1. EXT. KALSADA. HAPON.

Tuluyan nang tatakpan ng buwan ang araw at magdidilim sa kalsada. Tarantang magtatakbuhan ang mga tao habang nakatingala sa langit. Isang matandang babae ang takot na takot na mapapaupo sa tabi ng kalsada at magdarasal. Kakahot ang mga aso.

MATANDANG BABAE
Diyos ko po, gunaw na yata!

Mula sa pagbabantay sa tindaha'y sisigawan ni Lucio, 33, ang babae.

LUCIO
Hindi ho, eclipse lang ho 'yan!

Walang damdamin sa mukhang pinagmamasdan ni Elsa ang lahat habang naglalakad. Mahigit beinte si Elsa, mallit lang, katulong sa malaking bahay. Ang lugar ay Cupang, isang baryo sa Pillpinas na mataga! na panahon ding hindi dinaratnan ng ulan, nagbibitak ang mga kalsada't natutuyo ang mga pananim.

Sa dilim ay makikita ni Elsa sina Lolo Hugo, Bella, at Pilo. Bulag si Lolo Hugo, akay akay ng pamangking si Bella. Maganda sl Bella, inosente. Si Pilo, magsasaka, ay may 25 na.

LOLO HUGO
Bakit, anong nangyayari?

BELLA
Naku, Tiyong, umuwi na tayo, natatakot ako!

PILO
(kay Bella). Ikaw kasi e, ayaw mo pa akong sagutin. Ikaw rin, baka matapos na ang mundo. Maglalakad si Elsa at makakasalu- bong si Sepa, asawa ng magsasaka.

SEPA
Elsa, nakita mo ba sina Nestoy at Intong? Nasa eskuwelahan ba?

ELSA.
Hindi ko nakita.

Maglalakad palayo si Elsa. Magpapatuloy ng paghahanap si Sepa.


2. EXT. BUROL. HAPON.

Sa dilim ay mangangapa si Elsa paakyat sa burol. Humuhugong ang hangin. Madadapa siya. Babangon sana pero may maririnig na bulong.

BOSES NG BABAE
Elsa.

Mapapalingon si Elsa. Parang tumahimik ang lahat, nakikinig din. Nagtatakang tatayo si Elsa. Sa loob
ng ilang sandali'y wala siyang makikita. Hahakbang siya palapit sa tuyung-tuyo't walang dahong punongkahoy sa tuktok ng burol.

Noon niya makikita ang kung anuman 'yun. Parang nauupos na kandilang mapapaluhod siya at maninigas ang katawan, tatapon ang ulo papunta sa likod habang nakatingalang parang mababakli ang leeg, hindi kumukurap ang mgs mata, sa dilim ay nagniningning an$ mukhang akala mo'y sinisikatan ng araw.


3. INT. SALA. BAHAY NINA ELSA
GABI.

Minamasahe ni Elsa si Aling Saling ina niya. May malalim na iniisip si Elsa. Saaltar ay may nakasinding kandila sa imahen ng Birhen.

ALING SALING
Munting kumibot ang lupa'y natatakot na agad silang baka gunaw. Kung bakit naman naniniwala pa rin silang ang lugar na (to'y isinumpa. Sabagay naniwala din ako n'ong una pero "gayon, ewan ko. Baka me mga lugar talagang bihirang datnan ng ulan. Hoy, EIsa, nakikinig ka

ELSA
Opo.

AUNG SALING
Lagi kang wafa sa sarili. Gaya kanina. Pinapunta kita kina Lucio'y nakalimutan mo. Lagi kang nasa burol. Hang taon ka na ba?

ELSA
Beinte-kuwatro po.

ALING SALING
Di kita laging mababantayan. Dapat mag-asawa ka na.

ELSA
Wala naman pong nanliligaw sa'kin e.

ALING SALING
Me anak 'yung isa kong kumpare sa ibayo. Binata pa.

ELSA
Inay, me ipagtatapat po ako sa Inyo.


Story and Screenplay............. Ricardo Lee
Directed by......................... Ishmael Bernal
Music................................... WinstonRaval
Director of Photography........Serglo Lobo
Production Design...............Raquel N. Villavicencio
Art Directors............................ DennJa Cid, Benjie Garda, Bing Fabregas
Editing.................................Ike Jarlego Jr.
Sound Supervision..............Vic Macamay
Associate Producer.............Trina N. Dayrit
Associate Director...................Warlito M. Teodoro
Casting and Crowd Director............ Joel Lamangan
Production Manager..........hternan Robles
Produced by.................Bibsy N. Carballo
Executive Producer...........Charo Santos-Concio
Production Company......Experimental Cinema of the Philippines

Mga Tauhan

Elsa.........................................Nora Aunor
Orly..................................SpankyManikan
Nimia...................................... Gigi Duenas
Chayong...............................Laura Centeno
Aling Saling.......................Vangie Labalan
Mrs. Alba..........................Veronica Paliieo
Sepa.................................. Ama Quiambao
Igmeng Bugaw..........................Cris Daluz
Baldo...................................... Ben Almeda
Mrs. Gonzales........................Aura Mijares
Part....................................Joel Lamangan
Bino.,.......................................ReyVentura
Pilo.....................................Crispin Medina
Narding.............................Lem Garcellano
Lolo Hugo.......................Mahatma Canda
Bella..................................Estella de Leon
Lucio........................ Cesar Dimaculangan
Mayor..........................................Joe Gruta
Chief of Police......................Tony Angeles
Nestoy........................... Richard Arellano
Intong................................... Erwin Jaointo
Aling Pising...........................Vicky Castitto
Chua.......................................Tommy Yap



ALING SAUNG
Baka sabihin nila'y mag-ina tayong matandang dalaga. Di Rita inampon para gumaya lang sa'kin.

ELSA
Nakita ko po ang Mahal na Birhen.

Mapapatingin si Aling Saling.

ELSA
Sa burol po. Kanina habang may eclipse. Nakaputing damit po siya. May belong asul. May sugat sa dibdib. Umiiyak po siya at saka nawala.

Mapupuno ng ligalig at pag-aalala ang mukha ni Aling Saling.

ELSA
(manlulumo). Ayaw po kayong maniwala sa akin?

Bubuntunghininga si Aling Saling.

4. INT. BAHAY NINA ELSA.
HAPON.

Muling babagsak ang pamalong hawak-hawak ng arbularyo. Tatama sa nakahybad na likod ni Elsang nakadapa sa katre. Sa halip mapangfwi sa sakit ay titigas ang mukha niya.

Nag-aalalang nakatingin sa tab) si Aling Saling, akala mo'y siya ang pinapalo. Hindi makatingin si Chayong, kaibigan ni Elsa. Nakatayo iang si Mrs. Aiba, amo ni Elsa.

Muling hahataw ang pamalo. Lalong titigas ang mukha ni Elsa. Humihingal na titigil ang arbularyo.

ARBULARYO
(kay Aling Saling). Talagang matigas ang espiritu. Kailangan pa nating maghintay nang ilang araw. Tsaka n'yo na Iang siya ibalik sa'kin.

Lalapit ang kamera sa mukha ng nakadapang si Elsa. Naroroon pa rin ang tigas.

5. EXT. BUROL UMAGA.

Kakanta-kantang papunta si Baldo sa bukid. Mapapatigil. Makikita si Elsa sa burol, nakaluhod sa harap ng tuyong punongkahoy, naninigas ang nakatapong ulo sa likod, walang kagalaw-galaw.

Humuhugong ang hangin.

Nagtatakang lalapit si Baldo at mabibigia.

May sugat sa magkabilang bisig si Elsa pero parang walang nararamdamang sakit.

BALDO
Elsa? Elsa?

Di gagalaw si Elsa. Yuyugyugin ni Baldo sa mga balikat.

BALDO
Elsa!

Matagal bago magmumulat ng mga mata si Elsa. Pero parang wala pa ring nakikita. Bubukas ang mga kamay niya. May sugat siya sa mga palad.

6. EXT/INT. KUMBENTO. GABI

Sa labas ng kumbento'y palakad-lakad na naghihintay sina Baldo, Aling Saling, Mrs- Alba at Chayong. Pabulong na nagrorosaryo si Chayong.

MRS. ALBA
Kaya pala lagi siyang malilimutin ngayon.

CUT TO:

Sa loob ng silid ay nakaupong magkaharap sina Elsa at ang pari. Parang inquisition ang nangyayari. Walang simpatiya ang pari kay Elsa.

Matatag at walang damdamin si Elsa. Sa di kalayuan ay pinagmamasdan sila ng nakatayong imahen ng Birhen.
Hindi tumitingin dito si Elsa.

PARI
Kung minsa'y nagpapanggap ang demonyo. Nakikilala siya tatlong persona.

Di kikibo si Elsa.

PARI
(ituturo ang imahen). Ganito ba ang nakita mo?

ELSA
Opo. Pero meron po siyang sugat sa dibdib. Para pong tama ng baril.

PARI
Me baril na ba noong unang panahon?

ELSA
Ewan ko po

PARI
E papaano mo nakita e may eclipse?

ELSA
May liwanag pong nanggagaling sa kanya. Para po siyang nabibihisan ng araw.

PAR1
Nakausap mo siya?

ELSA
Noong una po'y nagpapakita lang siya, umiiyak, at saka nawawala. Pero n'rtong huli'y nagsasalita na siya.

PAR1
Bakit daw siya umiiyak?

ELSA
Sabi po niya'y di mo ako mapapangiti, Ineng, maraming kasalanan ang tao.

PAR1
Sa kanya mo ba nakuha ang mga sugat mo?

ELSA
Ewan ko po pero sabi po niya, kung magpapakabait daw po lahat ng mga tagarito, isang araw ay mawawala ang sumpa.

PAR1
Naniniwala ka na isinumpa ang baryong ito?

ELSA
lyan po ang kuwento ng matatanda. (titigil, mapapatingala sa imahen). At ang sabi din po niya, darating daw po ang araw at lalapit daw po sa akin lahat ng may sakit at manggagamot daw po ako. Hindi lang daw po sugat ng katawan kundi pati 'yung sagot ng mga kaluluwa.

PARI
Lagi kang tinutukso ng mga tao dito bilang putok sa buho. Di sasagot si Elsa.

PARI
At noong araw na nakita mo ang Birhen ay nakagalitan ka daw ni Mrs. Alba.

ELSA
Lagi naman po niyang ginagawa 'yun e.

PAR1
May sama ka ba ng loob sa mga tao dito, Elsa?

ELSA
(titingin nang tuwid sa pan). Di nagbubulaan, naniniwala sa mga milagro. Ang Panginoong Diyos ay hindi
gagawa ng milagro para lang mapagtakpan ang pagkukulang sa pananampalataya ng mga tao.

ELSA
Totoo po ang nakita ko.

7. INT. KUWARTO. BAHAY NINA
ELSA. GABI.

Sa sahig ay nakahiga na para matulog si Elsa. Nakaupo sa tabi ang nag-aalalang si Aling Saling.

ALING SALING
Baka pagtawanan ka ng mga tao. Kung anu-ano kasing iniisip mo. Baka matanggal tayo sa trabaho kay Mrs. Alba. Mahlrap lang tayp, Elsa. Baka madagdagan pa ang problema natin.

ELSA
Totoo po ang sinasabi ko, Inay.

ALING SALING
Nagsisisi ako. Pinabayaan kita n'ong maliit ka pa. Kung anu-anong mga kuwento ang iniimbento mo noon, na
pinaniniwalaan ko. Minsa'y sinabi mong me kalaro kang anghel. Gusto kitang pigilan noon pero lungkot nalungkot ka. Lagi kang kinakantiyawang putok sa buho ng mga kalaro mo. Napulot iang daw kita sa burol. Inampon lang daw kita dahil tumatandang dalaga ako't kailangan ko ng libangan. Lagi kang nag-iisa. Kaya pinayagan kita sa mga laro mo. Sabi ko'y bata ka pa, lilipas din. At lumipas nga. Hanggang kahapon. Akala ko'y lumipas na.

8. INT. KUWARTO. BAHAY NINA
ELSA. MADALING ARAW.

Magigising si Aling Saling. Mapapansing wala si Elsa sa higaan. Mapapabalikwas ng bangon.

9. EXT. KALSADA. UMAGA.

Sagsag sa kalsada sina Aling Saling, Chayong, at Baldo.

CHAYONG
Baka ho nasa burol.

10. EXT. BUROL. UMAGA.

Mapapatigil sina Aling Saling, Chayong at Baldo. Nakaluhod si Elsa sa harap ng punongkahoy na pinagpakitaan sa kanya ng Birhen. Mapapatingin ito sa kanila, walang damdamin sa mukha. Susugurin nila ito at mapapatigil sila sa pagtataka. Wala na ang rnga sugat sa katawan ni Elsa.

CHAYONG
Susmaryosep!

TAGABARYO
(off-camera). Baldo! Baido!

Tumatakbong lalapit ang isang tagabaryo.

TAGABARYO
Baldo, 'yung bisita mong taga-Maynila, 'yung tiningnan ni Elsa, nawala na raw ang sakit niya! Gumaling na daw siya!

Magkakatinginan sina Chayong, Baldo, at Aling Saling. Parang hinigop na mapapaluhod si Chayong sa harap ni Elsa. Mapapatingin lang sa kanya si Elsa. Di malaman ni Baldo kung aalis para tingnan ang kaibigan niya, o luiuhod kay Elsa. Mapapaluhod siya sabay kabig paluhod din sa tagabaryo.

Maiiwang mag-isang nakatayo sl Aling Saling. Naglalaban sa mukha ang iniisip at nararamdaman. Mapapatingin sa kanya si Elsa. Bubukas ang bibig ni Aling Saling at may lalabas na tunog na di maintindihan. Habang nagtatalo pa rin sa mukha ang halu-halong damdamin ng pagtataka, pagkapahiya't pagmamahal sa anak ay mapapaluhod na rin siya. Walang damdaming nakatutok lang ang mga mata ni Elsa sa mga nakaluhod sa kanyang harapan.

11. EXT. TINDAHAN
NI LUCIO. HAPON.

Naghuhuntahan Lucio, mga MIalaking tagabaryo't isang matandang babae.

LUCIO
E ‘yang si Baldo dating sepulturero ‘yan kaya mahilig magpapaniwala sa mga himala.

LALAKI 1
Di na raw sumusumpong ang sakit niya sa atay e.

LALAKI 2
At amoy sampagfta na daw ang buong kabahayan nina Elsa!

LALAKI 3
E sobra na kasi ang kasalanan ng tao kaya nakikialam na ang Birhen!

MATANDANG BABAE
Baka mawala na ang sumpa sa Cupang. Magdodoble ang mga ani natin!

LUCIO
Paanong magdodoble 'yan e di umuulan! (mapapansin ang paring nagdaraan). Aba, si Padre, Padre, daan ho muna kayo!

PARI
(lalapit). Magandang hapon sa inyong lahat.

LUCIO
Padre, anong palagay n'yo sa himala?

PAR!
Aba'y kailangang hintayin natin ang pasiya ng ating Obispo. Samantala'y hindi puwedeng kunsintlhin ng simbahan ang mga nangyayari. Magkakatinginan sina Lucio.

LUCIO
Tama.

12. INT. SAUL BAHAY NINA
ELSA. UMAGA.

Itataas nl Elsa ang mga kamay at marahang hahagurin ang mga mata ni Lolo Hugo. Umaasang nakatlngin sina Bella, Chayong, Aling Sating, Sepa at Baldo. Ginagaya nl Chayong bawat galaw ng kamay ni Elsa.

13. INT. SALA. BAHAY NINA
ELSA. UMAGA.

Katatapos lang nllang blhisan nang puting-puti si Elsa.

CHAYONG
Kasya pala sa'yo. Damit 'yan ng pinsan kong nagmadre.

Lalakad sila para umalis. Sa altar, ang imahen ng Birhen ay may nakasabit nang mga bulaklak at nakaslnding kandila.

14. EXT. KALSADA. UMAGA.

Para silang munting pruslsyon sa kalsada. Si Elsa kasunod sina Aling Saling, Chayong, Baldo at Sepa. Daraan sa tapat ng tindahan ni Lucio. Papaswitan slla nito.

LUCIO
Baldo, pagbutihin mo! Baka maawa sa'yo ang Mahal na Birhen at pagkalooban ka ng asawa!

Hindi siya papansfnin nina Baldo.

15. EXT. BUROL UMAGA.

Muia sa point of view ng burd ay maliliit na hugis sina Elsa, Aling Saling, Baldo, Chayong at Sepa paakyaL Marirlnig ang Hang boses.

NESTOY
Baka ditol Baka nagtatago lang dito! 0 baka naman d'yan sa kabilang puno!

INTONG
H'wag kang malngay! Baka matakot lumabas!

Makikita sina Igmeng Bugaw, Nestoy, Intong at isa pang bata, inlinspeksiyon ang punongkahoy na
nllalabasan ng Birhen. May dala-dala pang flashlight s) Igmeng Bugaw.

SEPA
Anong ginagawa n'yo d'yan! (susugod)

NESTOY
(lalaplt).Tinltingnanlangpo namlnkungsaanlumalabas 'yung Birhen!

SEPA
(mapapanguros).Mgawalang sampalataya! Halikayo ntol

BALDO
KaUangang pabakuran natin ang lugar na 'to at nang di inuusyosol

Luluhod para magdasal sina Aling Saling. Chayong, Sepa at Baldo. Mapapatlngin sa kanila si Igmeng Bugaw. saka parang di kasaling

16. EXT. BAHAY NINA ELSA.

Nakatlngin lahat sina Mrs. Alba, Aling Saling, Sepa. Chayong, Baldo, Hang deboto at pasyente mula sa Cupangatkalaptt-baryo. Isang pasyente ang ihaharap ni Baldo kay Elsa.

ELSA
Anong nararamdaman n'yo?

PASYENTE
Naipten ako ng ugat sa leeg.

MamasahehinniBsaangleegng pasyente. Patuloy na pinag-aaralan j at ginagaya ni Chayong bawat gawin ni Elsa. May naglalaro sa isipan ni Mrs. Alba habang nag-oobserba-Dudungawsiyasa labas at makikita ang nagdaratingang marami pang pasyente.

HihHahin ni Mrs. Alba sl Aling Saling j sa kabBang kuwarto at bubulungan.

MRS.ALBA
Saling. mask! dl mo na mabayaran ang utang mo sa’kin.

Hindi mo na rin kaHangang manllbihan sa'kln.

Magtataka si Aiing Saling.

MRS.ALBA
(aabutan ng pera sl Aling Saling). Eto. Tanggapin mo. Sige, kunin mo, kunin mo.

Babaling sa sala sl Mrs. Alba at tatawag.

MRS.ALBA
Chayong... Ikaw... Baldo...Sepa!

Lalapit ang mga tinawag.

MRS.ALBA
KaHangang mag-organisa tayo. Ang magiging trabaho natin ay tulungan at bantayan si Elsa. Maraming magpapanQgap dlyan pero mga alagad ng demonyo. Kagaya nlyang sl Igmeng Bugaw.

17. INT. KAPILYA. UMAGA.
Nagsesermon ang pari.

PARI
Saan ba nanggagalhg ang mga himala? Nahuhugot ba Ito sa hangln. Iblnibigay ba Ito sa atln ng Dlyos, o produkto lamang ng atlng mga guni-guril?

Kokonti ang nagsisimba-mga hikahos at nakatangang mukha.

PARI
Ang Dlyos ba ay mapagparusang laging naghihiganti sa atin tuwing tayo'y nagkakamali? siya ba'y isang multo lamang, aparisyon o Busyon? Maraming katanungan sa'ting dibdib.

Patatahimikin ng ina ang pinapasusong anak.

PARI
Ano ang mangyayari kung maglging napakadall ng mga himala? Magugulo ang kaayusan. Mask! sino ay maaaring magsabing sugo siya ng atlng Panginoong Diyos. Sa halip na magbukas ng ating mga mata, ang relihiyon ay magsisllbing tagabulag.

18. INT. BAHAY NINA CHAYONG.
GABI.

Kakawala sa pagkakahallk nl Pilo si Chayong at humihingal na babangon. Nasa llalim sila ng bahay, sa may tangkal ng baboy.

CHAYONG
H'wag, Pilo! Natatakot ako.

PILO
Ba't ka matatakot, ako lang 'to. DI ba mahal mo ako? Chayong, mapapanis tayo!

CHAYONG
Alam mo namang gusto kong malinis ako bago tayo makasal. 'Yun lang ang maiblbigay ko sa'yo.

PILO
(piiit uling yayakapin si Chayong). Ngayonmona ibigay, Chayong.

CHAYONG
(liwas). Ba't ba ako pa ang nagustuhan mo? Marami ka namang girlfriends a.

PILO
Wala naman a! (muling magtatangkang hagkan si Chayong). SIge na, Chayong...

CHAYONG
H'wag, Pilo... h'wag!

Hinahabol ang hiningang makakawala si Chayong at tatayo.

CHAYONG
Talaga namang marami kang girlfriends a. Pat! nga si Bsa nlllgawan mo n'on!

PILO
Lahat ng babae kaya kong llgawan, pero sl Elsa hindi.

CHAYONG
BakR?

PILO
Ewan ko. Parang hindi siya babae e. Parang hindi siya tao. Kelan ba tayo pakakasal?

CHAYONG
Nakausap ko na si Elsa, Pito.

PILO
(mawawalan ng gana). Lahat ba namang gagawin mo'y ikinukunsulta mo pa ke Elsa?

CHAYONG
Alam niya ang lahat.

PILO
Ano siya, salamangkero?

CHAYONG
Natatakot akong pakasal, PHo. Baka di ko maibigay sa'yo ang gusto mo.

PILO
Tuturuan kita. Magtatangka uli sl Pllong yakapin si Chayong pero tuluyang liwas at aalls Ito. Maiiwan sl Pilo.

19. INT. BAHAY NINA CHAYONG.
GABI.

Sa lababo ay buong diing kinukuskos nl Chayong ng sabon ang mga labing hinagkan ni Pilo. Darating si Narding, kapatfd niya. May 24 na ito, nakaunipormeng konduktor.

NARDING
Ate?

CHAYONG
(nabiglang haharap). Nahdiyan ka na pala. (tuluy-tuloy na papasok sa kuwarto habang nagpupunas ng bibig). Kelan ka pa dumating?

NARDING
(susunod kay Chayong). Kaninang hapon lang. Mauupo si Chayong sa katre.

NARDING
Ate, me pera ka ba?

CHAYONG
Bakit?

NARDING
Dalawang libo lang. Sawang-sawa na'ko sa pagkukunduktor. Mag-a-apply ako sa Saudi.
CHAYONG
Hindi naniniwala sa Diyos ang mga tagaroon.

NARDING
E dolyar naman ang ipupunta ko d'on e, hindi Diyos!

CHAYONG
'Yung naipon kong pera sa pagtuturo'y ibinigay ko na kay Elsa.

NARDING
E luka-luka' 'yang si Elsa e! Maiaahon ba tayo sa hirap ng mga himala niya? E ang mga nanay at tatay namatay na nakadilat dahil sa gutom, tinulungari ba sila ng Diyos?

CHAYONG
Narding, mangilabot ka sa sinasabi mo. May plano"ang lahat. Marunong ang Diyos. Kaya nga ba ayaw kong namamasada ka sa Maynila dahil kung anu-anong uri ng kasamaan ang napupulot mo doon. Napilitang
bumaba ang Mahal na Birhen sa lupa dahil sa mga taong tulad mong ayaw siyang kilalanin. Bakit mo siya tinitikis, Narding?

NARDING
E hanggang ngayon nga di pa ako nakakabayad sa perang inutang ko sa kompanya mula nang magkasakit ka. Saan tayo kukuha ng pera?

CHAYONG
Si Elsa ang bahala sa atin. Narding.

Walang magagawa si Narding.

20. EXT. KALSADA. UMAGA.

Naglalakad si Nimia papasok ng baryo. May bttbit na maleta at make-up kit. Sa ayos at kilos ay alam mo agad na nagtrabaho si Nimia sa mga bars sa Maynila. Iba na ang Cupang sa baryong iniwan niya noon. Maraming WHHH mga tao sa kalsada ngayon, karamiha'y pasyente at mga turista. May ilang nagbebenta ng mga religious articles.

Pagdaan sa harapan ng bahay nina Elsa ay mapapatigil siya at titingnan ang nangyayari. Maraming mga naghihintay sa labas, mga pasyente, reporter. usyoso, turista. Lalakad paalis si Nimia.

21. INT. BAHAY NINA
IGMENG BUGAW.
UMAGA.

Papasok si Nimia, pagmamasdan ang kabahayang iniwan niya noon. Sa dingding ay may nakapaskel na mga retrato nila nina Elsa at Chayong noong magkakaibigan pa sila. Nakatirintas pa si Nimia noon.

Bubukas ang pinto at mapapalingon siya. Si Igmeng Bugaw.

NIMIA
(lalapit). Mano po, Itay.

Di ibibigay ni Igmeng Bugaw ang kamay. Lalabas uli. Susunod si Nimia.

NIMIA
Di ako nakasulat dahil nang palayasin nila ako dito noo'y isinumpa ko na ang lugar na 'to. Ayoko na nga sanang bumalik e. Kaya lang nailsip ko kayo. Nag-iisa na kayo. Pareho tayong tumatanda. Sino pa ang magtutulungan?

Di pa rin kikibo si Igmeng Bugaw. Lalapit si Nimia at madyik na huhugot ng sigarilyo sa kili-kili ni Igmeng Bugaw. Matatawa si Igmeng Bugaw.

IGMENG BUGAW
Saan ka natuto?

NIMIA
Sa bar. Sa Mabini. Dadamputin ni Nimia ang diyaryong may headline na: Barr/b Lass Witnesses Apparition.

IGMENG BUGAW
Sikat na si Elsa ngayon.

NIMIA
Nagtatanong ba siya tungkol sa'kin?

IGMENG BUGAW
Puwede bang hindi e kayo nina Chayong ang magkakaibigan noon?

NIMIA
(titiklupin ang diyaryo). Noon.

22. EXT. DAMPA. UMAGA.

Mulasakalsadaay Ipinagmamasdan ni Orty ang bahay ni Elsa. Marami nang taong naghihintay sa bakuran. Inaayos ng ilang babae ang lugar na paggagamutan.

May 33 na si Oriy, may hawak na tape recorder, maleta, at kamera. Lalakad siya papunta sa bahay ni Lucio. Sa bakuran ay may karatula: Hotel. Can Be For One Night Or More. Cheap Only. Cash.

Foreigners.
Kakausapin ni Oriy si Lucio.

ORLY
Boss, puwede pa ba d'yan?

LUCIO
Hindi ako tumatanggap ng mga Pilipino e.

ORLY
Magbabayad naman ako e.

LUCIO
Maseselan 'yang mga Puti e. ayaw nang nahahaluan sila! Tsaka walang bakante, sa iba na lang ha?

Dalawang Amerikano ang lalabas ng bahay.

AMERIKANO 1
(may hawak na tabloid). It says here she has cured more than a hundred people already.

Aalis si Oriy.

23. INT. KUWARTO N1 ORLY.
BAHAY N1 IGMENG BUGAW.
UMAGA.

Ipinakikita ni Igmeng Bugaw kay Oriy ang lugar.

IGMENG BUGAW
Dito tayo, boss.

Lalaptt sl Nimia may dala-dalang blangket. Aayusin ni Igmeng Bugaw ang papag na hihigan. Ibababa ni Oriy ang mga gamit.

ORLY
Buti na lang bakante pa rito. Lahat yata ng bahay dito sa Cupang okupado na!

IGMENG BUGAW
Magtatagal ka ba?

ORLY
Hindi ko alam.

NIMIA
(tinitingnan ang kamera ni Oriy). Photographer ka ba?

ORLY
Hindi. Gumagawa ako ng pelikula.

IGMENG BUGAW
Dati me sinehan dito sa Cupang e, pero walang nanonood kaya ipinasara na.

NIMIA
Marami ka na bang pelikulang nagawa?

ORLY
H'wag na nating pag-usapan, baka magkahiyaan lang tayo.

NIMIA
Pasilip ha? (kukunin ang kamera at sisilip). 'Yun bang nakikita dito, 'yun ding nakikita sa sinehan?

ORLY
Oo. Hindi nagsisinungaling ang kamera.

NIMIA
(itututok ang kamera sa ama). Naku, Itay, di pala puwedeng dayain ang itsura modito sa kamera! Di ka pala puwedeng artista!

Ibabalik ang kamera kay Oriy.

NIMIA
Ba't mo ba kinukunan si Elsa, me manonood ba d'on?

ORLY
Ayaw nga ng producers ko ang project na 'to e. Kaya sarili ko nang savings ang ginagastos ko.

Mula sa kalsada ay maririnig ang announcement ng fsang nagdaraang dyip. May malaking banner itong nagsasabing Elsa Loves You.

BALOO
(sa loudspeaker). Buksan ang
inyong mga puso at papasukin
ang Mahal na Birheni MagsisTsa
Inyong mga kasalanan! Nalalapit
na ang Araw ng Paghuhukom!
Ang mga makasalanan ay
masusunog sa apoy na walang
hanggan!

Dudungaw sina Nimia.

IGMENG BUGAW
Kelangang magsanay ka na.
Yan ang mga Siyete Apostoles
ni Elsa. Sinasadya nilang
dumaan dito tuwing umaga.

Mula sa dyip ay mapapasulyap sa
kanila si Chayong, at makikita nito
si Nimia. Di magpapakita ng
, reaksyon ang mukha ni Chayong.
Di rin kikibo si Nimia.

BALDO
(off-camera, sa loudspeaker).
Nalalapit na ang Araw ng
Paghuhukom! At ang mga
makasalanan ay masusunog sa
apoy na walang hanggan!
Buksan ang inyong mga puso at
papasukin ang Mahal na Birhen!

