Enero 23,2014
Mahal kong talaarawan,
Ngayon ay nakakalokang araw para sa pangkat tatlo sa asignaturang Filipino.Nagkaroon kasi ng pangkatang gawain sa asignaturang ito at ang naatas sa amin ay gumawa nang "story grammar" at si Ma'am mismo ang pumili ng maguulat,binubulong ko na sana ako nalang ang matawag pero nakakaloka dahil sila Jason,Omandak,at Moreno ang napili ni Ma'am marahil napansin silang hindi nakikiisa sa pangkatan.Ayun tuloy magulo ang kinalabasan binasa lang ni Omandak ang tanung,si moreno naman binasa lang ang sagot at ang malupit si Jason nagpaliwanag nga pero yung ibang sinasabi ay parang imbento hindi kasi nabanggit sa kuwento ehh!!.
Nang uwian na ay dumaritso na ako agad sa bahay pagod ang katawan iwan ko kung bakit echos lang ang totoo nagugutom na ako kaya nagmamadali.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento