Enero 21,2014
Mahal kong talaarawan,
Ngayong araw ang araw na pinakahihintay ng Diamond hehehehe!!! ngayong araw kasi ang presentasyon nang bawat pangkat sa Mapeh.Pagkatapos ay isa-isa ng nag presenta yun ayus naman ang kinalabasan ng bawat sayaw.Nang oras na nang values ay nagkaroon kami ng bagong talakayan ito'y tungkol sa "mga potensyal ng isang tao".Nang sumapit na ang oras ng Filipino ay tinalakay na namin ang maikling kuwento na "Ang Kalupi"na kung saan ito'y may patungkol sa "Maling akala"ng isang babae sa isang musmus na bata.Ito ay isinalaysay ni ate Irin at ginagampanan ng iba kong kaklase ang mga tauhan rito,pang "SineMoto"ng showtime,Ohh diba umaartista mga kaklase ko.
Mabilis namang dumating ang oras ng uwian,pagkauwi ay agad akong umuwi sa bahay at saka kumain para iwas sakit ng tiyan.Pagkatapos ay natulog baka tumangkad pa ehh!!..Pagkagising ay agad ko nang ginawa ang mga takdang aralin sa bawat asignatura.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento