Biyernes, Enero 31, 2014

Pagsusulit!!!!!!!!!!Attack

Enero 29,2014

Mahal kong talaarawan,
                           Ngayon ay masasabi kung nakakapagod na araw pero masaya kahit papaano,alam mo po kung bakit?hehehehe kasi po nakakalokang araw ito halos karamihan sa asignatura namin ay may pagsusulit buti nalang nakapagreview ako.Sa oras ng Chemistry ay nagkaroon kami ng pagsusulit tungkol sa "Solution" hindi naman ganun kahirap!unti lang.Sa oras naman ng Math si ma'am Santos ay wala parin kaya iabang teacher ay nagtuturo sa amin.Sa oras naman ng A.p maganda ang naganap hehehehe hindi pagsusulit ang ginawa namin kundi puro "recitation" ang saya gusto ko kasi palaging "recitation" ehh.
                         Sa oras ng filipino ay pangkatang gawain naman saka unting indibidwal na gawain ngunit hindi natapos kasi kinulang sa oras si Gng.Mixto kaya ginawang  takdang aralin na lamang ito.Oras na ng uwian ay umuwi agad ako pagod ehh!!!. Nang nasa bahay na ay pahinga ay ginawa saka kumain at naghugas ng mga pinggan at saka natulog,Ohh!! hanggang diyan nalang ulit po.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento