Lunes, Marso 3, 2014

Magkaisa!!!

Pebrero 25,2014

Mahal kong talaarawan,
                 Ngayon ay hayahay day kasi walang pasok  dahil sa pagdiriwang ng "people power revulotion".Masaya naman ako kasi walang pasok pero mas gusto kong may pasok kaysa nasa  bahay ehh!!
Nagising ako ng 8:00 ng umaga hehehe nasubrahan sa "beauty sleep"ata ehh.Ayun nagalmusal at ng matapos ay nanuod ng Cartoons wala na kasi akong magawa hinihintay ko nalang  na mag  10:00 para magsaing  kasi si mama nalang daw ang magluluto ng ulam...ano  kay ulam namin? sana may sabaw po.
                    Ayun dahil sa walang magawa natulog nalang at saka nanuod ng show time ang ganda nga ng episode nila ngayon ehh!!!akma sa pagdiriwang ng people power revulotion .....Ano ba yun? .........
Ang Himagsikan ng Lakas ng Bayan (InglesPeople Power Revolution), na tinatawag ding Rebolusyon sa EDSA ng 1986 ay isang mapayapang demonstrasyon na nagtagal ng apat na araw sa Pilipinas, mula Pebrero 22 hanggang Pebrero 25 ng taong iyon. Nag-ugat ang nasabing rebolusyon sa serye ng mga kilos protesta ng mga tao laban sa diktaturyang pamumuno ni Ferdinand Marcos, lalo na noong napaslang si Ninoy Aquino noong 1983. Maraming mga tao ang nakilahok dito-mga sibilyan, militar at mga alagad ng simbahan tulad niJaime Cardinal Sin. Nagdulot ito ng pagbagsak na pamahalaang diktatoryal ni Pangulong Ferdinand Marcos at ang paghalili ni Corazon Aquino sa posisyong nilisan ni Marcos. Naganap ang mga demonstrasyon sa Epifanio de los Santos Avenue (EDSA), isang mahalagang daan sa Kalakhang Maynila.
                 Ohh diba ang galing ko alam ko sya!!!

1 komento: