Pebrero 18,2014
Mahal kong talaarawan,
Ngayong araw medyo hindi ako ok kasi po nagkaroon ako ng sipon at nakakaloka sya ang sakit sa ulo at ilong hehehehe hindi ako makahinga ng maayos saka kulang pa sa tulog ano bayan ang dami kong reklamo sorry ma'am!!!!.Maagang nagising kaya maaga rin akong pumasok ayun agad naman kaming nagumpisa ng talakayan sa asignaturang "chemistry" maraming bago sa aming talakayan.Sa oras naman ng English inasar namin si ma'am Bering hehehe papaano ba naman subra po siyang "blooming"ang ganda niya ngayon ay palagi naman po pala hehehehe!!!.
Sa math naman hehehehe marami ang kabado kasi linggo ng "recitation" ngayon at ang recitation ay patungkol sa pinagaralan sa unang markahan hanggang ngayon ang dami po kaya noon.Ito na ang pinakahihintay ng grupo ko na araw,araw kasi ng presentasyon namin sa Values.Kaso nga lang hindi natapos alam mo po yung "feeling na pinaghandaan ninyo kaso hindi natuloy"hehehe kasi biglang naputol ang talakayan sa values nandyan na naman ang mga mag aapply na guro at kami ulit ang gagamitin diba!!ayun hanggang uwian sila ang nagturo sa amin.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento