihin umalis pala si mama ng hindi ko alam pumunta sa bulacan para makiramay sa isa naming kamaganak,nalulungkot ako sa mga nangyari.Ako ang nag asikaso sa  bahay,maya-maya nagtext si mama bukas na daw siya uuwi buti nalang nandito na si papa.Pagkahapon ay pinatulog ko ang aking mga kapatid saka narin ako natulog .Nang maggabi na ako ay nagising para mag-asikaso ulit at doon nagtatapos ang aking kuwento sa araw na ito.

Lunes, Pebrero 10, 2014

BANGKANG PAPEL ni Genoveva Edroza-Matute

BANGKANG PAPEL ni Genoveva Edroza-Matute 
Nagkatuwaan ang mga bata sa pagtatampisaw sa baha. Ito ang pinakahihintay nilang araw mula nang magkasunud-sunod ang pag-ulan. Alam nilang kapag iyo'y nagpatuloy sa loob ng tatlong araw ang lansangang patungo sa laruan ay lulubog. At ngayon, ay ikalimang araw nang walang tigil ang pag-ulan. 

Ilang maliliit na bata ang magpapalutang ng mga bangkal papel, nariyang tinatangay ng tubig, naroong sinasalpok at inilulubog, nariyang winawasak. 

Sa tuwi akong makakikita ng bangkang papel ay nagbabalik sa aking gunita ang isang batang lalaki. Isang batang lalaking gumawa ng tatlong malalaking bangkang papel na hindi niya napalutang sa tubig kailanman... 

Isang batang lalaking nagising sa isang gabi, sa mag dagundong na nakagugulat. 


Sa loob ng ilang saglit, ang akala niya'y Bagong Taon noon. Gayon ding malalakas na ugong ang natatandaan niyang sumasalubong sa Bagong Taon. Ngunit pagkalipas ng ilan pang saglit, nagunita niyang noon ay wala nang ingay na pumapatak mula sa kanilang bubungan. 


Sa karimla't pinalaki niya ang dalawang mata, wala siyang makitang ano man maliban sa isang makitid na silahis. Hindi niya malaman kung alin ang dagundong ng biglang pumuno sa bahay ang biglang pagliliwanag. Gulilat siyang nagbalikwas at hinanap nang paningin ang kanyang ina. 


Nagsunud-sunod ang tila malalaking batong gumugulong sa kanilang bubungan. Ang paggulong ng mga iyo'y sinasaliwan ng pagliliwanag at pagdidilim ng bahay, ng pagliliwanag na muli. Samantala'y patuloy ang pagbuhos ng ulan sa kanilang bubungan, sa kanilang paligid, sa lahat ng dako. 


Muling nahiga ang nagbalikwas at ang tinig niya ay pinatalagos sa karimlan. 


"Inay, umuulan, ano?" 


"Oo, anak, kangina," anang tinig mula sa dulo ng hihigan. 


"Inay," ang ulit niya sa karimlan, "dumating na ba ang Tatay?" 


Sumagot ang tinig ngunit hindi niya maunawaan. Kaya't itinaas niya nang bahagay ang likod at humilig sa kaliwang bisig. Sa kanyang tabi;y naroon ang kapatid na si Miling. Sa tabi nito'y nabanaagan niya ang katawan ng ina, at sa kabila naman nito'y nakita niya ang banig na walang tao. 


Ibinaba niya ang likod at iniunat ang kaliwang bisig. Naramdaman niya ang sigis ng lamig ng kanyang buto. Mula sa nababalot na katawan ni milng ay hinila niya ang kumot at ito'y itinakip sa sariling katawan. Bahagyang gumalaw ang kapatid, pagkatapos ay nagpatuloy sa hindi pagkilos. Naaawa siya kay Miling kaya't ang kalahati ng kumot ay ibinalot sa katawan niyon at siya'y namaluktot sa nalabing kalahati. 


Naramdaman niya ang panunuot ng lamig sa kanyang likod. Inilabas niya ang kanag kamay sa kumot at kinapa ang banig hanggang sa maabot niya ang sahig. 


Anong lamig sa sahig, ang naisip niya, at ang kanang kamay ay dali-daling ipinasok muli sa kumot. 


"Inay," ang tawag niyang muli, "bakit wala pa si Tatay? Anong oras na ba?" 


