Enero 07,2014
Mahal kong talaaarawan,
Ngayong araw masasabi kong masaya naman pero mas namumutawi sa akin ang inis marahil na din sa aking mag makukulit na kaklase.Sa bawat asignatura ay nagkaroon kami nang mga pagbabalik tanaw sa lahat nang pinag-aralan ngayong markahan para maging "review"na din.Nang sumapit ang oras nang Values ayun nagkagulo na naman naaasar nga ako ehh kahit kasi gusto mong makinig hindi mo rin maintindihan sa subrang ingay.Nang oras naman nang T.L.E. ganun mas lalong lumala ang ingay kala ko pa naman sa pagsapit nang bagong taon ay magbabago na ang pangkat-diamond hindi pala.
Nang oras na nang uwian yun hantayan kami sa labas para sabay-sabay lahat nang taga-pagrai umuwi.Nang nasa bahay na kumain na ako pagkatapos nang halungkat nang mga kuwaderno sa mga asignatura para magreview na din,yun marami namang pumasok sa isip ko hehehehehe.Saka natulog nang hapon baka tumangkad pa.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento