Enero 08,2014
Mahal kong talaarawan,
Ngayong pagbabalik-tanaw padin sa lahat nang napag-aralan sa ikatlong markahan.Ngayong araw din nagbigay nang isa pang pagkakataon ang iba kung mga guro para sa mga kaklase kung hindi nakapagpasa nang mga proyekto, buti nalang ako napasa lahat....ang saya tuloy.
Nagkaroon din nang mga pagsusulit sa ibang asignatura tulad nalang nang Filipino.Bukas ay ikatlong markahang pagsusulit na medyo kinakabahan at sana masagutan ko ang mga ito nang maayus.
Pag-uwi sa bahay ang una ko agad na ginawa ay "magreview" nang mga "notes"kasi bukas na yung pagsusulit.Pagkatapos nang matinding "pagrereview"ay ginawa ko naman ang binigay na takdang aralin ni Gng.Mixto na pagbubuod ng mga akda yung totoo lunes pa po niya ito sinabi kaso hindi ko agad ito ginawa yan tuloy "kanda-ugaga"o nagmamadali sa paggawa.May natutunan tuloy ako yan yung kung ano yung binilin sayo na gawain ay dapat mo itong gawin sa tamang oras o gawin ka agad hindi kung kailan na ito kailangan.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento