Miyerkules, Marso 12, 2014

Suring Pampelikula ng "Must Be Love"

Suring Pampelikula ng "Must Be Love"


                                                                "Must Be Love"


                   "Best Friend forever"Ang katagang sinasabi ng bawat magkakaibigan sa atin.Paano kayo kung si "best friend na girl"ay mainlove kay "best friend na boy"at paano kung si boy ay mainlove sa pinsan ni best friend girl.Ano ang gagawin ng "best friend na girl" aamin nya kaya sa lalaki  na gusto nya ito o itatago nalang para maprotektahan ang pinsan nya?.......Ano bayan ang gulo masyadong komplikado.Yan ang problema nangyari sa palabas na "Must be love".

                     "Must Be Love" isang pelikula na pumatok sa ating isipan at lalo't na puso ng mga kabataan.Ito ay nagawa sa panulat nila  Melissa Chua,Roumella Monge.at Vanessa Valdez sa direksyon ni Dado Lumibao.Naging isa sa mga "best entry" ito sa ating mga sinihan sa taomg 2013,maliban kasi sa maganda ang takbo ng istorya ay ginanapan pa ito ng mga sikat na artista sa ating henerasyon tulad nila Kathryn Bernardo bilang  Princess Patricia "Patchot" Espinosa,Daniel Padilla bilang Ivan Lacson,Liza Soberano bilang Angel Gomez,John Estrada bilang King Espinosa.
                     Umiikot ang kuwento sa magkaibigan na sina Patricia o "patchot" at Ivan,simula pagkabata ay magkaibigan na talaga ang dalawa ito.Medyo lalaki ang g alaw dito ni Patricia hindi sya gaanung nagaayus ng pambabae kaya naman parang kapatid na lalaki ang turing rito ni Ivan.Biglang nagkagulo ang lahat ng biglang nagbago ang nararamdaman ni Patchot kay Ivan na hindi bilang kaibigan mas higit pa.Bigla naman dumating galing ibang bansa si Angel ang pinsan ni  patchot na napakagandang babae kaya naman agad na nainlove si Ivan sa kanya.Naging magnobyo sina Angel at Ivan,isang araw kinakailangan ni angel na bumalik ng ibang bansa ngunit babalik naman raw agad siya paalam nya kay Ivan,Habang nasa ibang bansa si angel unti-unti ng nagkaroon nang  pagkakataon ang magkaibigan na sila hangang sa magbago si Patchot "into cute lady"[ na hindi inasahan ni Ivan,bigla nalang nahulog si ivan kay Patchot ,bukod pa doon may ssinalihan silang contest.
                  Sa pagbabalik ni angel lalong gumulo ang lahat lalo na ang isipan ni ivan kung sino ang pipiliin niya kahit alam namar niya na si Patchot ang mahal niya kaso ngalang ayaw niyang masaktan si Angel.Pero syempre natapos ang lahat, naayos na ang mga problema nakipaghiwalay si Angel kay Ivan kung baga sakripisyo nalang niya at doon na nagkatuluyan sina Ivan at Patchot.Syempre sa lahat ng istorya ay may katapusan at syempre katulad ng Must Be Love may happy ending nuh!!!yun ang pinalkamaganda at nakakakilig na palabas at syempre nakarelate lahat ng kabataan rilto.

Lunes, Marso 10, 2014

Suring Basa ng "From My Head To My Heart"

Suring Basa ng "From My Head To My Heart".


                            "From My Head To My Heart".

              May mabuti bang maidudulot ang paghihigante sa taong mahalaga sayo?Diyan umiikot ang kuwento na aking nabasa,na tiyak magiiwan sayo ng maganda at perpektong wakas,samahan mo pa ng imahinasyon tiyak makakrelate ka rito.
             "From My Head To My Heart"ay nailathala sa taong 2006 ng Precious Heart Romance sa panulat ni Claudia Santiago. Umiikot  ang kuwentong ito sa dalawang magkaibaigan sina Jade at Cooper. Magkababata ang dalawa, si Cooper ay galing sa mayamang pamilya samantala si Jade ay mahirap lamang ang ama nito ay driver ng pamilya nila Cooper.Maagang namatay ang tatay ni Jade ng dahil sa  pagligtas nito sa tatay ni Cooper sa isang aksidente,sa utang naloob ng ama ni Cooper pinagaral nito si Jade.Sa kabilang banda ay namatay rin ang ina naman ni Cooper na puno ng sama ng loob sa asawa nito kasi daw hindi siya nito minahal mas mahal pa nito ang kanyang first love nagkaroon ng lamat ang samahan ng mag ama dahil diyan,simula noon nagbago na si Cooper nagrebelde na siya .Nasira ang pagkakaibigan ng dalawa ng itatwa ni Cooper si jade sa harap ng mga kaibigan nitong hindi magandang impluwensya.Simula noon hindi sila nagkita nagpalipat si Jade sa ibang paaralan.Maliban diyan nasangkot si Cooper sa mga kalokohan ng kanyang barkada
                Muling nagtagpo ang dalawa ng  dahil parihas sila ng unibersidad na pinasukan.Hanggang ngayon dala-dala parin ni jade ang sama ng loob,nakakaawa nga siya nuh!!!kaya hindi niya pinapansin si Cooper.Kahit sino naman pagnangyari sa iyo iyun ay talagang hindi mo ito makakalimutan maski nga ako ehh.May nakilala naman na bagong kaibigan si Jade isa sa mga heartrob ng kanilang school si Mark isang tisoy na lalaki at may pagtingin ito sa kanya,Magkasama si mark at cooper basketball team sa kanilang school.Napapansin ni Cooper na masyadong nagiging malapit si mark kay jade na ikinasisilos niya dahil diyan naglakas loob si Cooper na lumapit kay Jade at hingin ang kapatawaran nito.                                                                        .Sa hindi inaasahang pagkakataon muling lumalapit sa kanya si Cooper,ang hindi niya maintindihan ay kung bakit muli na naman itong naglalapit sa        kanya pagkaraan ng tatlong taong hindi nila pagkikibuan.Pumasok sa kanyang isip ang ideyang iparamdam dito ang sakit na ipinaramdam nito sa kanya noon nang itatwa siya nito.Kaya tinanggap niya ang muling pagkakaibigan nito pero para sakatan lamang.Ngunit hindi naman niya maatim na saktan ito.Muling napalapit ang dalawa sa isat-isa hanggang pati si Jade ay hindi na alam kung bakit ito nangyayari iba sa mga plano niya, at Lalo pa siyang naguluhan nang maramdaman niyang hindi na lamang pagtinging-kaibigan ang naramdaman niya para dito.Hindi kalaunan minahal na ni Cooper si Jade at doon natapos ang paghihiganti ni Jade na embes pasakitan si Cooper ay naging susi ito sa pagmamahalan ng dalawa.Naayos na ni Cooper ang problema sa kanyang ama at madrasta na matagal niyang itinago at naging maayos na ang lahat.Hindi kalaunan gumawa ng nang sariling pamilya ang dalawa nagdadalang tao na si Jade.at syempre perfect ito nuh!!ika nga "the best ang Ending".
          
                  Itong kuwentong ito ay hindi lang para sa mga taong nagmamahal ng totoo pati rin sa mga taong naniniwala  sa "second chance"katulad ng nangyari kina Jade at Cooper .Para sa akin maganda ang kuwentong ito nagiwan sa akin ng aral na pwede kang maghiganti ngunit maari itong bumalik sa iyo at may mabuti rin palang maidudulot ang paghihiganti.

"My Journey"

Marso 03,2014

Mahal kong talaarawan,
                    Ngayon ay lunes simula nanaman ng "journey ko sa paaralan para sa linggong ito.Maagang nagisng si mama mas nauna pa siya sa akin kaya siya nalang ang gumising sa akin at naghanda ng almusal hindi pa naman ako sanay na inaasikaso ni mama pagpumapasok kasi simula nag elementary ako ay  hindi na ako nagpapatulong kay mama sa pagaasikaso sa akin pero minsan ginagawa niya yun kahit naiilang ako.Ngayon kasi masasabi ko na nagbago na ugali ko dati hindi ako open kay mama pero ngayon parang "bff na kami as in best of friend".
                      Balik sa pagapsok,maaga akong nagising kasi kailangan alam nyo naman lunes kaya dapat maaga ayaw ko po kasing mahuli sa klase saka sa flag ceremony.Matapos yan ay agad ng nagumpisa ang talakayan sa Chemistry patungkol sa "percet composition" ng mass.Nang mag English ay napagaralan naman namin ang patungkol parin sa best friend or friendship.Sa oras naman ng  values pinagpatuloy ng pangkat na pinamumunuan ni ate Provido ang kanilang presentasyon.