"Ewan ko," ang sagot ng kanyang ina. "Matulog ka na, anak, at bukas ay magpapalutang ka ng mga bangkang ginawa mo." 


Natuwa ang bata sa kanyang narinig. 


Magkakarerahan kami ng bangka ni Miling, ang aki'y malalaki't matitibay...hindi masisira ng tubig. 


Dali-dali siyang nagbangon at pakapa-kapang sumiksik sa pagitan ng kapatid at ng kanyang kausap. Idinaan niya ang kanyang kamay sa pagitan ng baywang at bisig ng ina. Naramdaman niya ang bahagyang pag-aangay ng kaliwang bisig niyon. Ang kanang kamay noo'y ipinatong sa kanyang ulo at pabulong na nagsalita: 


"Siya, matulog ka na." 


Ngunit ang bata'y hindi natulog. Mula sa malayo'y naririnig niya ang hagibis ng malakas na hangin. At ang ulang tangay-tangay noon. 


"Marahil ay hindi na uuwi ang Tatay ngayong gabi," ang kanyang nasabi. Naalala niyang may mga gabing hindi umuuwi ang kanyang ama. 


"Saan natutulog ang Tatay kung hindi siya umuuwi rito?" ang tanong niya sa kanyang ina. Ngunit ito'y hindi sumagot. 


Sinipat niya ang mukha upang alamin kung nakapikit na ang kanyang ina. Ngunit sa karimlan ay hindi niya makita. 


Bago siya tuluyang nakalimot, ang kahuli-hulihang larawan sa kanyang balintataw ay ito. Tatlong malalaking bangkang yari sa papel na inaanod ng baha sa kanilang tapat... 


At samantalang pumapailanlang sa kaitaasan ang kahuli-hulihang pangrap ng batang yaon, ang panahon ay patuloy sa pagmamasungit. Ang munting bahay na pawid ay patuloy sa pagliliwanag at pagdidilim, sa pananahimik at pag-uumugong, sa pagbabata ng walang awing hampas ng hangin at ulan... 


Ang kinabukasan ng pagtatampisaw at pagpapaanod ng mga bangkang papel ay dumating... Ngunit kakaibang kinabukasan. 


Pagdilat ng inaantok pang batang lalaki ay nakita niyang nag-iisa siya sa 
hihigan. Naroon ang kumot at unan ni Miling at ng kanyang ina. 


Pupungas siyang bumangon. 


Isang kamay ang dumantay sa kanyang balikat at nang magtaas ng paningin ay nakitang yao'y si Aling Berta, ang kanilang kapitbahay. 


Hindi niya maunawaan ang tingin noong tila naaawa. 


Biglang-biglang naparam ang nalalabi pang antok. Gising na gising ang kanyang ulirat. 


Naroon ang asawa ni Aling Berta, gayon din sina Mang Pedring, si Alng Ading, si Feli, at si Turing, si Pepe. Nakita niyang ang kanilang bahay ay halos mapuno ng tao. 


Nahihintakutang mga batang humanap kay kay Miling at sa ina. Sa isang sulok, doon nakita ng batang lalaki ang kanyang ina na nakalikmo sa sahig. Sa kanyang kandungan ay nakasubsob si Miling. At ang buhok nito ay walang tigil na hinahaplus-haplos ng kanyang ina. 


Ang mukha ng kanyang ina ay nakita ng batang higit na pumuti kaysa rati. Ngunit ang mga mata noo'y hindi pumupikit, nakatingin sa wala. 


Patakbo siyang lumapit sa ina at sunud-sunod ang kanyang pagtatanong. 


"Bakit, Inay, ano ang nangyari? Ano ang nangyari, Inay? Bakit maraming tao rito?" 
Ngunit tila hindi siya narinig ng kausap. Ang mga mata noo'y patuloy sa hindi 
pagsikap. Ang kamay noo'y patuloy sa paghaplos sa buhok ni Miling. 


Nagugulumihang lumapit ang bata kina Mang Pedring at Aling Feli. Ang pag-uusap nila'y biglang natigil nang siya'y makita. 


Wala siyang narinig kundi... "Labinlimang lahat ang nangapatay..." 


Hindi niya maunawaan ang ang lahat. Ang pagdami ng tao sa kanilang bahay. 


Ang anasan. Ang ayos ng kanyang ina. Ang pag-iyak ni Aling Feli nang siya ay makita. 


Sa pagitan ng mga hikbi, siya'y patuloy sa pagtatanong... 


"Bakit po? Ano po iyon?" 


Walang sumasagot sa kanya. Lahat ng lapitan niya'y nanatiling pinid ang labi. Ipinatong ang kamay sa kanyang balikat o kaya'y hinahaplos ang kanyang buhok at wala na. 


Hindi niya matandaan kung gaano katagal bago may nagdatingan pang mga tao. 


"Handa na ba kaya?" anang isang malakas ang tinig. "Ngayon din ay magsialis na kayo. Kayo'y ihahatid ni Kapitan Sidro sa pook na ligtas. Walang maiiwan, isa man. 


Bago lumubog ang araw sila'y papasok dito... Kaya't walang maaaring maiwan." 


Matagal bago naunawaan ng bata kung ano ang nagyari. 


Sila'y palabas na sa bayan, silang mag-iiba, ang lahat ng kanilang kapitbahay, ang maraming-maraming tao, at ang kani-kanilang balutan. 


Sa paulit-ulit na salitaan, sa sali-salimbayang pag-uusap ay nabatid niya ang ilang bagay. 


Sa labinlimang nangapatay kagabi ay kabilang ang kanyang ama...sa labas ng bayan...sa sagupaan ng mga kawal at taong-bayan. 


Nag-aalinlangan, ang batang lalaki'y lumapit sa kanyang ina na mabibigat ang mga paa sa paghakbang. 


"Inay, bakit pinatay ng mga kawal ang Tatay? Bakit? Bakit?" 


Ang mga bata noong nakatingin sa matigas na lupa ay isang saglit na lumapit sa kanyang mukha. Pagkatapos, sa isang tinig na marahang-marahan ay nagsalita. 


"Iyon din ang nais kong malaman, anakm iyon din ang nais kong malaman." 


Samantala... 


Sa bawat hakbang na palayo sa bahay na pawid at sa munting bukid na kanyang tahanan ay nararagdagan ang agwat ng ulila sa kanyang kabataan. 


Ang gabing yaon ng mga dagundong at sigwa, ng mga pangarap na kinabukasan at ng mga bangkang papel - ang gabing yaon ang kahuli-hulihan sa kabataang sasansaglit lamang tumagal. Ang araw na humalili'y tigib ng pangamba at ng mga katanungang inihahanap ng tugon. 


Kaya nga ba't sa tuwi akong makakikita ng bangkang papel ay nagbabalik sa aking gunita ang isang batang lalaki. Isang batang lalaking gumawa ng tatlong malalaking bangkang papel na hindi niya napalutang kailanman.

Bakit ako maam'Mixto????hehehehe

Pebrero 07,2014

Mahal mkong talaarawan,
                           Ngayon maganda ang gising ko kasi sa wakas hindi ko na iisipin ang report ko sa chemistry dahil sa wakas tapos na ako doon.Sa oras ng chemistry nagkaroon ng gawain patungkol sa "solubility"at sa "saturation solution" ayus lang naman hindi ganun kahirap kasi ako ang nag-ulat noon ehh!!!!!.Sa oras ng math hindi si Gng.Santos ang nagturo sa amin wala kaming guro sa mga oras na yun dahil sa ginawang misa sa aming paaralan hindi naman kami kasama ehh!!kaya nasa room lang kami.
                           Sa oras ng Filipino hindi ko akalain ang mga sumunod na pangyayari hehehehe ako kasi ang nabunot ni maam sumunod kay Nodado para ibahagi ang aming ginawang tula o sanaysay!!!nabasa ko nga inaasar naman ako sa pamagat palang ehh ang dami na nilang sinabi nakakaloka pati kay maam hindi ako nakaiwas  hehehehe ayus na yun ang mahalaga tapos na akong mag bahagi.

Moment ko to!!!! "wag kayong magulo"

Pebrero 06,2014
       

Mahal kong talaarawan,

                             Ngayon ay maagang nagising marahil na rin sa "naeexcite" ako sa pagpasok kasi mgauulat ako sa Chemistry "with matching experiment"pa kaya saan kapa nood na echos lang.Medyo kinakabahan nga po ehh iwan ko ba kung bakit pag sa asignaturang chemistry ay kinakabahan ako pag nasa unahan.Kinakabahan ako??????
hehehe!!!!(kunwari ako yan).Natapos naman ng maayos ang aking paguulat kaya nakahinga naman ng maluwag!!!"salamat po kay God".Sa oras naman ng filipino ay nagkaroon na ng bagong aralin noong una pinakuha kami ni maam ng isang papel saka pinasulat ang pangalan sa papel at ang aming mga pangarap sa buhay saka ito pinagawang bangkang papel nama'y kinalaman sa aming bagong aralin ito ang "Bangkang Papell ni Genoveva_Edroza-Matute".Sa oras naman ng T.L.E mayroon din kaming bagong talakayan.

SSG!!!! leadership dapat.

Pebrero 05,2014

Mahal kong talaarawan,
                         Ngayon ay masasabi ko na masaya kahit na kulang ako sa tulog!!!!!.Maaga akong nagising pero inaantok pa ehh!!ng nasa loob na ng room nakinig lang kami sa paguulat ng iba kung kamag-aral na patungkol sa asignaturang Chemistry tapos biglang nagpatalastas si maam'Manlagnit hehehehe nag "announce" lang naman siya ng mga bagay na patungkol sa darating na JS Prom sa aming paaralan.Sa oras naman ng math nagbigay pa si Gng.Santos ng mga halimbawa patungkol doon sa aming topic math para mas lalo namin itong maunawaan.Sa hindi inaasahan pangyayari ay naputol ang pagtuturo sa Mapeh dahil sa pangangampanya ng mga tumatakbong SSG ayun medyo ayus naman ang mga presentasyon ng bawat isa ang totoo dalawang grupo  lang ang naglalaban ito ang SELFIE Group at G2B Group  ang nagustuhan ko sa mga ginawa nila ay yung mga kasabihan at paniniwal nila sa pagiging magaling at matapat na leader.
Para sa akin mahirap maging isang pinuno kailangan matatag ka kasi responsable ka sa lahat at sa lahat ng mga bagay na mangyayari.Sabi nga nila "the god followers are the great leaders"tama yan para sa akin.Kaya sa mga estudyante sa aming paaralan ay pumili ng mabuti at magisip kung sino ang karapat dapat  na maging leader.Sa mga taong mananalo sa eleksyon sa SSg patunayan nyo naman na karapat dapat kayo.


Linggo, Pebrero 9, 2014

Abalang araw!!!

Pebrero 04,2014

Mahal kong talaarawan,
                       Ngayon ay muntik na akong mahuli sa klase saktong pagdating ko ay siya namang pagdating ni maam'Manlagnit sa room kaya suwerte pa din ako!!kaya lang naman ako muntik ng mahuli dahil nahuli ako ng gising nasarapan sa tulog ehh!!Nang nasa paaralan na ay agad na nagbigay ng pagsusulit ang aming guro sa Chemistry ayus lang naman kasi nakinig naman ako sa mga talakayan ehh.Sa oras ng Values ay naganunsyo si maam'Angel sa gaganapin contest sa paaralan nila kung baga nangyaya siya kung sinu ang may nais na sumali.

Pasok na po tayo!!!!

Pebrero 03,2014

Mahal kong talaarwan,
                    Ngayon ay simula ulit ng makulit at masayang araw at hindi mawawala ang salitang nakakapagod para sa akin.Maagang nagising kahit na medyo inaantok pa ako kailangan ehh!!!!ang nakakaasar hindi ako nakapakulo ng mainit na tubig yan tuloy ang lamig nang panligo ko???.Pagkatapos ng lahat ay pumasok na ako takot ko lang "malate" nuh saka "flag ceremony" ngayon ehh bawal talagang mahuli.Nang nagsimula na ang flag ceremonyay marami ang nagulat sa nagdasal ,ang gulo kasi niya.Nang oras na ng Chemistry ay pinagpatuloy nalang namin ang nasimulang "topic".Sa oras naman ng math lahat ay naging masaya dahil sa wakas si Gng.Santos na ulit ang aming guro namiss namin si maam ehh!!!.\
                   Sa oras nang Filipino ay pinagpatuloy lang namin ang nakaraang talakayan.Nang oras na ng uwian ay hindi pa kami nakauwi agad kasi may ginawa pa at tinapos ang gawain sa math.

Linggo!!!!!!!!!!!

Pebrero 02,2014

Mahal kong talaarawan,
                          Ngayon ay linggo syempre wala paring pasok saka araw pa ng pahinga.Ngayon ay araw ng panginoon kaya tara na simba tayo!.Pagkagising ay nakahanda na ang almusal kaya kakain nalang ang hinihintay.Matapos ay naligo na ako para makahabol sa misa tagal na din kasing hindi nagsimba.Nang nasa simbahan na ay nakinig na ng misa,pagkatapos ng misa ay agad na kaming umuwi nila mama aalis daw kasi sila ni papa!!hehehe pabiro kung sinabi kay mama na maydate lang sila ni papa ehh!!!sabi tuloy ni mama lokaloka daw ako hehehe...malay ko ba?.Syempre wala sila kaya ako nalang ang nagasikaso sa bahay ako na din ang nagluto na pagkain,kaasar nga mga kapatid ko ang gugulo nila parang bata malamang mga bata pa yun.
                         Mga alas 2 na sila mama nakauwi at syempre hindi mawawalan ng pasalubong lagi naman ehh!saka na ako nakatulog ng dumating sila para sila naman magbanatay sa mga kapatid ko hehehe!Maraming nangyari ngayon na nakakapagod kaya bukas nalang ulit,bye,bye po.

Biyernes, Pebrero 7, 2014

Sabadoooooooo!!!! Simula ng buwan ng puso!!!

Pebrero 01,2014

Mahal kong talaarawan,
                     Ngayon ay sabado syempre walang pasok at ang maganda ay "February" na ibig sabihin simula na ng buwan ng pagibig sabi lang nila.....at ang pinakamasaya para sa akin ay  malapit na ang JS Prom namin sa school tagal ko din yun hinintay.Balik sa sabado!! haha ngayon ay pahinga "day" na po walnag pasok pero ang dami ng takdang aralin sa bawat asignatura sa T,L,E palang ay nakakaloka na.Pagkagising ay agad ng bumangon hindi na ako nagtagal sa higaan bawal ang tamad-tamad ngayon maraming gagawin.Ang almusal ko ay pandesal at gatas lang ayaw ko munang kumain ng kanin "diet"kasi ako echos lang hehehehe hindi lang talaga po ako sanay na kumain ng kanin pag umaga.Maganda naman ang panahon nasubrahan nga lang ang init kasi ehh!!!! pero maganda maglaro ng patentero ngayon kaso ang problema ay wala naman akong kalaro saka dalagita na ako para makipaglaro sa mga bata.
                    Matapos kumain ng tanghalian ako naman ang nakatoka sa paghuhugas ng mga pinggan.Saka nagpahinga at natulog.Pagkagising ay naligo para "fresh"hehehe para iwas amoy diba.Pagkagabi ay tumulong na lang ako kay mama na maghanda nang pagkain.

Huwebes, Pebrero 6, 2014

Walang Pasok!!!!!!!!!

Enero 31,2014

Mahal kong talaarawan,
                                 Ngayong ay biyernes at ngayon ay walang pasok yun sarap matulog!! biro lang po.Bakit kaya walang pasok?....dahil ngayon ay "holidays" kasi ngayon ay ipinagdiriwang ng mga chinese ang Chinese New Year,ahh kaya pala!!!!.Pagkagising ko ay nakahanda na ang almusal kaya kakain nalang ang kulang.Syempre walang pasok kaya hayahay ang buhay sa bahay nakahiga lang ang ganap.Nang magtanghali na ay nagsaing pagkatapos ay si mama na ang nagluto ng ulam (nilagang baboy)umh!umh! ang sarap nuh!Bukod sa adobang baboy isa rin yan sa mga especialty ng mahal kung mama....ang sasarap naman kaya ako tumataba dahil kay mama...hehehe nangsisi pa.Pagkatapos naming kumain syempre naghugas na ng mga pinagkainan si mama bait ng mama ko nuhh!!!.
                                  Nang maghahapon na ay natulog na ako kasama ang mga kapatid ko kailangan ehh baka tumangkad pa biro lang.Pagkagising ay saka naligo at nanuod ng mga palabas sa t.v hanggang ngayon tungkol nparin kay vhong ang mga issue sa balita nakakaloka tuloy.Sige hanggang diyan nalang muna bye,bye,bye po.