Sayang po!!!!!!!!!!!

Marso 02,2014

Mahal kong talaarawan,
                        Ngayon ay linggo syempre araw ng panginoon ang kaso nga lang hindi kami nakapagsimba kasi maraming gagawin sina mama at papa  magpapa-check daw sila.Kaya sayang pero ayos lang naman iyun kung baga may "valid reason"sila.kaya hindi natuloy .Maaga akong nagising kasi maaga rin ang schedule nila sa doktor tapos ng sila ay umalis ako na ang nalontrata sa mga gawaing bahay tulad ng pagsasaing at pagluluto ng ulam,at higit sa lahat magbantay sa aking mga kapatid na makukulit.
                         Ayun matapos kong maghanda ng pagkain kumain na kami mga 01 na ng tanghali dumating sila mama sabi nila kumain na daw sila siguro sa Jollibee "charot" lang po.Nang sila mama ay nandito na nakatulog na ako ng mahinbing kasi wala ng mga asungot sa tabi este mga makukulit na kapatid.Pagkagising ko ay naligo na ako dating gawi naman ehh paulit-ulit lang naman ang ginagawa ko sa araw-araw na lumilipas.

Huwebes, Marso 6, 2014

Maling akala!!!!!!!!!!!!

Marso 01.2014

Mahal kong talaarawan,
                   Ngayon sabado at syempre wala paring pasok mahaba-haba na ang aming naging bakasyon meron pa nga bukas kasi linggo diba!!!!Ngayon ay isang simpleng araw dahil wala akong ginawa kung hindi matulog ng matulog nakakatamad kasing kumilos buti nalang walang mga takdang aralin nuh!!!! at buti nalang wala gaanung gagawin sa bahay ang ganda talaga ng araw ko sana wala ng sisira...........maya-maya nagpaalam si mama na mamamalengke siya ayun sabi ko naman sige po mama ako na bahala rito ayun tapos nanuod ako ng t.v biglang nakabasag ng baso ang aking kapatid ayun  napagalitan ako ni mama paguwi niya ako daw kasi matanda.
                     Ano bayan kala ko ayus na nasermonan pa ako pero ok lang kasalanan ko rin naman.Si mama na ang nagluto ng ulam namin maya-maya ay kumain narin kami,pagkatapos ay ako na ang naghugas ng plato.Pagkatapos ay saka ako natulog at nagising ng alas 04 ng hapon at saka naligo.

Miyerkules, Marso 5, 2014

Nuod tayo!!!

Pebrero 28,2014 

Mahal kong talaarawan,
                           Ngayon ay byernes at syempre walang pasok ulit palagi naman ehh.Ayun 8:00 na ng umaga ng ako ay magising nasubrahan ulit sa tulog!!!!Ayun nagalmusal dating gawi na naman nanuod ng palabas at ito ay ‘Starting Over Again’ Movie ni  Piolo Pascual at  Toni Gonzaga.

BEAUTY SLEEP!!!!!!

Pebrero 27,2014

Mahal kong talaarawan,
                            Ngayon ay huwebes at wala na namang pasok kaya hayahay ulit ang araw ko. Nagising ako ng 8:00 ng umaga hehehe nasubrahan na naman sa "beauty sleep"ata ehh.Ayun nagalmusal at ng matapos ay nanuod ng Cartoons " yamato nadishiko" wala na kasi akong magawa hinihintay ko nalang  na mag  10:00 para magsaing  kasi si mama nalang daw ang magluluto ng ulam...ano na naman  kaya ang  ulam namin? san preto!!!Mga 12 ng tanghali ay kumain na kaming lahat at ang ulam ay gulay ito ay langka kaya tuloy unti lang kinain ko.
                            Mga alas 03 ng hapon ay nagising ako sa mula sa pagkakatulog palagi naman ehh!!!saka ako naligo para fresh bago pumunta ng palengke.Hangang diyan na lang po ulit bukas nalang.
                      

"Hard day"

Pebrero 26,2014

Mahal kong talaarawan,
                            Ngayon ay merkyules at may pasok na po!!!kaya maagang nagising at nag almusal kaagad mukhang maganda ang panahon ngayon hahh!!.Sa oras ng Chemistry nagkaroon kami ng mahirap na pagsusulit pero  gawain talaga siya medyo mahirap nga po ehh!!pagkatapos ay nagiwan ng takdang aralin ang aming guro buti nalang ass. yun.Sa oras ng English nagkaroon ulit kami ng isang gawain ganun parin patungkol parin sa kaibigan.Sa oras naman ng Math  ayun recitation pa din kaya nakakatakot sabi ni ma'am santos hangang matapos ang 4th grading iyun kaya nakakaloka nuh!!.Sa oras ng mapeh  nagkaroon ng quiz kaya mahirap ulit.Sa oras naman ng break  ayun masaya kasi kahit papano natapos na din ang  pagkakaroon ng mga quiz sa ibat-ibang asignatura.
                          Sa oras naman ng Filipino ay  maguumpisa na sana ang pagtuturo ni ma'am kaso biglang naputol ang pagtuturo ni ma'am kasi may dumating na magaapply na guro ayun nagkaingay ang 3-diamond kaya naman nagalit si ma'am.Sa oras ng t.l.e ipinapasa ni ma'am Masarap ang aming mga notebook.Sa oras ng uwian nakasabay ko sina Capon,Grumo.at Pilapil naalala ko tuloy noong second year kami.

Lunes, Marso 3, 2014

Magkaisa!!!

Pebrero 25,2014

Mahal kong talaarawan,
                 Ngayon ay hayahay day kasi walang pasok  dahil sa pagdiriwang ng "people power revulotion".Masaya naman ako kasi walang pasok pero mas gusto kong may pasok kaysa nasa  bahay ehh!!
Nagising ako ng 8:00 ng umaga hehehe nasubrahan sa "beauty sleep"ata ehh.Ayun nagalmusal at ng matapos ay nanuod ng Cartoons wala na kasi akong magawa hinihintay ko nalang  na mag  10:00 para magsaing  kasi si mama nalang daw ang magluluto ng ulam...ano  kay ulam namin? sana may sabaw po.
                    Ayun dahil sa walang magawa natulog nalang at saka nanuod ng show time ang ganda nga ng episode nila ngayon ehh!!!akma sa pagdiriwang ng people power revulotion .....Ano ba yun? .........
Ang Himagsikan ng Lakas ng Bayan (InglesPeople Power Revolution), na tinatawag ding Rebolusyon sa EDSA ng 1986 ay isang mapayapang demonstrasyon na nagtagal ng apat na araw sa Pilipinas, mula Pebrero 22 hanggang Pebrero 25 ng taong iyon. Nag-ugat ang nasabing rebolusyon sa serye ng mga kilos protesta ng mga tao laban sa diktaturyang pamumuno ni Ferdinand Marcos, lalo na noong napaslang si Ninoy Aquino noong 1983. Maraming mga tao ang nakilahok dito-mga sibilyan, militar at mga alagad ng simbahan tulad niJaime Cardinal Sin. Nagdulot ito ng pagbagsak na pamahalaang diktatoryal ni Pangulong Ferdinand Marcos at ang paghalili ni Corazon Aquino sa posisyong nilisan ni Marcos. Naganap ang mga demonstrasyon sa Epifanio de los Santos Avenue (EDSA), isang mahalagang daan sa Kalakhang Maynila.
                 Ohh diba ang galing ko alam ko sya!!!

Insomnia pa kasi ehh!!!

Pebrero 24, 2014

Mahal kong talaarawan,

                                
                   Ngayon ay lunes unang araw ng pasukan para sa linggong ito.Ayun maagang nagising kasi natatakot akong mahuli sa pagpasok ehh flag ceremony pa naman ngayon.Ayun maagang nakapunta sa paaralan ayun ang ingay puro nga ehh Ohh diba lunes na lunes ang  ingay parin!!!                  SA oras nang chemistry bago magsimula nagkaingay muna kay medyo nagalit si ma'am lalo na sa mga nahuli sa pagpasuk.Ngunit  may biglaan sinabi si ma'am na lalomh kinaingay ng buong klase hehehe nag announce si ma'am na walang pasok bukas at sa huwebes at byernes pero may pasok sa merkules maraming natuwa at na excite  masyado nang mahaba ang aming bakasyon hindi lang literal na bakasyon pati na rin bakasyon sa mga pagaaralan sa bawat asignatura kasi noong nakaraang linggo hindi na maayos ang aming schedule eehh!!!.Nang dumating na ang oras ng uwian ayun agad naman akong umuwi masakit ang ulo ko kasi sinumpong na naman ako ng insomnia kagabi kaya wala po akong tulog.

Linggo, Marso 2, 2014

#gumawa ng assignmentsa chemistry

Pebrero 23,2014

Mahal kong talaarawan,
                          Ngayon ay linggo syempre wala paring pasok saka araw pa ng pahinga.Ngayon ay araw ng panginoon kaya tara na simba tayo!.Pagkagising ay nakahanda na ang almusal kaya kakain nalang ang hinihintay.Matapos ay naligo na ako para makahabol sa misa tagal na din kasing hindi nagsimba.Nang nasa simbahan na ay nakinig na ng misa,pagkatapos ng misa ay agad na kaming umuwi.    Mga alas 11:20 na kami kumain at syempre masarap ang nilutong ulam ni mama saka palagi namang masarap ehh!Ayun habang hindi pa busy ginawa ko na yung mga takdang aralin sa chemistry ,saka na ako nakatulog ng matapos iyun.Pagkagising ko may meryenda na ohh saan kapa gigising ka nalang may pagkain na.!Maraming nangyari ngayon na nakakapagod kaya bukas nalang ulit,bye,bye po.

#Tulogtayo!!!

Pebrero 22,2014

Mahal kong talaarawan,
                             Ngayon ay isang simpleng araw dahil wala akong ginawa kung hindi matulog ng matulog kaya tuloy wala akong nalalaman sa mga nangyayari sa aming bahay hehehehehe ibig kung sabihin  o patunay lang na hindi ako gala echos pero promise hindi ako lumalabas ng bahay minsan lang pag kailangan talagang lumabas.Si mama ang nag asikaso sa  bahay,maya-maya dumating ang kumpare ni papa ayun hinandaan ko naman ng pagkain bisita ehh.Naligo ako pagkatapos mag hugas ng mga pinagkainan para "fresh"pagnatulog diba.Pagkahapon ay pinatulog ko ang aking mga kapatid saka narin ako natulog .MagNang maggabi na ako ay nagising para mag-asikaso ulit at doon nagtatapos ang aking kuwento sa araw na ito. 

Na naman!!!!

Pebrero 21,2014

Mahal kong talaarawan,
                         Ngayon ay biyernes at huling araw ng pasok sa linggong ito.Ngayong araw  medyo tinatamad pumasok kasi alam ko naman na kami ay tuturuan parin nang mga gurong nais ng mag apply ibig sabihin walang Filipino ngayon pati na rin ang ibang asignatura maliban sa Chemistry,english at math,maagang nagising kaya maaga rin akong pumasok ayun agad naman kaming nagumpisa ng talakayan sa asignaturang "chemistry"  maraming bago sa aming talakayan.Sa oras naman ng English nagkaroon ng isang gawain.Sa math  ayun recitation ulit nakakaloka nga po ehh!!!.
                    Biglang naputol ulit ang pagtuturo ng aming mga guro ng dahil sa mga mag aapply na guro at kami ulit ang napili na turuan nakakaloka ulit wala na kaming nagagawa sa ibang asignatura.ayun sa oras ng uwian,agad naman akong umuwi ng bahay antok much na kasi ako ehh!!pero kumain muna ako bago matulog.

Ganun parin ang nangyari!!!

Pebrero 20,2014


 Mahal kong talaarawan,
                           Ngayon ay huwebes na  at ayun gaya ng kahapon ang nangyari pero ayus lang naman kaso nga lang marami na kaming nalalaktawang aralin sa bawat asignatura nahuhuli na kami sa talakayan .Para malinaw ngayon kasi ay naputol ulit ang pagtuturo ng aming mga guro ng dahil sa mga mag aapply na guro at kami ulit ang napili na turuan nakakaloka noong una na naman  halos inaantok ang aking mga kaklase at pati narin pala ako hehehe.!!!lagi naman pero mukhang masaya ito mangyayari nagyon ahh!!!
                        
 
Pero ng matapos ang panagkatan gawain na binigay sa amin ay meron silang binigay na chocolate kaya nabuhayan ng dugo ang aking mga kaklase lalo na't pag nag recite ka ya bibigyan kapa ng Chocolate Ohh!!choco-choco pa diba ang saya.Saka hindi pa nakontento ang aking mga kaklase at sabay-sabay na nagsabi ng isa pa!!!