Mawawala sa kalsada ang dyip.

24. EXT. BAHAY NINA ELSA.
HAPON.

Kinukunan ni Oriy ang mga
nangyayari sa bakuran ni Elsa.
Marami nang tao-mga pasyente,
mga nanonood, mga nagdadasal.
May malaking donation box sa tabi
ng hagdan.
Ginagamot ni Elsa sl Mrs.
Gonzales, isang matrona. Sa
mukha ni Elsa'y krtang sanay na
siya sa ginagawa.

ELSA
Ano pong nararamdaman n'yo?

MRS. GONZALES
Lagi pong masakit ang ulo ko.

Hahagurin ni Elsa ang mga pilipisan ni Mrs. Gonzales Nakapikit itong wari’y nagdarasal. lalapit si Orly at kukunan sila Tataas ang kamay ni Chayong bilang pagsaway sa kanya Titgil si orly, titingin kay Elsa. mapapatingin sa kanya si Elsa.

MRS. GONZALES
Ako, okey lang sa’kin

Bahagyang ngingiti si Elsa bilang pagsang-ayon saka babalik sa ginagawa. Magpapatuloy ng pagkuha si Orly.

matatapos sa pagmasche si Elsa. Aabutan siya ni Aling Saling ng baso ng tubig. Hihipan ito ni Elsa at iaabot kay mrs. Gonzales Agad-agad iton iinumin ni Mrs Gonzales. Makakaramdam siya ng ginhawa.

MRS. GONZALES
Thank you, iha, thank you vry much.

Aalalayan ni Baldo ang isang batangbabainglomobo ang lions Walang ekspresyon sa mukhana ipapatongni Elsa ang kamaysai ng bata.

25. EXT. BAHAY NINA ELSA.
GABI.

Nag-uusap sa hagdan sina Chayong at Elsa. Sa di kalayuan ay naglilinis ng bakuran si Sepa.

CHAYONG
Bumalik na pala si Nimia.

ELSA
Hindi pa siya nagpupunta dito.

CHAYONG
Buti naman. Totoo pala ang mga tsismis tungkol sa kanya noon. Di na nahiya. Buti na lang di sila nagkatuluyan ni Narding. (ngingiti). Elsa, titigil na ako sa pagtuturo. Tutal, parati na lang akong absent. Mas kailangan mo ng tulong dito.

Makikita ni Sepang dumarating si Bino at ang dalawa nilang anak.

MGA BATA
Mano po, I nay.

SEPA
Kaawaan kayo ng Diyos. Doon muna kayo. yLalayo nang konti ang mga bata. Mauupo sa lupa sina Sepa at Bino g tpara mag-usap.

BINO
Pati mga anak natin napapabayaan mo! Mapapakain to sila ng ginagawa mo dito? Lumalaki silang mga sanggano!

SEPA
ko sila sa'kin dito. Para lagi kong nakiklta.

BINO
Ano na lang ang sasabihin ng ibang tao?

SEPA
Wala akong pakialam Mahirap lang tayo. Kung di tayo maniiwala, anong matitira sa’tin?

Tatayo si Sepa at lalapit kay Elsa. Susunod si Bino.

SEPA
Sige, Elsa, tutuloy na ako.

ELSA
Salamat, Sepa.

BINO
(pilit ang ngiti). Sige, Elsa.

ELSA
Sige, Bino.

Lalakad sina Sepa at Bino.

SEPA
Nestoy... Intong, halina kayo.

26. EXT. BUROL HAPON.

Iniinterbyu ni Oriy si Elsa. May hawak-hawak na malaking panambong si Chayong para
huwag mainitan si Elsa. Nababakuran na ang lugar, may malaking sign na nagsasabing No Trespassing.

ELSA
Hindi ako ang nanggagamot. Kamay lang ako ng Birhen.

ORLY
Bakit ang Birhen? Bakit hindi ang Diyos, o si Hesukristo kaya?

ELSA
Lumlpas na ang sa ama, ngayon nama'y ang sa Ina.

ORLY
Pero bakit sa'yo nagpapakita ang Birhen at hindi sa iba?

ELSA
Ewan ko.

ORLY
Ngayong lag! kang nasa mga diyaryo, radyo, enjoy ka ba sa atensyon ng iba?

ELSA
(mapapangiti). Sinusunod ko lang ang bilin ng Mahal na Birhen.

ORLY
Marami-rami na ring mga doktor at mga arbularyong nagagalit sa'yo.

ELSA
Hindi lang naman sugat ng katawan ang ginagamot ko. Pati sa kaluluwa.

ORLY
Hindi naniniwala sa'yo ang pari.

ELSA
Kanya-kanya tayong paraan ng pagsamba.

ORLY
Totoo ba na ampon ka lang daw?

ELSA
Napulot ako ng Inay ko dito sa lugar na' to mismo, dito sa burol, n'ong mga 19... anong 19 na nga ba "yun, mga 1958 yata. Me nakaimperdibieng papel na may sulat na Elsa sa damit ko. Saka istampita ng Mahal na Birhen.

ORLY
'Yung istampita, nasaan na?

ELSA
Naiwala ng Inay.

ORLY
Pero noon pa man alam mo na'ng mangyayari ito?

ELSA
Hindi. N'ong bata pa 'ko'y pagdudoktor ang talagang gusto ko. Tapes, n'ong diyes anyos
ako, gusto kong ako ang maging kauna-unahang babaing presidente dito. Tapes, dose anyos, abugada. Kinse anyos, fitser. Nang magdalaga ako'y tinanggap kong wala naman kaming pera, di ko kayang maging maski ano.

ORLY
Kaya inisip mong gawin ito?

ELSA
(kita sa mata na nasaktan). Di ka naniniwala.

ORLY
Hindi ako naniniwala sa Diyos.

ELSA
Saan ka naniniwala?

Itataas ni Oriy ang kanyang kamera.

ELSA
Ang kamera gawa lang 'yan ng Diyos. Gawa ng tao. Pag ayaw na ng Diyos maski 'yan titigil sa paggalaw.

Di kikibo si Oriy.

27. INT. BAHAY NINA ELSA. GABI.

Sa may hagdan ay kausap ni Aling Saling si Mrs. Alba. Nakatulog sa pagkakaupo sa sahig si Elsa, nakasandat sa dingding. May mga pasyenteng natutulog sa sahig, nakikitira sa kanila.

ALING SALING
Lagi ho kaming kinakapos sa pagkain sa dalas ng mga nakikitira d'rto sa amin.

MRS.ALBA
Talagang hindi tayo puwedeng umasa lang sa mga donasyon. Teka, ba't d! natin ipagbili ang mga benditadong tubig ni Elsa?

ALING SALING
Ho?

MRS.ALBA
llalagay natin sa bote. Me alam akong pabrika sa bayan.

ALING SALING
E hindi ho ba nakakahiya 'yun?

MRS.ALBA
Hay, Saling...

28. EXT.ITINATAYONG
KABARET. DAPITHAPON.

Panay ang pukpukan sa ginagawang kabaret habang nagmamando si Nimia. Tumutulong sa mga karpintero si Igmeng Bugaw. Darating si Narding.

NARDING
Nimia!

NIMIA
(mapapatingin). Oy, Narding!

NARDING
Ka Igme, magandang hapon po.

Pupunta sa tab! sina Narding at Nimia.

NARDING
Big shot ka na ha.

NIMIA
Hindi naman. Itong baranggay hall, ginagawa naming kabaret.

NARDING
Pag umunlad "to, magtayo ka na rin ng sinehan o hotel.

Mapapangiti si Nimia.

NIMIA
Ikaw?

NARDiNG
(magkikibit-balikat). Nakaalis nga ako ng Cupang, konduktor naman. Pabalik-balik din ako dito. (mapapatingin sa harapan niya sa lumalatag nang dilim). Ang mga tao sa lugar na 'to, puro gutom at ignorante, kaya kung anu-anong nakikita. Pag nagtagal pa 'ko dito'y baka makakita na rin ako ng Birhen.

NIMIA
Talagang makakakita sila ng Birhen dito lalo na pag nayari na ang aking kabaret.

NARDING
(babaling kay Nimia). E Nimia, baka kako makaambos ako ng suwerte sa'yo. Mag-a-apply ako sa Saudi e. Naghahanap ako ng dalawang libo.

NIMIA
Naku naman, Narding, hanggang ngayon ba'y nangungutang ka pa rin? Sabi ko na nga ba e, kaya mo lang ako ginawang girlfriend noong araw, para me nauutangan ka. Siguro noong sinundan ko'yung traveling salesman sa Maynila'y ni hindi mo 'ko hinanap.

Mapapangiti si Narding.

NIMIA
'Yung totoo.

NARDING
Hindi.

NIMIA
Nakita mo na.

NARDING
E ikaw, n'ong nasa Maynila ka, naalala mo ba 'ko?

NIMIA
Hindi rin.

NARDING
Kaya pautangin mo na ako.

NIMIA
Naubos na ang pera ko, Narding. Ba't di ka na lang magnegosyo d'rto sa Cupang, ang dami-daming turistang dumarating. Maghanap ka ng maibebental

29. EXT. KALSADA. UMAGA.

Ibang-iba na ang Cupang. Parang natulog lang ito't nang magising ay nagbago na ng bihis, napuno na ng alikabok at tao, ingay atbuhay. Sa kahabaan ng kalsada'y nagsulputan lahat ng klaseng tindahan, binibenta lahat ng klaseng pag-asa. Kung anu-anong mga karatula ang nakasabit. Dumaragsa ang mga turistang naglalakad, nakakotse o naka-wheel chair. May mga T-shirts na ibinibenta, nakalagay ang mukha ni Elsang nagsasabing Elsa Loves You.

Naglalakad sina Mrs. Alba at ang Mayor.

MRS. ALBA
Alam mo, Mayor, di na ako susunod sa mga anak ko sa Amerika. Magpapatayo na lang ako dito ng resort.

MAYOR
Mula nang maghimala'y lumaki na ang income ng Cupang. Pag nagpatuloy 'rto'y sigurado na ang reeleksyon ko.

Matatawa sila habang patuloy na naglalakad.

MRS.ALBA
Alam mo. Mayor, ganitong-ganito rin ang nangyari sa Lourdes. Eksakto!

MAYOR
Kaya lang, pinuproblema ko ang security. Dumarami ang mga patayan at panggagahasa. At nagkalat ang drugs.

May daraang dyip na may loudspeaker na nagsasabing magsisi na ang mga tao sa kanilang kasalanan. Mapapatingin

MRS.ALBA
Mayor, kung ako ba'y mag-e-export ng benditadong tubig ni Elsa sa ibang bansa ay kinakailangan pang magbayad ng tax? Di ba wala namang tax ang religious articles?

MAYOR
Bayaan mo't magtatanong ako. Siyanga pala, meron nga palang piano ang mga konsehales na palitan ang pangalan ng Cupang. Nalalagay na sa mga diyaryo'y mabahong pakinggan. Ano kayang maganda?

30. EXT. BALON. HAPON.

Sumasalok ng tubig sa balon sina Lolo Hugo at Bella.

BELLA
(titlngnan ang balon, tuyung-tuyo ito). Wala pa rin, Tiyong e.

LOLO HUGO
(parang di narinig si Bella). Maraming masamang mangyayari. Mawawala lang daw ang sumpa dito sa Cupang
kapag nagbalik na ang ketonging babaing itinaboy namin noon. Siya pala ang Birheng Maria, nagpapanggap
lang. Ang problema, pagbalik niya'y magpapanggap daw siyang muli, baka di na naman makilala ng mga tao at muling itaboy.

BELLA
(mauupo sa balon. nasa ibang bagay na rin ang isip). Ang gaganda ng damit nila, Tiyong. Mask) 'yung mga me sakit ang gagara pa rin. Sana meron ako maski isa. Si Nimia nga nang umalis dito noon wala ding damit pero ngayon, magtatayo na siya ng kabaret.

31. EXT/INT. GINAGAWANG
KABARET. DAPITHAPON.

Nagbibihis ang mga **** ni Nimia.

NIMIA
Kelangang ganda-gandahan n'yo naman ang mga suot n'yo! Para kayong mga tagabaryo!

Sa labas, naninilip sa butas sina Nestoy, Irrtong at iba pang mga bata.

NESTOY
****** ina!

INTONG
Kuya, ba't ka nagmura? Sabi ng Inay, magagalit ang Diyos!

NESTOY
'Yung isa, ang laki ng hati sa dibdib, nahahati tuloy ang tingin ko!

Sa loob, mapapansin ni Nimia ang mga naninilip at mapapangiti siya. Dali-daling lalabas. Agad-agad lalayo sa butas sina Nestoy.

NIMIA
Hoy!

Takot na magsisiksikan sa tabi sina Nestoy.

INTONG
Kuya, takbo na tayo.

NIMIA
Ano bang gusto n'yong makita? (bubuksan ang blusa at itatambad sa mga bata ang suso). Ito?

Babagsak ang panga ng mga bata at didilat ang mga mata.

CUT TO:

Gumagabi na. Tin'rtesting ni Igmeng Bugaw ang mga ilaw ng kabaret.

CUT TO:

32. EXT. BUROL DAPITHAPON.

Naghahabulan sina Nimia at ang mga bata. Tffigil sl Nimia at magmamadyik.

NIMIA
(ginagalaw-galaw sa hangin ang mgakamay). Walangiirap, walang kukurap. esprekengkeng, esprekangkang, sampung mga sisiw ang nakatikangkang!

Mula sa gitna ng mga hita'y may ilalabas siyang isang sigarilyo.

NIMIA
Isa! Mapapanganga ang mga bata.

ISTONG
Milagro!

NIMIA
Hindi lang 'yan. meron pa

Maglalabas pa uli ng sigarilyo si Nimia buhat sa mga hita. Isa, at isa, at Isa pa. Buong paghangang pinagmamasdan siya ni Nestoy. Sa biglang paghalakhak ni Nimia'y tatapon ang buhok nito't sa namumulang sikat ng papalubog na araw ay sasabog ang liwanag sa mukha. Para siyang Birhen sa mata ng mga bata.

33. EXT. BUROL. HAPON.

Iniinterbyu ni Oriy si Nimia. Malakas ang hangin.

ORLY
Magkakaibigan daw kayo nina Elsa?

NIMIA
Dati. Interbyu na ba ‘to?

ORLY
Anong nangyari/

NIMIA
Boyfriend ko ang kapatid ni Chayong, pero nabuntis ako ng salesman. Itinaboy tagarito. Lumapit ako kina Elsa pero Nagpunta akong Maynila. 'Yan ang istorya ng buhay ko.

ORLY
Naniniwala ka ba sa himala?

NIMIA
Oo. Hindi. Siguro. Ewan ko.

ORLY
Itong si Elsa, dati na ba siyang relihiyosa?

NIMIA
Hindi. Si Chayong ang pinakarelihiyosa sa'min. Ako, (hahagikhik) pinakamalandi. SI Elsa, pinakamadunong. Kabisado niya lahat 'yung mga presidente sa Piliplnas at sa Amerika. Pakita mo lang ang libro diyan memoryado na niya.

ORLY
Mahusay na artista si Elsa.

NIMIA
Pag ginustong makita ni Elsa, makiktta niya. Ganyan siyang mag-isip. Pag ginusto niyang gawin, gagawin niya. Walang makakapigil sa.kanya. Ikaw, ba't mo ginagawan ng pelikula sl Elsa? Siguro naniniwala ka sa kanya ano?

ORLY
Hindi. Kaya lang nararamdaman ko na pag sinundan ko siya nang sinundan ay dadalhin niya ako sa mga lugar na hindi ko pa nararating. Para bang may exciting na mangyayari. 'Yun nga lang, hindi ko pa alam kung ano.

Tatagilid nang konti ang ulo ni Nimia.

NIMIA
Pakinggan mo.

Makikinig si Oriy. Humuhugong nang marahan ang hangin, at marlrinig niya, dala-dala ng hangin, ang magkakasamang ungol at daing ng sangkatauhang nagpapagamot sa bahay ni Elsa. May umiiyak, may sumislgaw, may humihingi at may sumusuko.

ORLY
Ano'yun?

NIMIA
Daing ng mga tao sa bahay nina Elsa. Dinadala ng hangin dito. Nakakakilabot ano? Parang lahat nang taong naghihirap ay Inand'on.

34. EXT. BAHAY NINA ELSA.
HAPON.

sang TV Reporter ang nasa harap g bahay nina Elsa. Parang arnabal ang lahat sa gulo ng entahan, gamutan at sigawan ng nga magpapagarnot, magbebenta, nag-uusyoso at sasamba. Parang mpiyerno ang lahat. Sumisingaw ing kalsada habang pinapalo ng iraw ang tuyung-tuyong lupa.

TV REPORTER
Of course the church does not recognize the apparition of the Virgin nor the healing powers of this giri, Elsa. But we have received reports...

Tatabunan ang sinasabi ng TV Reporter ng ingay sa paligid. Pawisang pinipilit kontrolin ni Baldo ang dagsa ng tao. May tddang sadyang itinayo para sa mga maysakit. Nakahilata o nakatayo o nakaupo doon lahat ng klaseng maysakit sa buong mundo: bulag. pilay, may TB, hikain, ketongin, at iba pa. Mga taong walang pag-asa, mga taong walang mapuntahan. Sa tabi nila ay may malaking donation box, may nakasulat na Maglimos sa Birheng May Sugat.

BALDO
H'wag magkakagulo! Tahimik lang kayo! Mamaya pa po lalabas sl Elsa! Dala-dalawa lang po ang pila! Atras!

Kukunan ni Oriy ng pelikula ang silyang paggagamutan ni Elsa. Sa tabi nito'y may pantay taong imahen ng Mahal na Birhen.

TV REPORTER
(magpapatuloy). It must be a hundred degrees here. As you can see, there are about two thousand people here waiting for Elsa, and already three women have fainted. And apparently one of them in serious condition. Elsa...

Isang pangkat ng mga bakia ang nagtitiliang kakaway sa bahay ni Elsa.

MGA BAKLA
Elsa! Elsa!

Isang customer ang magtatanong sa-tindera.

CUSTOMER
(hahawakan ang T-shirt na may mukha ni Elsa). Magkano ba ito?

TINDERA
Mura lang. Seventy.

Sa daan, nagmamartsa sina Nestoy atlntong.

ESTOY AT INTONG
Bayang magiliw, sampalayok na kanin Sinong kumain, si Maryang duling!

Tttfgil at may pupulutin sa tabing daan.

INTONG
Oy, may lobo!

Uusyosohin ang napulot Condom itong di pa nagagamit. Hihipan fto ni Nestoy.

NESTOY
Lobo nga!

Mag-aagawan sila.

CUT TO:

Magagalit sl Mrs. Alba dahil humaharang sa kubd niya ang maraming tao.

MRS.ALBA
TumabI kayo d'yan!

CUSTOMER
Ale, ale, magkano ho ba ito?

MRS.ALBA
Bale siyete singkwenta isang bote. Wala nang tawad!

Di pa rin magkandaugaga si Baldo sa pagkontrd sa mga tao.

BALDO
oi dala-dalawa lang ang pila Ayan, walang sisingit. paukuwiin ang sisingit. Miss, miss, paraanin si LKolo!

MRS ALBA
Baldo! Baldo, ilipat mo ‘tong mga tao d'yan sa kabila, natatakpan Itong mga paninda ko! Baldo. ano ka ba!

BALDO
H'wag ho kayong maiinip, lalabas na si Elsa! Sandali na lang! 'Yun hong gustong mag-abuloy, andito ang donation box!

Lalabas sa itaas ng hagdan si Chayong. Kagaya nina Mrs. Alba at Aling Saling na mga miyembro ng Siyete Apostoles ay nakaputing- puti siya. May malaking rosaryo sa dibdib. Sandali niyang pagmamasdan ang pagkakagulo ng mga tao. Mapapangiti na parang siya si Elsa.

CHAYONG
Maaantala lang ho sandali si Elsa. Pasensiya na kayo.

Mag-uungulan ang mga naghlhintay at muling magkakaingay. Muling gagalaw ang mga pamaypay at magmumura ang mga bibig. May batang iiyak sa kung saan. Babalik ang isang matandang babae sa pagdadasal sa tabi, tuwi-tuwina'y hinahagkan ang krus ng rosaryong tangan.

Mapapansin ni Chayong si Pilo na naghihintay sa tagiliran ng bahay. Magdadalawang-loob siya, saka pupuntahan ito.

CHAYONG
Pilo...

PILO
Ang laki yata ng krus mo ngayon Mas epektibo ba pag malaki?

CHAYONG
(mapapahawak sa rosaryo niya). Parati mo naman akong niloloko, Pilo e.

PILO
Chayong, pakasal na tayo.

CHAYONG
Ano?

PILO
Sa munisipyo. Me konti akong pera.

CHAYONG
Ano bang pinagsasasabi mo, Pilo!

PILO
Akala ko ba gusto mo ako?

CHAYONG
Mahal kita, Pilo.

PILO
Gan'on pala'y ba't ayaw mong pakasal? Gusto mo bang tumandang dalagang gaya ni Elsa?

CHAYONG
Di ko maiiwan si Elsa, Pilo.

PILO
Maski ngayon lang, Chayong, ako naman ang sundin mo, h'wag si Elsa.

Mapapatingin si Chayong sa mga tao sa bakuran. Naroon na uli ang konsentrasyon niya. Wala na kay Pilo. Babalik ang tingin niya kay Pilo.

CHAYONG
(kukurusan sa noo si Pilo). Mahal ka ni Elsa, Pilo.

Saka iiwan ni Chayong si Pilo.

CUT TO:

Isang pulubing may karga-kargang
batang may polyo, si Aling Pising,
ang maglalahad ng kamay kay Oriy.
liling si Oriy.

ALING PISING
Pupunta ka sa impiyerno, kuripot!

Lalayo ang pulubi. Kukunan ni Orly. Magkakagulo sa harap ng bahay at mapapatingin si Oriy. May titigil na Mercedes Benz. Bababa si Chua, payat na ****** na may tungkod, kasunod ang driver-alalay. Marami siyang suot na alahas. Magbubulungan ang mga tao.

ORLY
(kay Baldo). Baldo, sino 'yun?

BALDO
Si Chua, milyonaryong ******. Taga-Maynila. Me rayuma. Malakas mag-donate "yan. (pupuntahan ang pila). Paraanin n'yo si Chua!

Mauupo ang ****** sa silyang kaagad ilalapit ni Baldo. Sa di kalayuan ay dudukot ng panyo at magpapahid ng pawis si Narding habang di hinihiwalayan ng tingin ang ******.

Lalapit si Aling Pising, ang pulubi, kay Chua.

ALING PISING
Chua naman, pahinging pera para sa anak ko, sige na!

BALDO
Aling Pising, h'wag kayong mang-iistorbo! D'on na kayo!

AUNG PISING
(gairt na haharapin sl Baldo). Maitim ang kaluluwa! Pupunta ka sa impiyerno! (kay Chua). Sige na... sige na...

BALDO
(itataboy si Aling Pising).Sabi nang doon na kayo e!

ALING RISING
(kay Chua). Maramot! isusumbong kita sa Birhen! (inilalayo na ni Baldo). Maramot! Isusumbong kita sa Birhen!

Sisigaw ang isang babae.
BABAE
(off-camera). Ayan na si Elsa!

Mapapatingin ang lahat sa hagdan. Doon ay lalabas si Elsa kasama sina Aling Sating at Chayong. Magkakaingay ang mga tao. Kakalampagin anumang mahawakan.

MGA TAO
Elsa! Elsa! Elsa!

Pagmamasdan ni Elsa ang mga nasa ibaba. Nakaputing bestida siya, gaya ng dati, at asul na tali sa baywang. Sa loob ng maikling panahon ng paghihimala'y malaki na ang ipinagbago ng itsura niya. Dati'y maliit at maitim, mahiyain at matigas, ngayo'y parang lumaki siya, may bagong kapanatagan at pagtitiwala sa sarili. Mask! naroon pa rin ang madalas na kawalang-damdamin sa mukha'y nabawasan na ang hinanakit doon.

ORLY
(tatawagin si Elsa). Elsa!

Titingin si Elsa kay Oriy, saka ngingiti. Magsusuguran ang mga tao. Akala mo'y artista o Diyos si Elsa na hahawakan nila sa kamay o sa bestida, papahiran ng panyo o rosaryo. Hindi matitinag si Elsa, nakaturnghay sa mga taong sumasamba nang parang walang anuman.

Uusog palapit sa Mayor si Chief de la Cruz, hepe ng pulisya.

CHIEF DE LA CRUZ
Mayor, masama ho ‘tong ganitong nag-uumpuk-umpik ang mga tao. Baka magkarebolusyon.

MAYOR
E anong gusto mong gawin natin? Hulihin ang Birhen?

Patuloy sa pagkakagulo ang mga tao.

MGA TAO
Elsa! Elsa! Elsa!

Mauupo si Elsa at matatahimik ang lahat. Mapupuno ng kalungkutan ang mga mata niya. Magsisimulang umugoy ang katawan niya, dahan-dahang wari'y sumasabay sa isang napakalamyos na awiting di naririnig.

CHAYONG
Magsiluhod po tayo at magdasal.

TINEDYER
Wow, pare, mas heavy pa 'to sa drugs a.

Magsisiluhuran lahat. Lulutang sa hangin ang sabay-sabay na pagdarasaing Aba Ginoong Maria, Napupuno ka ng grasya. Pipikit ang mga mata ni Elsa't bibilis nang bibilis ang pag-ugoy, parang sinusiang laruang wala nang kontrol, naninigas ang katawan, bumibilis ang paghingal, inaalon ng damdaming ayaw humupa. Saka siya titigil, mapapatingala sa kalangitan, uunat papunta sa likuran ang ulo at sa pagkakatingala'y halos mabakli ang leeg pero walang nararamdamang hirap, nagniningning ang mukhang nakanarap sa di nakikitang liwanag.

Habang nangyayarf ito'y ninanakawan ng isang bata ang bag ni Mrs. Gonzales.

MRS. GONZALES
Kinakausap na siya ng Birhen!

Gagalaw ang mga labi ni Elsa. Tataas ang kamay, pupunta sa dibdib. saka bababa; Nagmamasid lang si Oriy. Tatayo si Elsa at haharap sa lahat. Magtatayuan din ang lahat. Tatahimik.

BALDO
Mr. Chua, kayo na ho ang mauna.

CHUA
Salamat ho.

llalapit ni Baldo si Mr. Chua kay Elsa.

ELSA
Ano ho ang nararamdaman n'yo?

CHUA
Ito aking dibdib, masakit e. Hirap ako hinga e. Masakit e.

Aabutan ni Elsa ng baso ng benitadong tubig si Chua. Iinumin nito Mamasahehin ni Elsa ang dibdib ni Chua.

35. EXT INT KABARET. GABI.

Kung sa araw ay ang bahay nina Elsa ang buhay na buhay, sa gabi’y ang kabaret naman.

Heaven ang pangalan ng kabaret. Karamihan ng mga taong nakikita sa bahay nina Elsa pag araw ay nandito pag gabl. Sa dancefloor ay mamasid-masid si Bella sa mga nagsasayaw na **** at customer. Ka-table ni Oriy ang isang ****.

****
Oy, kunin mo naman akong artista. Marunong akong kumain ng apoy, tumulay sa alambre, ngumata ng bubog at mahiga sa baga! Sige na o!

Sa isang sulok ay hihilahin si Nimia ng isang customer.

CUSTOMER
Puwede ba kitang maisayaw?

NIMIA
(magkukumawalang parang nandidiri). Ay naku, puwede ba! Iba na lang!

Mapapatingin si Narding habang kausap sa isang mesa sl Pilo.

CUSTOMER
Babayaran naman kita e!

NIMIA
Hindi ako nagpapaupa! (makakawala). Manager ako dito!

NARDING (lalapn) Sandali. pare. (kay Nimia). Inaabuso ka?

NIMIA
Hindi, okey lang. (lalapit sa mesa nina Narding, iinom, saka ngingiti). 0 di ba mas okey dito? Ang di napapagaling ni Elsa'y napapagaling namin dito! Sandali, hahanapin ko ang Itay.

Aalis. Babalingan ni Narding si Pilo.

NARDING
Ang kailangan lang natin puhunan.

PILO
Pinupugutan daw ng ulo ang mga workers d'on.

NARDING
Hindi. Ang dami-daming Pilipinong nagpupuntang Saudi e. Naaalala mo ba n'ong mga sakristan pa tayo? Sa simboryo e nangangarap tayong balang araw e sasakay tayo ng barko at pupunta sa ibang bayan. Ito na 'yun, Pilo.

PILO
Saan tayo kukuha ng pambayad sa recruiter?

NARDING
Me naisip ako.

Mapapatingin sila sa may pintuan. Nagkakagulo doon. Itinataboy ni Igmeng Bugawsi Aling Pising na nagpipilit pumasok, karga-karga ang anak.

IGMENG BUGAW
Guguluhin mo na naman ang mga customers ko! Umalis ka drto!

ALING PISING
Maitim ang kaluluwa! Pupunta ka sa impiyemo! Masunog sana ang kabaret mol Pangit! Igmeng Bugaw, pangit!

CUT TO:

Kuwarto sa kabaret, nagbubutones na ng polo si Baldo. Nasa higaan pa ang ****** nakatalik niya.

****
Di ba ikaw 'yung bantay kina Elsa?

BALDO
(mahihiya). Ha? Hindi ako 'yun! Baka kamukha ko lang. Sige.

Pupuslit palabas si Baldo. Makikita si Chayong sa maytagiliran ng kabaret, parang may hinihintay. likot si Baldo para huwag makita. Lalabas si Pi!o, lasing na. Makikita ni Chayong.

CHAYONG
Pilo! PBo!

Mapapatingin si Pilo, saka lalapit.

CHAYONG
Hindi mo na ako pinuntahan.
Pupunta sila sa madilim na tabi.

CHAYONG
Naging abala rin ako kina Elsa. Pero lagi kitang naaalala. (titingnan si Pilo). Lasing ka ba? (susuriin si Pilo). Lasing ka yata. (bubuntunghininga). Lasing ka nga.

PILO
(yayakapin si Chayong na magkukumawala). Ano bang kailangan mo?

CHAYONG
Piio, baka me makakita!

Lalayong konti si Chayong

PILO
Ba't ka ba naparito?

CHAYONG
Napanaginipan ko kagabi, Pilo. Kinausap daw ako ng Birhen. Totoo, Pilo. Sabi niya, ikaw daw, Pilo... ang ibig kong sablhin, payag na siya... ikaw daw ang magiging asawa to.

Matatawa si Pilo.

CHAYONG
Hindi ka naniniwala. Patuloy na matatawa si Pilo.

CHAYONG
Ayaw mo kasing ipasok sa puso mo ang paniniwala.

PILO
Naaalala mo ba n'ong mga bata pa tayo, Chayong? Kayo ni Elsa ang pinakamahusay mag-imbento ng mga istorya. Kami naman ni Narding paniwalang-paniwala. Pero hindi na tayo mga bata ngayon, Chayong.

Tatayo si Pilo para umalis. Yayakapin siya para pigilan ni Chayong.

CHAYONG
H'wag mo'kong iiwan, Pilo!

PILO
Bakit, sinong me sabing aalis ako?

CHAYONG
Sasama ka daw ke Narding. Mahal kita, Pilo! Kung pareho lang tayong maniniwala. Maraming bagay na di natin maipaliliwanag pero kung pareho tayong may pananampalataya'y liligaya tayo nang walang hanggan.

Mapapatingin lang si Pilo. Walang naiintindihan. fTanlulumong mapapatigil si Chayong, saka tatalikod at aalis. Maiiwan si Pilo sa dilim.

CUT TO:

Kalakaladkad ni Lolo Hugo si Bella palabas ng kabaret. Magkakabunggu-bunggo sila sa mga mesa. Walang magawang susunod sina Nimia, Igmeng Bugaw at iba pang customers.

BELLA
Tiyong! Tiyong, tumitingin lang naman po ako e! Tiyong, aray kol Tiyong, wala po akong ginagawang masama!

36. EXT. KABARET. HAPON.

Kinaumagaha'y pauwi si Oriy dala-dala ang kamera. Makikitang nagkakagulo sa harapan ng kabaret. Nakikipagtalo si Igmeng Bugaw kina Chief de la Cruz at sa dalawang pulis. Nakatayo sa isang tabi ang mga ****.

Aalis sina Chief de la Cruz. Lalapitan ni Oriy si Nimia.

ORLY
Anong nangyari?

NIMIA
Pinasasara ng Siyete Apostoles itong kabaret.

Sesenyasan ni Igmeng Bugaw na pumasok na ang mga **** niya. Isa sa mga ito ang lillngon at sisigawan ang mga pulis.

****
Hoy, mamang pulis, bumalik kayo rito mamayang gabi! Patitikman ko sa inyo ang pinakamasarap talaga!

37. INT. SALA. BAHAY NINA
ELSA. GABI.

Magkanarap, parehong nakatayo, sina Elsa at Nimia. Para nang kapilya ang kabahayan dahil sa nakapalibot na mga imahen at nakasinding kandila.

NIMIA
H'wag mong ipasara ang kabaret, Elsa. Malaking bagay 'yun para kay Itay.

ELSA
Hindi ako ang nagpasara ng kabaret, Nimia. Sina Mrs. Alba at Chayong.

NIMIA
Maski anong sabihin mo'y susundin niia.

ELSA
Ba't ka nagtayo ng kabaret, Nimia? Mula nang mangyari 'yu'y dumami na dito ang mga... ano...

NIMIA
****, ba't di mo sabihin. Bakit, ang ginagawa ba ninyo nina Mrs. Alba'y hindi pagpuputa sa mga tao dito? Pinagbibilhan n'yo sila ng himala.

ELSA
Tinutulungan namin sila.

NIMIA
Pareho lang tayong ****.

Pagmamasdan ni Elsa si Nimia, saka magsasalita.

ELSA
Umalis ka na.

NIMIA
Binubulag ka ng mga nasa paligid mo, Elsa, kaya wala kang nakikita. Marami kang tagasunod pero wala kang kaibigan. Ikaw ang may sakit, hindi ang mga tao.

Aalis si Nimia. Maiiwan si Elsang di makakibo.

38. EXT. KABARET. GABI.

Patay na ang kabaret. Sa dilim sa tagiliran ay nag-;uusap sina Nimia at Narding.

NIMIA
Matigas ang ****** inang si Elsa. Pakausap mo nga sa kapatid mo, Narding.

NARDING
E mas sira pa si Chayong ke Elsa e. Pabayaan mo na lang, Nimia.

NIMIA
Ano naman ang gagawin ng Tatay kung wala ito?

NARDING
Talagang walang mangyayari dito sa Cupang. Kailangan talagang tumakas na tayo. Tapos na ang mga palabas ni Elsa. Ang mga tao drto'y unti-unti nang namamatay.

NIMIA
Saan naman ako pupunta? Wala naman akong alam na ibang hanapbuhay kundo pagputa.

NARDING
E di sa Maynila mo na gawin

NIMIA
Ano naman ang kaibhan ng **** sa Cupang at **** sa Maynila? Takot na ako sa mga lalaki ngayon, Narding.

Magtataka si Narding. Titingin si Nimia sa dilim sa harapan niya.

NIMIA
Me customer ako noon, gusto niya laging me nakasubong sigarilyo sa bibig habang niyayari ako. Sadista pala ang ****. Minsan, dinala ako ng gang niya sa isang resort. Pinaglaruan nila ako magdamag. Pinasb ang suso ko. Pinasukan ng kung anu-ano ang kepyas ko. Bote. Papel. Isda. Nang iwan nila ako'y para akong durog na kamatis. Mula noon palagi ko nang napapanaginipan 'yun. Hinahawakan pa lang ako ng customer nanginginig na ako sa takot.

39. INT. KABARET. GABI.

Nakaupo sa bangkito sina Nimia at Igmeng Bugaw sa loob ng kabaret na ngayo'y wala nang buhay.

IGMENG BUGAW
Anong gagawin natin?

NIMIA
(matagal bago makakasagot). Bumalik na lang kaya ako ng Maynila. Sumama ka.

IGMENG BUGAW
Hindi ko iiwan ang Cupang.

NIMIA
E hindi naman natin kayang magbenta ng himala kagaya nina Elsa.

IGMENG BUGAW
Malas nga yata talaga ako. Nang magkartero ako noo'y walang bumagsakna sulat dito sa Cupang. Nang magbugaw naman ako'y wala hang birhen dito. E ang mga turista, puro birhen ang hinahanap. Wala na yata akong nagawang mahusay sa sarili ko.

NIMIA
Lagi mo kasing iniisip e.

IGMENG BUGAW
Matigas talaga si Elsa. Naaalala ko tuloy si Saling. Pag nagtatrabaho sa bukid noon e lagi niyang karga-karga sa likod si Elsa.

NIMIA
E ako, ano ang ginagawa n'yo sa'kin n'ong bata pa 'ko?

IGMENG BUGAW
Itinatago kita sa banyo kapag dumarating ang Inay mo. Kinukuha ka kasi sa'kin e.

Lulungkot ang mukha ni Nimia.

NIMIA
iBiH Patay na siya.

40. EXT. BAHAY NINA
ELSA. HAPON.

Pagod at malungkot na titingnan ni Elsa ang mga HUM nakaharap sa kanya. Parang wala nang katapusan ang agos ng mga nagpapagamot. Parang wala nang paggaling ang mga sakrt. Bubuntung-hininga siya. May kung anong bumabagabag sa kanya. Papahiran siya ng pawis ni Chayong at may ibubulong siya dito. Mapapatingin si Chayong kay Aling Saling, saka haharap sa lahat.

CHAYONG
Magpapahinga ho muna si Elsa. Bukas naman ho.

Di papayag, magslsigawan ang mga tao.

MGA TAO
Kanlna pa kami dito nakapila! Malayo pa ang pinanggalingan namin! Sayang ang pamasahe namin! Elsa! Elsa! Elsa!

Ikakalampag ng mga maysakit an gmga kutsara’t kung ano pang mahawakang gamit. Aakyat ng hagdan si Elsa, inaalalayan nina Sepa at Chayong. hahabol ang mga tao. may hahawak na ketonging bisig sa balikat ni Elsa a mapapalingon siya Halos hilahin siya paakyat nihna Chayong


ALING SALING
Tama na! Tama na! GalK na hahampasin ni Aling Saling ang hilera ng mga boteng benditado at mababasag ang mga ito. Matatahimlk ang lahat. Matatakot.

ALING SALING:
Bukas na uli manggagamot si Elsa!

Walang magagawa ang mga tao.

41. EXT. ILANG NA POOK.
HAPON.

Sa dulo ng daan ay dumarating ang kotse ni Chua. Susuray-suray na haharang sa gitna ng kalsada si Narding. Titigil ang kotse.

NARDING
Para! Para! Tulungan n'yo ako!

Babalandra si Narding sa harapan ng kotse at matutumba. Mapapatingin ang driver kay Chua. Tatango (to. Bababa ang driver at lalapit kay Narding.

DRIVER
Pare, anong nangyari sa'yo?

NARDING (hirap). Dalhin mo ako sa ospital.

DRIVER
(magblbiro). Kina Elsa na lang, libre pa. (lilingunin si Chua). Halika, makiusap tayo d'on sa ******.

Satalahiban, habang nagtatago'y pinagmamasdan ni Pilo ang mga nangyayari. Aakayin ng driver sl Narding papunta sa kotse. Dudungaw si Chua.

CHUA
0 bak'rt? Anong nangyari d'yan ha? Bakit?

Uumangan ni Narding ng balisong sa leeg si Chua. Di ito makakagalaw sa takot. Sesenyasan ni Narding si Pilo na lumapit.Tatakas ang driver. Matataranta si Narding. Pipllitin ni Chua na maagaw ang M balisong. Di sinasadya'y masasaksak siya ni Narding. Mabibigia si Narding sa nagawa. Saka kukunin ang pera ni Chua.

Hahabulin nila ang driver. Madadupa ito’t maaabutan. Itataas ni Narding ang balisong. Mapapatigil May nakasabit na scapular ng Birhen sa dibdib ng driver. Pikit-matang sasaksakin ni Narding ito

42. EXT. BAHAY NINA BINO.
GABI.

Nag-uusap sa likuran ng bahay sina Narding, Pilo, at Bino.

BINO
Masyado kayong padalus-dalos e. Di n'yo siya dapat pinatay.

NARDING
Nabigia lang kami e. 0, ano, sasama ka ba?

BINO
Me mga anak ako e.

PILO
Dollars ang kikitain natin sa Saudi, Bino.

BINO
Kayo na lang.
HERE
43. EXT. BAHAY NINA ELSA.
GABI.

Tapos na sa panggagamot si Elsa. Nag-uusap sila ni Chayong sa hagdan habang nagliligpit sina Aling Saling at Sepa. Kita sa mukha ni Elsa ang pagod.

CHAYONG
Tatlong gabi na, Elsa. Nananaghip ako na parang may isang harding di ko maabut-abot.

ELSA
Baka marami ka lang iniisip.

CHAYONG
(masaya). Nagpasabi na akong gusto ko siyang makausap bukas. Pag hiningi niya'y ibibigay ko na ang sarili ko kay Pilo. Elsa. MalakI rin ang naging pagkukulang ko sa kanya.

Malungkot na nglngiti si Elsa. Lalap'rt si Sepa.

SEPA
Elsa, mauna na ako. Ayokong abutin ng dilim sa daan. Nakakatakot ang nangyari ke Chua. Delikado na ang panahon ngayon.

ELSA
Sepa, mula bukas di na tayo magbebenta ng mga gamot.

SEPA
Ano?

Mabibigia rin st Chayong.

ELSA
Nakausap ko na si Mrs. Alba. Hindi na tayo maniningil mula bukas.

SEPA
Paano tayo mabubuhay ngayon?

DI sasagot si Elsa. Walang magagawa si Sepa.

SEPA
Sige, aalis na ako. Chayong...

Aalis sl Sepa. Babaling si Chayong kay Elsa.

CHAYONG
Pag nakasal kami ni Pilo'y susundin ko siya parati.

Di kikibo si Elsa. Nasa malayo ang iniisip.

44. INT. BAHAY NINA CHAYONG.
GABI.

Naghihintay si Chayong. Kanina pa siya. Hindi siya nakaputi ngayon. Magandang-maganda siya.

BINO
(off-screen). Chayong?

Mapapatingin si Chayong. Nasa pintuan si Bino. Papasok. May iaabot na sobre. Magtataka si Chayong.

BINO
Pinabibigay nl Pilo. Ingatan mo daw ang sarili mo. Pa'no. lalakad na ako ha?

Natatakot na bubuksan ni Chayong ang sobre. May makikita siyang pera at sulat sa loob. Nanglnginig ang kamay na babasahin ang sulat.

PILO
(voice-over). Nagpasya na ako. Hindi tayo magkabagay...

Parang namatayang mapapasandal si Chayong.

45. INT. KUWARTO BAHAY NINA ELSA. MADALING ARAW.

Binibihisan nina Aling Saling at Chayong si Elsa ng mahabang puting-puting bestida habang hinuhugasan ni Sepa ang mga paa at kamay nito. Matamlay si Chayong. Wala sa ginagawa ang isip. Nakaputi rin siya. Lalagyan ni Mrs Alba ng malaking rosaryo sa leeg si Elsa.
|
46. INT. KUMPISALAN.
SIMBAHAN. HAPON.

Nangungumpisal si Oriy sa pari. Hirap ang kalooban.

PARI
Akalakoba'ydikaKatoliko? ba'tsa'klnka nangungumplsaj

ORLY
Kasi, Father, kayo lang po ang puwedekongpagsabihannltj para maging sekreto.

PARI
Bakit. ano bang nangyari?

ORLY
Di po ako matahimik, Father. Sabi ko sa sarili ko noon, wala akong pakialam kundo ang aking trabaho Basta’t kung anong naire-record ng kamera ko Pero ngayon po’y hindi ko na alam.

PARI
Ba’t ka naguguluhan?

ORLY
Nakunan ko po ng pelikula sins Elsa at Chayong sa burol.


CUT TO:

FT. BUROL. MADAUNG ARAW.

Ang susunod ay 16mm black and white documentary footage na kuha ni orly Papatong ang voice-over ng pangungumpisal niya. Pagdating sa lugar na pinagpapakitaan ng Birhen ay iaalay nina Elsa at Chayong ang maa
dalang bulaklak. Luluhod at magsisimulang magdasal.

Magta-trance na sana sina Elsa at Chayong pero may mararamdamang daklot sa balikat si Elsa Papasok ang luwalhati ng pag-asam sa mukha niyadahil akala niya'y lumabas na ang Birhen. Pero pagbaling ng tingin ay makikita niya ang mukha ngisang tinedyer nataga-Maynila nakangisi, durog. Uurong si Elsa pero mayayakap siya ng tinedyer. Manlalaban siya. Makikita niyang si Chayong man ay pigil-plgil din ng isa pang tinedyer. Nagpipilft jtong makawala at makalapit kay Elsa, panay ang sigaw, humlhingi ng tulong kayElsa, pero wala ring magawa si Elsa. Manlulumo si Chayong at naghihinanakit kayElsang magpapaubaya sa nanggagahasa sa kanya Manghihina na rin sa paglaban si Elsa at tuluyana mapapapikit sa silaw ng araw.

48. INT. KUMPISALAN. HAPON.

uloy sa pagkakaluhod si Oriy sa harap ng pari. Wala silang imikan.

49. EXT.KALSADA. UMAGA.

Naglalakad pabalik sa bayan sina Elsa at Chayong, punSt ang mga damft at umiiyak Makikita sila nina Mrs. Alba. Aling Sating, Sepa at Baldo na matagal nang naghihintay sa tapat ng bahay nina Elsa. Sasalubungin sila May sasabihin si Elsa. Lalabas ang pagtataka sa mga mukha nila. Saka luluhod sHa. Mapapayuko si Chayong. Tttigas ang mukha nl Elsa

ORLY
Tuwing Miyerkoles ng madaling araw ay nagpupunta sina Elsa at Chayong sa burol Bawal sa iba ang sumama sa kanila.

May dalawang tinedyere na durog, taga-Maynila. Nagkatuwaan siguro sila at gusto nilang subukan kung talagang pinuprotektahan ng Birhen sina Elsa at Chayong.

Humihingi si Chayong ng tulong kay Elsa. Buung-buo ang akala nlyang matutulungan siya ni Elsa.

Nagdadalawa po ang loob ko Di ko malaman kung tutulungan ko sila, o kukunan ko ng pelikula.

Hindi ko sila tinulungan.

ORLY
(voice-over)
Sinabi ni Elsa na inatake sila ng demonyong nagpapanggap na baboydamo; Mabuti na lang daw at tinulungan sila ng Mahal na Birhen.

HERE
50. INT. KUMPISALAN. HAPON.

Patuloy sa pangungumpisal si Orly.

ORLY
Talagang kailangan ko ng break,

Father. Ang tagal ko ring naghintay ng ganitong pagkakataon. Pero lagi kong naaalala ang nangyari kina Elsa at Chayong. Pinabayaan ko na nga sila, kinunan ko pa. Ako ba, Father, ay gaya na rin ng iba riyan na nagbebenta ng himala? Tulungan n'yo ako, Father. Ipapalabas ko ba ang pelikula sa publiko o hindi?

51. INT. BAHAY NINA CHAYONG.
GABI.

Nakaratay si Chayong. Madilim sa kabahayan. Pinupunasan siya ni Elsa. Nakatingin lang sina Aling Saling at Sepa. Lalagyan ni Sepa ng scapular sa dibdib si Chayong pero nakadiin at ayaw bumukas ang bibig na itatagilid nito ang ulo paharap sa dingding. Magtataka si Sepa.

52. EXT. BAHAY NINA ELSA.
HAPON.

Tataas uH, gaya noon, ang mga kamay ni Elsa para hagurin ang mga mata ni Loio Hugo. Pero mapapatigil, sa hangin ang mga kamay niya. Hihintayin ng lahat, ng mga pasyente at nina Aling Saling,

Sepa, Baldo at Mrs. Alba, ang gagawin ni Elsa. Nakatingin din si Oriy. Wala si Chayong.

Biglang malalaglag ang mga kamay ni Elsa’t tuluyan siyang mapapayuko habang humahagulgol. Di malintindihan ng mga tao ang nangyayari. Nakatingin lang si Orly Lalapit si Aling Saling at hahagurin ang buhok ni Elsa. Sasawayin ni Mrs. Gonzales ang dalawang babaing nagbubulungan.

MRS.GONZALES
H'wag kayong maingay. Igalang natin ang kanyang pag-iyak
.
Haharap si Sepa sa mga tao.

SEPA
Iniiyakan niya ang paghihirap ng mundo. magsiluhod tayo


Sabay-sabay, luluhod ang lahat sa harap ni Elsa. Buong paggalang. Buong pagsamba. Patuloy na umiiyak si Elsa, ang mga hikbi ay nanggagaling sa pinakaloob ng kaluluwa. Lulutang sa hangin ang sabay-sabay na Aba Ginoong Maria, napupuno ka ng grasya, at hahalo sa mga hikbi ni Elsa.

Lalakad paalis si Oriy.

53. INT. BAHAY NINA ELSA. GABI.

Patuloy sa pag-iyak si Elsa. Katatapos lang niyang ipagtapat ang nangyari. Hindi makapaniwalang nakatingin lang si Aling Saling sa anak. Saka yayakapin niya 'rto.

ELSA
Ni hindi ko natulungan si Chayong, I nay!

54. INT. BAHAY NINA ELSA. GABI

Natutulog si Elsa, may saklut-saklot pang rosaryo sa dibdib. Mabaga bag ang kanyang pagtulog.

Dahan-dahang lalayo ang kamera at makikita si Aling Saling sa sulok ng silid, sa tapat ng imahen ng Birheng Maria, nakaluhod, lumuluhang nagdarasal.

55. INT. KAPILYA. UMAGA.

Nasa harap ng pari si Chayong, nangungumpisal. Pero maski anong buka ng bibig niya’y di maintindihan ang mga salita, humahalo sa ungol at hagulgol.

PARI
Iha, magsalita ka

CHAYONG
Makinig ka...

PARI
Oo, nakikinig ako...

CHAYONG
Ang dumi-dumi-dumi.may nangyari sa.may nangyari sa...

PARI
Sige, iha, nakikinig ako.

CHAYONG
Hindi ko na kaya...ang sakit-sakit..di ko na kaya..

Tuluyang mapapadukmo sa lupa si Chayong.

56. EXT. BAHAY NINA ELSA. HAPON

Sa likuran ng tolda ng mga pasyente ay kumakain sina Nestoy at Intong ng mga tira ng maysakit.

INTONG
Me dugo ‘yung karne!

NESTOY
loko, talagang ganyan ang pagkain ng mayaman, hilaw!

Ipagpapatuloy ng dalawa ang pagkain.

57. INT. BAHAY NINA CHAYONG.
GABI.

Pasugod na papasok sina Elsa, Aling Saling, Mrs. Alba, at Baldo.

Makikita niia sa kusina si Chayong, nakabitin sa kisame, nagbigti.

Mapapaatras si Elsa at babangga sa dingding.

58. INT. BAHAY NINA SEPA.
GABI.

Magkatabi sa sahig sina Nestoy at Intong, panay ang daing at duwal sa eronola, palit-palit na hinahagod ni Sepa sa likod habang naghahanda ng pamunas na tuwalya si Bino.

Dali-daling lalapitan ni Elsa ang mga bata at mamasahehin.

SEPA
Para mo nang awa, Elsa, h'wag mo silang pababayaan!

Mapapatingin si Elsa kay Sepa. laabot ni Sepa ang bote ng benditadong tubig. Sandaling mapapatingin dito si Elsa, parang nakalimutan kung par saan ito. Saka bubuksan ito, hihipan, at ipaiinom kina Nestoy.

BALDO
May epidemic daw ng kolera.

BINO
Tatawag ako ng doktor sa bayan.

SEPA
Hindi. Kaya ‘to ni Elsa.

Pinagpapawisan na si Elsa. Palipat-lipat sa dalawang bata Manghihina si Nestoy Matataranta lalo si Elsa. Bibilisan ang paghagod sa tiyan nito. Saka yayakapin ito. llalapitang mukha nito sa mukha niya. Halos nagmamakaawa ditong huwag, huwag itong mamamatay. Saka mararamdaman niyang di na niya kaya. llalapag ang ulo ni Nestoy sa banig. Halos wala na itong malay. 3abaling siya kina Sepa at Bino. alos di marinig ang boses.



ELSA
Tumawag na kayo ng doktor.

SEPA
Elsa...

Patakbong lalabas si Bino. Di malalaman ni Sepa ang gagawin. Umiiyak na hahabol sana kay Bino, saka babalik at babaling kay Elsa, saka-mapapatingin sa mga anak. Di na gumagalaw sina Nestoy at Intong. Halos patumbang yayakapin niya ang mga anak at doon lalabas ang kanyang mga hagulgd.

Parang naubusan ng lakas at damdaming uurong sa dingding si Elsa, nanliliit.

59. EXT. BAHAY NINA ELSA.
HAPON.

Sa dilim ng kalsada'y humahagulgol si Aling Pising, karga-karga ang bangkay ng anak. Mapapadungaw sa bintana si Elsa.

ALING PISING
Elsa! Elsa, nasa'n ang 'yung himala! Gamitin mo ang 'yung himala! Buhayin moang aking anak!

Hindi makakikibo si Elsa.

60. EXT. KALSADA PAPUNTANG LIBINGAN. HAPON

Apat na lalaki ang bababa ng bahay, may buhat-buhat na kabaong. Paiikutin nila ito mula sa kaliwa, tapos ay mula sa kanan. Gigilitan ng isang matandang lalaki ang isang manok. Isang matandang babaing nakaitim ang magtatapon ng banga sa lupa. Di mababasag ang banga.

LOLO HUGO
Hindi nabasag. Ibig sabihi'y marami pang susunod.

CUT TO:

Parang buong Cupang ang humahagulgol. Tatlong prusisyon ng mga taong nakaluksa ang papunta sa libingan. Ang isa'y ang kay Chayong, kasama ang Siyete Apostoles, sina Elsa at Aling Saling. Ang isa'y sa mga anak ni Sepa, kasama sina Lucio at iba pang tagabaryo. Ang isa pa'y ang kay Aling Pising, tatatio ang nakipaglibing. Naroon lahat ng tagabaryo, pati ang Mayor, si Chief de la Cruz at ang pan. Naroon din si Oriy.

Yakap-yakap si Elsa ni Aling Saling habang naglalakad. Lalapit si Nimia at maski walang sal itang lalabas sa
bibig ay makiki- pagbati kay Elsa. Mapapaha- gulgo si Elsa. Aalalayan siya ni nima

Umiiyak na susugurin ni Aling Pising si Elsa.

ALING PISING
Pinatay mo ang anak ko! Pinatay mo ang anak ko! Masusunog ka sa Masusunog ka sa impiyerno!

Parang sinaksak ang mukhang mapapatigil si Elsa, saka mapapabulalas uli ng hagulgol. Yayakapin siya nina Nimia at Aling Saling.

61. EXT. BAHAY NINA ELSA.
UMAGA.

Nilalagyan nina Chief de la Cruz at isa pang tauhan ang bahay nina Elsa ng karatulang nagsasabing Off Limits, Under Quarantine. Itataboy ng Mayor ang mga pasyenteng ayaw pang umalis.

MAYOR
Mga lola, lolo, sige, magsiuwi na ho kayo at hindi na manggagamot si Elsa. (babaling sa Chief). Hepe, ayusin mo nga "to.

HEPE
(lalapit sa rnga pasyente). Sige na, lolo, Ida, makakaalis na kayo. Hindi na manggagamot si Elsa. Sige na.

Bantulot na aalis ang mga tao. Pero pupunta lang sa may harapan ng bahay, doon magbabantay uli.

Mapapatingin sa kanila si Lucio. Abala ito sa paglalagay ng sign sa tapat ng bahay nitong nagsasabing Funeraria Para/so, Mura na, Sigurado pa, Free Delivery.

Lalapit si Igmeng Bugaw.

IGMENG BUGAW
Hindi na raw nagpapakita ang Birhen kay Elsa.

LUCIO
Slyempre maski Birhen nagta-time out din. Ikaw naman, Ilgme, oo. Ang sabihin mo, galit ka pa rin kay Elsa^ahil ipinasara ang kabaret mo.

Di kikibo si Igmeng Bugaw.

62. EXT. BUROL. HAPON.

Marahang bumubulong ang hangin. Pinagmamasdan ni Elsa ang lugar na pinagpakitaan sa kanya ng Birhen at pinagsamantalahan sa kanila ni Chayong. Naroroon pa rin ang tuyot na punongkahoy. At ang buroi. Pero wala na ang hEmala.

Tataiikod siya at lalakad na sanang paalis. Mapapahinto. Sa di kalayuan ay pinagmamasdan siya ni Orly. Lalapit tto. Magsisimula silang lumakad nang magkasabay.

ELSA
Lagi mo akong sinusundan.

ORLY
Matapang ka rin, Eisa. Siguro kung iba !ang e di na makakabalik dito sa burol.

Nagtatakang mapapatingin si Elsa.

ORLY
(mapapayuko). Nakunan ko ang nangyari sa inyo ni Chayong dito noon.

May kung anong sakit na dadaan sa mukha ni Elsa.

ORLY
Noong una, talagang desidido akong gamitin ang pelikula. Dahil kung tutuusin, minsan lang mangyarf ito sa isang direktor. Pero nang maglaon, naisip ko, ano ba. ako ba'y gaya na rin ng iba riyan na gagamit ng kahit na ano, kahit na sino nang walang pakundangan para lamang sa sarili kong trabaho? Ano, **** na rin ba ako? Di ko man lamang iniisip 'yung mangyayari sa inyo, ang tanging iniisip ko lang ay 'yung makukunan ko. Kaya parang pinagsamantalahan na rin kita.

Matagal bago makakapagsalita si Elsa.

ELSA
Tama ka nga siguro. Sa mga sinab^mo n'on sa'kin sa interbyu. Kung wala na ang tahat, kung kalansay na lang tayo, ang matitira na lang ay ang sinasabi mong sining.

ORLY
Oo. Kahapon, sa libing, nang makita kita, doon nagbago ang isip ko. Babalik na lang ako ng Maynila. Di ko gagamitin ang pelikula. Malas lang talaga siguro ako sa break. Naaawa ako, pero hindi sa'yo, Elsa, sapagkat matapang ka, kundi kay Chayong, at sa sasabihin ng mga tao tungkd sa kanya.

ELSA
(mapapatingin muna kay Oriy, saka makakapagsalita). Salamat, Oriy.

HERE

63. EXT. BAHAY NINA ELSA.
GABI.

Kaharap ni Elsa sina Aling Saling, Mrs. Alba, Mrs. Qonzales, Lolo Hugo at Bella.

MRS. GONZALES
Saan kami pupunta? Wala na akong mapupuntahan, Elsa! Itinakwil na ako ng aking mga anak! Nagsipag-asawa na silang lahat!

MRS.ALBA
Elsa, hindi ka puwedeng tumigil sa panggagamot! Nabayaran ko na 'yung lupang pagpapatayuan ko ng resort!


Tungkol sa Pagsusulat
ng Himala.

Sinulat ko ang first draft ng Himala noong 1976 para kay Mike de Leon. Dumalo kami sa mga ispiritista. nag-interbyu ako ng mga taong pinagpapakitaan o sinasaniban ng mga kababalaghan. Pero ang pinaka-pinagmulan ng Himala ay ang nangyari sa Cabra Island noong 1967 kay Belinda, isang dalagitang pinagpakitaan umano ng Birhen. Naging komersyal ang buhay sa isla.

Paiba-iba pa noon ang title -Sta. Maria ni Elsa, Aparisyon, Mga Himala. Hindi natuloy ang project kay Mike. Dalawang taong iniaalok namin ito ni Bibsy Carballo (line producer) sa kung kani-kaninong producer. Walang natuloy. Si Nora Aunor na noon pa man ang balak para sa Elsa. At si Ishmael Bernai ang magdidirek.

Nang ilunsad ang ECP film story contest ay isinali ko ang Himala. Suwerte namang napili ito. Isang buwan ang ibinigay sa akin para tapusin ang bagong draft ng screenplay. May panahon noon na hiniram ko ang beach resort ni Armida Sigulon-Reyna sa Batangas at doon ako nagsulat.

Himala ang screenplay na pinakakonti ang naging konsesyon ko. Sa akin nagsimula ang materyal nito at hindi sa producer. Kung sa isang ordinaryong producer ito. naibigay, maaaring pinilit kaming bigyan ng ka-love team si Nora, at gawing masaya ang ending. Baka utusan pa kaming gawing totoo ang himala.

Kami ang pumili kay Nora Aunor. Pumayag ang ECP na bukod kay Nora, lahat ay baguhan sa pelikula para maging mas totoong tao ang labas, at mas matipid.

Ang naging pinakakonsesyon lang siguro ay ang pangyayaring ang sinulat ko ay isang Cupang na parang impiyerno sa init. Tigang ang lupa at walang tumutubong halaman, kaya handa silang maniwala sa unang patak ng anumang himala. Ang una kong eksena noon ay bus na papasok sa Cupang, sakay si Oriy, ang filmmaker, na para bang bumababa sila sa impiyerno.

Di pumuwede ang ganito dahil gusto ng ECP na ihabol sa Metro Manila Film Festival ang pelikula. Binawasan ko ang init sa script.

Maraming iba pang naging pagbabago mula una nanggang huling rebisyon. Siguro'y para lalong mapaganda at luminaw, o kaya'y dahil di puwede sa produksyon. Anu't anuman, walang mga pagbabagong sumaliwa sa tama, at lahat ito'y ginawa ng Direktor matapos akong konsultahin.

May character na tinanggal: si Espe. Bakia pero tough, namumuno sa pangkat ng mga batang magnanakaw sa mga turista. Isa sa mga batang ito noong una si Nestoy, na noo'y kapatid pa ni Elsa.

Meron ding isang dalaga sa Cupang na gustong mag-artista, at nagpuntang Maynila. Dito tumira si Elsa noong mawala na ang himala, at pumunta siya sa Maynila. Dinalaw niya lahat ng mga lugar na may sinasaniban ng Birhen, kinausap niya ang ibang mga kagaya niya. Lahat nang ito ay tinanggal ko.

Dumalaw ako ilang ulit sa location sa llokos, at marami kaming naging discussions ni Bernal. Karamihan sa mga ito ay nakatulong sa mga rebisyon ko. Nagkaroon ng maraming bersyon ang ending, at ilang araw bago mag-shooting saka ko naibigay ang final draft ng eksena.

Sa isang bersyon ng ending ay hindi namatay si Elsa. Nawala lang ang pagsamba ng mga tao sa kanya at naging ordinaryo siyang tao. Makalipas ang maraming maraming taon ay binalikan siya ni Orly at nakitang matanda na siya, nag-iigib ng tubig sa balon, nakalimutan na ng iahat. Sa isa namang bersyon ay nagkaroon ng espekulasyon na muling nabuhay si Elsa. At sa Simula at wakas ng pelikula ay naghinintay ang mga deboto sa kanyang pagbabaiik.

Kung susulatin ko uli ang Himala ngayon siguro'y lalagyan ko na ito ng konting ngiti, at konting paniniwala, kung hindi man sa mga bagay na hindi natin nakikita, ay sa ibang tao. Pero nagpapasalamat pa rin akong nagawa ito sa labas ng mga establisadong production company. Na nagawa ito, para na rin sa akin, ay isang munting himala.

Ricky Lee


64. EXT. TINDAHAN NI LUCIO.
HAPON.

Nag-uusap-usap sina Igmeng Bugaw, Baldo, Ldo Hugo, Bella at Lucio. Sa kalsada'y parang malungkot na prusisyon ang paalis rang mga turista, pasyente at iba pang mga tao. Kung ano sila noon nang dumating, nakakotse at tricycle at wheelchair at naglalakad, ganoon din sila ngayon. Kabilang sa kanila sina Oriy at Aling Pising.

IGMENG BUGAW
(sisigaw). Oriy, pag me kailangan ka uli balik ka dito!

Ngingiti at kakaway si Oriy saka magpapatuloy.

LOLO HUGO
Pagsubok lang ang lahat sa atin. Tinltingnan ng Diyos kung dapat nang alisin ang sumpa o hindi pa. Babaiik din ang himala, h'wag kayong mag-alala. Hindi tayo pababayaan ng Diyos.

65. EXT. SEMENTERYO. HAPON.

Maglalagay ng buiaklak si Elsa sa puntod ni Cnayong. May papatong na anino sa lupa. Mapapatigil siya. aka lilingon. Si Nimia. Ngingiti si Saka magsisimulang gnaglinis-linis ng puntod, ginagbubunot ng damo, mag-aalis
Mapapansing may na uling sa tagiiiran ng CHAYONG SIRA.

Punasan nSya ito. Tutulong na Ki.si Nimia.

NIMIA
Kg CIsa, anong paiagay mo, nasa ilangit na kaya 8i Chayong? Nakita na kaya niya ang Birhen?

Di kikibo si Elsa. Pagmamasdan mi Nimia.

NIMIA
Elsa, ano ba talaga ang naktta mo noon? Totoo ba talaga?

ELSA
Ewan ko. Dl na ako sigurado ngayon kung anong nangyari noon.

NIMIA
Guni-guni mo lang 'yun. Ako rin nga, pag bangag ako, kung anu-ano'ng nakikita ko.

Di magsasalita si Elsa.

NIMIA
Dito tayo madalas maglaro noon a. Naaalala mo ba 'yung madalas nating kantahin? (kakanta). When I grow to be a lady, I'll be a queen, a lovely queen...

Mapapatigil si Nimia dahil nakatanga lang si Elsa, malungkot na parang nawala sa sarili.

NIMIA
Elsa?

Mapapatingin si Elsa.

NIMIA
Me nagdaang anghel.

ELSA
Nimia, anong palagay mo, kung umalis ako dito sa Cupang, kagaya mo e sa Maynila ako magbakasakali?

NIMIA
(matatawa). Hindi mo kaya ang trabaho ko!

ELSA
Ang ibig kong sabihin e puwede akong maging katulong, o labandera.

NIMIA
Sige, sabaytayong umalis. Maski sa'kin ka muna tumira. (lilinga, dumidilim na). Mukhang uulan a.

Tatayosila.

NIMIA
Noong mga bata pa tayo, pag naglalaro tayo dito at inaabutan tayo ng dilim, takot na takot tayo, sabi ni Chayong noon, basta't sabihin mo lang daw nang paul'rt-ulit 'yung Hesus Maria y Jose, walang mangyayari sa'yo.

ELSA
Mask! noon, sa'ting tatlo'y si Chayong lagi ang pinakamatatag.

HERE

66. INT. KUBO SA BUKID.
UMAGA.

Mula sa bintana ay makikita sa bakuran sina Lolo Hugo, Bella, at Mrs. Gonzales, matiyaga pa ring nagbabantay sa pagbabalik ng himala ni Elsa.

Mapapabuntung-hininga si Elsa. Sa - kalsada'y wala nang natira kundi mga kalat at papel na sinisiklut-siklot ng hangin sa lupa.

PILO
(off-camera). Elsa...?

Mag-uusap sila sa may likod- pintuan.

ELSA
Di ba delikado ang pagpunta mo dito, Pilo?

PILO
Hindi na ako pinaghahanap ng batas, Elsa. Nahuli nila si Narding. Pinagtakpan niya ako.

May kung anong mga pantal na lumalabas sa mukha at mga bisig ni Pilo.

ELSA
Anong nangyari sa mukha mo?

PILO
Di ko alam. Nagising na lang ako sa umaga na ganito na. Hindi malaman ng doktor kung ano. Ba't nagpakamatay si Chayong, Elsa?

DI makakasagot si Elsa.

PiLO
Bumalik ako dito dahil di ako matahimik. Anong nangyari kay Chayong, Elsa?

Mapapatingin si Elsa kay Pilo, saka mapapayuko. Halos di siya marinig.

ELSA
Kasalanan ko, Pilo. Wala akong nagawa. Pinagsamantalahan kami.

Mapapamaang munang di makapaniwala sl Pilo, saka di mapipigilan ay mapapayuko. Para siyang tahimik na humihikbi pero walang tunog. Di maialaman ni Elsa kung hahawakan siya sa balikat o hindi.

PILO
(nakayuko pa rin). Naniwala siya sa'yo, Elsa.

Lilipas ang ilang sandall. Aangat ang mukha ni Pilo.

ELSA
Anong balak mo ngayon, Pilo?

PILO
Luluwas din ako ng Maynila bukas. Gumaling lang ako'y tutuioy ako ng Saudi. Pangako ko 'yun kay Narding.

67. EXT. KALSADA. HAPON.

Patay na uli ang Cupang. Wala na ang mga gulo at ingay. Bakante ang kahabaan ng tuyung-tuyong kalsada.

Pauwi si Elsa. Madaraanan ang dalawang tinedyer na lalaking nagtatawanan at nagkakantiyawan. Mapapansin nila si Elsa at isa sa kanila ang luluhod, nakangising titingala sa langit at magkukun- waring nagta-trance.

TINEDYER 1
Nakrta ko ang Birhen! Ayun ang Birhen! Naklta ko ang Birhen! Tatawa ang kasamang tinedyer. MagigitEa at mapapatigii si Elsa. Daraan sa mukha niya ang sakit, pagkapahiya, at sakalungkot. Tatalikod at halos patakbong aalis.

68. INT. SIMBAHAN. UMAGA.

Nagsesennon ang pari. Bumalik na sa simbahan ang mga tagabaryo.

PARI
Nitong mga huling araw, ang Cupang ay nakaranas ng maraming bagay. Ekiipse, panggagamot nl Elsa, epidemya at iba pa. Tayong lahat, kabilang na ako, ay maraming natutunan. Noon ay lagi kong sinasabing importante lagi ang pagharap sa katotohanan. Ngayon ay alam ko na - kung minsan ay hindi tayo dapat napasisilaw sa katotohanan. Sapagkat kung minsan ito ay hindi rin makatao. Kung minsan ang kasinungalingan ay mas importante kaysa katotohanan. Kung minsan ang kasinungalingan ay mas may nagagawang kabutihan sa tao. Katotohanan man o kasinungalingan, reyalidad man o ilusyon, ang importante ay kung saan ito ginagam'rt.

Kita sa mukha ng mga nakikinig na wala silang naiintindihan,

69. EXT. BAHAY NINA ELSA.
DAPITHAPON.

Pinapagapagaspas ng hangin ang mga sirang tolda sa_bakanteng kalsada. Lumiiipad sa lupa ang mga lamukos na papel. May natirang piraso ng sirang rosaryo. ELSA LOVES YOU, sabi pa rin ng karatuls mask! halostanggal na. Isang aso ang inaamuy-amoy ang tolda sa paghahanap ng makakain.

MuSa sa bintana'y malungkot na pinagmamasdan ni Elsa ang lahat. Lalapit si Aling Saling at mauupo a tabi niya.

ALING SALING
Sinisisi mo pa rin ang sarili mo. Mapapatingin si Elsa.

ELSA
Wala ba akong nagawang mabuti, I nay?

ALiNG SALING
Hindi mo kasalanan, anak.

ELSA
Lagi kong iniisip, ano ba talaga ang nangyari? Saan ba ako nagkulang? Meron ba akong di nakita? Bakit naging kriminal si Narding? Bakit nagpakamatay si Chayong? Bakit namatay ang mga bata? Anong ibig sabihin ng lahat?

ALING SALING
Mask! hindi totoo ang himala'y wata kang ginagawang masama. Gusto mo lang makatulong. (mapapatingin sa katsada). Kaya lang ay pinaglaruan tayo ng Diyos.

Sandaling matatahimik sila. Sa lamlam ng papalubog na araw ay halos magkamukha sila.

ELSA
Pag gabi, hindi ako makatulog. Naririnig ko pa rin ang mga daing nila, ang paghingi nila ng tulong. Maski saan ako bumaiing ay naaamoy ko sila. Ang mga sakit nila.

ALING SALING
Hinahanap-hanap mo pa rin ang himala.

70. EXT. TINDAHAN N1 LUCIO.
HAPON.

Nag-iinuman sina Lucio, Igmeng Bugaw, Baldo at Isa pang laiaki. Kaharap si Nimia. Kagaya ng dati. Noong mga panahong waia pa ang himaia.

LUCIO
Tumagay ka, Nimia, maski isa lang!

Nakangiting aabutin ni Nimia ang baso at iinom. Palakpakan.

LUCIO
Ba't mo ba iiwan itong si Igme?

NIMIA
E mahina na ho ang business e.

BALDO
Mula nang di na manggamot si Elsa'y nag-iba na ang Baryo Cupang. Parang patay lahat.

LUCIO
Ang sabihin mo meron ka na namang dahilan para uminom!

IGMENG BUGAW
Totoo bang bumait na daw si Mrs. Alba? Di na raw naninigaw?

BALDO
lyon ang himala!

Tawanan.

71. INT. BAHAY N1 ELSA.
MADALING ARAW.

Duduwal sa batalan si Elsa. Nag-aalalang mapapatingin siya kay Aling Saling. Matatakot sila. Aabot ng tabo si Elsa para uminom. Mapapansin sa kabila ng bakuran si Baldo, nakatingin sa kanila.

72. EXT. TINDAHAN N1 LUCIO.
HAPON.

Magtataka sina Lucio, Mrs. Qonzales, Igmeng Bugaw, Lolo Hugo at Bella sa bal'rta ni Baldo.

MRS. GONZALES
Pa'nong mangyayari 'yun e waia namang gumagalaw d'on?

LUCIO
Pa'no mo nasiguro?

BALDO
Kitang-kita ko nga e, buntis si Elsa! Palagay ko'y dinala na 'yun ni Aling Saling sa hilot. Buntis si Elsa!

Magkakatinginan sila. Mapapahesusmaryosep si Mrs. Gonzales.

MRS. GONZALES
Imaculada Conception! Pinasok siya ng Imaculada Concepcion!

Mapapatingin sa kanya ang mga kausap.

MRS. GONZALES
Bumalik na ang himala! Totoo ang sinabi ni Lolo Hugo, sinusubukan lamang tayo!

BALDO
Baka darating na ang gunaw! Di ba sabi'y maraming katakatakang magaganap bago ang gunaw?

MRS. GONZALES
Isa nang tunay na Birhen si Elsa!

Biglang kukulog. Magkakatinginan sila lahat. Sa loob ng napakahabang kasaysayan ng pagkatuyo at tagsalat sa Baryo Cupang ay ngayon lang kumulog. Susulyap sila lahat, halos sabay-sabay, sa lang'rt. Nagdidilim. Nakangiting magkakatinginan sila.

Biglang bubuhos ang ulan.

73. EXT. KALSADA. HAPON.

Buhat sa langit ay walang tigil na bumubuhos ang ulan. Ulang matagal nilang pinanabikan sa Cupang. Ulang hulog ng Diyos. Magtatakbuhan sa tuwa sina Mrs. Gonzales, Bella, Lolo Hugo, Igmeng Bugaw at Baldo, Isinasahod ang mga mukha sa ulan, ikinakampay sa hangin ang mga bisig.


HERE

BALDO
Bumalik na ang himala!

LOLO HUGO
Natapos na ang sumpa sa Cupang!

MRS. GONZALES
Puntahan natin si Elsal

Lalakad sila sa ulan, isang munting prusisyong nagkakatuwaan. Masasalubong sl Nimia, may dalang maleta, babalik na ng Maynila. Lalapftan ni Igmeng Bugaw ang anak.

Makikita rin nila si Pilo, may dalang traveling bag. Naglalakad papunta sa kabilang direksyon. Di makalapit dahil sa sakit nito.

Magpapatuloy ang nagkakatuwaang mga taong naglalakad sa ulan papunta kina Elsa.

74. INT. BAHAY NINA ELSA.
HAPON.

Nakadungaw sa bintana sina Elsa at Aling Sating dahil sa di inaasahang ulan. Sa dulo ng daan ay dumarating na ang mga tao, nagsisigawan.

MGA TAO
Elsa! Elsa! Elsa!

Mapapatalikod si Elsa. Mapapatingin kay Aling Saling. Unti-unting lalapit nang lalapit ang pagsisigawan ng mga tao, parang musika, parang utos. Hanggang sa nasa tapat na sila uli ng bahay.

MGA TAO
Elsa! Elsa! Elsa!

NOTES
Ang magaling na scriptwriter ay hindi lamang nagsasaasd ng kuwento kundi buuang karanasan ng buhay, nagmumulat, nagtuturo, at bumubungkal ng katotohanang nasa likod ng katotohanan.

Ang magaling na scriptwriter ay hindi lamang ikinukuwento ang istorya ni Mariang naging **** kundi inilalarawan din ang mga kadahllanan at mga bulok na sistema ng lipunang nagtutak sa kanya na maging ****. Ang bawat script ay hindi lamang kasaysayan ng tao kundi kasaysayan din ng lipunan. At ito ang Himala.

Nang una kong mabasa ang Hima!a, ang nakita ko ay larawan ng isang lipunang may sakit. Isang lipunang nabansot ang kaisipang siyentipiko dahilan sa mahabang panahon ng kolonyalismo at imperyalismo. Ang sakit nito'y hindi lamang sakit pisika! kund! sakit ng pagkukulang ng pananampalataya sa paglilingkod ng pamahalaan sa sambayanan. Kapag ang estado ay hindi tumutugon sa pangangailangan ng taumbayan,
ang taumbayan ay napipilitang sumampalataya sa isang pangyayaring maaaring gawa-gawa o guni- guni lamang.

Marami na kaming napagsama- hang pelikula ni Ricky, karamiha'y sa ilalim ng sistema ng industriya, na ibig sabihi'y maraming limitasyon. Magaling na talaga siya sa Relasyon at/to Ba ang filing Mga Anak pero mas magaling pa siya sa Himala dahil sinulat niya ang script nang walang konsiderasyong komersyal.

Maraming punto kung bakit magaling ang script ng Himala.

Sa unang baitang ay masasabing ang mga tauhan ay representante ng isang lipunan-ang mapaniil na may-ari ng lupa, ang militar, ang mayor, ang pari, ang ****, ang mga bata, at ang taumbayan. Concise ang description ng mga eksena at mga dialogues. Ang pagialahad ng istorya ay maihahambing sa paghahabi ng isang tela, maingat at dahan-dahan hanggang sa mabuo ito. May katahimikang alam mong parang bulkang puputok sa hull; nasa loob ang tensyon. Positibo rin sa script ang hindi mo malaman kung sino sa mga tauhan ang matino o baliw, o kung sino ang mabuti o hindi.

Pero higit dito, ang pinakamahalaga ay ang pilosopiya ng script. Hindi importante kung may himala o wala- Ang mahalaga ay ang pangangailangan ng taong maniwala o manampalataya, siyentipiko man o hindi. At sapagkat hindi natin alam kung may naganap ngang himala o wala, hindi mahalagang malaman natin kung sino ang pumatay kay Elsa. Sto ang pilosopiya ng script.

Hanggang sa ngayon ang himala ay isang misteryo. Hanggang ngayon, hindi pa nauunawaan ng tao ang Diyos o kung mayroong sapat na kadahilanan ang tao para maunawaan ang misteryo ng paglikha ng mundo. Para sa akin, iyon ang pinakamahalagang pananaw ng script na nagtulak sa akin para pagalawin sa ganoong anyo ang istorya.

Sa kabuuan, maliwanag ang punto de bista ng script kaya ito nagtagumpay. Tulad ng lahat ng mga kinlkilalang obra, ito'y nagtatanong at hindi sumasagot. Dahil kung a(am na nito ang mga sagot, hindi na kinakailangang likhain pa.

ISHMAELBERNAL

Papasok ang pag-aalala sa mukha ni Aling Saling. Parang sinasabi niya, huwag na, anak, tama na. Pero nagdadalawang-loob si Elsa. Hmihila siya ng mga sigaw. Ng ulan. Ng panibagong himala.

Haharap si Elsa sa bintana at makikita niya sa bakuran sina Mrs. Gonzales, Lolo Hugo, Bella, Nimia, Igmeng Bugaw, Baldo at Lucio. Ang mga taong kinalakaladkad niya sa himala noon. Mga taong ang basang mga mukha'y puno uli ng pag-asam at pagsamba.

Kakapa-kapang pupunta sa unahan si Lolo Hugo.

LOLO HUGO
Elsa, bumalik na ang himala! Salamat at bumalik na ang himala!

MRS. GON2ALES
Elsa, Elsa, we love you!

Babaliksa sa mukha ni Elsa ang dating tigas, ang dating determinasyon

ELSA
Tawagin silan glahat!

Magsisigawan at magtatalunan sa tuwa ang mga tao. Bahagyang-bahagya, halos di mapansin, ngingiti si Elsa. Lalapit si Aling Saling na nag-aalala pa rin.

Sa inuulang kalsada, hihiwalay si Nimia sa mga taong nagkakagulo. Lalapitan siya ni Igmeng Bugaw at magmamadyik uli si Nimia, maglalabas ng sigarilyo mula sa mga hita. Magtatawanan ang mag-ama. Saka lalakad paalis si Nimia.

Sa di kalayua'y paalis na rin si Pilo, dala ang traveling bag.

Patuloy sa pagkakatuwaan sa ulan ang mga tao.

75. EXT. BAHAY NINA BINO.
HAPON.

Nagmamadaling lalabas si Sepa, kasunod si Bino.

BINO
Sepa, saan ka pupunta?

SEPA
Kina Elsa.

BINO
Sepa, bakit? Namatay ang dalawa nating anak nang dahil sa kanya.

Hindi kikibo si Sepa. Manlulumo lang na parang natalo, walang mapuntahan, nalilito na. Maaawa si Bino. Hahawakan sa balikat si Sepa.

BINO
Sige.

Ngingiti ng pasasalamat si Sepa. Saka aalis.

76. EXT. BUROL. GABI.

Sa isang tabi mula sa itaas ng burol ay pinagmamasdan ni Elsa sa ibaba ang libu-libong mga nakasinding kandilang hawak ng mga taong nagpuprusisyon at nagkakantahan. Lalapit si Aling Saling. Sandaling wala muna silang imikan.

ALING SALING
(hahawakan si Elsa). Natatakot ako, Elsa.

Susulyapan siya ni Elsa, saka babaling uli ito sa mga taong nagkakantahan

HERE


ALING SALING
Baka lumalabis na ang lahat. Tinototoo mo na.

ELSA
Hindi ko siia niloloko, Inay.

ALING SALING
Magmula nang mapulot kita dito sa buroi e di na krta naintindihan. (bubuntung-hininga). Pero anuman ang gawin mo'y may tiwala ako sa'yo. Sige. Maghahanda pa kami nina Sepa para bukas.

Aaiis si Aling Saling at maiiwang mag-isa si Elsa.


77. EXT. KALSADA. UMAGA.

Naroroon uli ang sangkatauhan, nagdadagsaan sa kalsada papuntang burol, may sakay ng kariton. merong nasa wheel chair, merong nakakotse't merong naglaiakad. Bumalik na uli sila, dala-dalaang mga dating sakit at problema, hiia-hila ang dating mga ibinibenta.

CUT TO:

Sa burol ay parang karnabal uli. Pero mas malaia. Di malaman kung sino ang mas may sakrt, ang mga nakaratay sa tolda, o ang mga nagbabangag sa tabing daan. o ang mga nakikipaghilahan ng customers. Paikut-ikot si Aling Pising, kasingdusing pa rin noon pero wala nang kargang anak. Nagbebenta uli ng benditadong tubig sl Mrs. Alba at ang Siyete Apostoles. Nagmamando si Baldo sa pila ng mga pasyenteng ayaw makinig. Hinahampas ng init ng araw lahat ng tao pero walang umaalis. Nakalutang sa hangin ang mga problema at dasal.

Lalapit ang Mayor sa Chief of Police.

MAYOR
Chief, hulihin mo ang sinumang magsalita laban sa Diyos, sa gobyerno, o sa akin.

Tatango ang Chief of Police. May hihintong Mercedes Benz at mapapatingin lahat. Bababa ang isang lalaking kamukhang-kamukha ni Chua, pinapayungan ng driver, marami ring alahas sa katawan.

TAGABARYO
Nabuhay si Chua!

CHIEF DE LA CRUZ
Sino ba 'yun?

LUCIO
(lalapit at titingin din). Kapatid ho 'yun ni Chua. Baka isa pa ho 'yang me sakit din.

Bababa ng tricycle si Oriy. Dala pa rin ang kamera. Makikihalo sa gulo ng mga tao. Babalikan ni Baldo ang mga pasyenteng nakapila.

BALDO
0, 'yung mga may sakit, dito lang. 0 paraanin 'yan, paraanin! 0 kayo d'yan, dito kayo! Lapit!

Sa isang tabi'y magsisiluhuran ang mga tao, magrorosaryo. Kasama sina Lolo Hugo at Mrs. Gonzales.

LOLO HUGO
Nasaan si Bella? Nakita n'yo ba si Bella?

Maninigas si Mrs. Gonzales na parang nagta-trance, gaya ni Elsa. Pagmamasdan siya ng dalawang tinedyer.

TINEDYER 1
Napa'no 'yan?

TINEDYER 2
Kinakausap ng Birhen!

Tawanan. Parang walang narinig si Mrs. Gonzales. Gagala si Igmeng Bugaw. May hinahanap. Mapapangiti at lalap'rtan ang isang turistang Puti.

IGMENG BUGAW
Hey, Joe, want some girl?

TURISTA
Yeah? Where?

IGMENG BUGAW
Very pretty. Virgin only.

TURISTA
Sure, where?

Susutsutan ni Igmeng Bugaw si Bella, na ngayo'y seksinaang ayos at naka-make up.

TURISTA
In green, over there?

IGMENG BUGAW
Yeah.

Lalapit si Bella. Ngingitian ang turista. Aalis silang tatlo. Magsisigawan uli ang mga taong Pinagpapawisan na sila sa init ng araw at kumakalat ang nakakaliyong kabaliwan.

LALAKI 1
Asan na ba si Elsa? (sisigaw). Elsa! Elsa

MGA TAO
(palakas nang palakas ang sigaw). Elsa! Elsa! Elsa! Elsa!

ALING RISING
(makikisigaw na rin). Elsa! Elsa' Elsa!

Sa likuran ng entablado sa tabi ng burol ay nagdarasal sina Elsa, Sepa at Aling Saling. Pinupunasan ni Sepa ng pawis si Elsa. Siya na ang pumallt kay Chayong. Matatapos sila at walang mga damdamin sa mukhang lalakad papuntang entablado.

MGA TAO
(patuloy ang sigawan). Elsa! Elsa! Elsa!

Aakyat sl Elsa sa entablado, kasunod si Aling Saling. Lalong magkakagulo ang mga tao, di na ngayon mapigitan. Magsusuguran ang iba papunta sa unahan, dala-dala ang mga rosaryo at panyo at istampltang gustong pahawakan kay Elsa, sumisigaw mula sa kaibuturan ng mga kaluluwa nilang desperado. Haharangin sila ng kordon ng mga pulisat magliliyab ang mga kamera.

Sa entablado, malungkot na pagmamasdan ni Elsa ang lahat. Isang dagat-dagatan sila ng mga mukhang naghihirap at nagugutom, umaasa at nababaliw. Tataas ang mga kamay ni Elsa at tatahimik ang lahat. Sa tagiliran niya'y nakatayo ang malaking imahen ng Mahal na Birhen. Humuhugong na uli ang hangin. Bababa ang kamay ni Elsa't magsisimula siyang magsaiita.

ELSA
Ipinatawag ko kayong lahat U dahil may gusto akong ikumpisal.

Sandaling titigil si Elsa. Maghihintay ang lahat.

ELSA
Nitong mga nakaraang araw, sa loob lamang ng napakaikiing panahon, parang naranasan natin ang pinaghalong langit at impiyerno.

Nag-aalalang pagmamasdan ni Aling Saling ang mga tao. Taimtim na nakikinig ang mga Ho. Nakatingala kay Elsa sina Mrs. Gonzales, Lolo Hugo at Bino.

ELSA
Maraming sakit ang gumaiing, maraming tao ang bumuti at nagkaroon ng pananampalataya.Pero nakakita rin tayo ng kamatayan, ng epidemya, ng pagpuputa, ng krimen at panloloko.

Mapapalapit si Mrs. Alba.

ELSA
Kapag may masamang nangyayari'y sinisisi natin ang sumpa. Isinumpa ang Cupang. Itinaboy kasi natin ang maysakit noon. Kaya ganoon.

Patuloy na umiihip ang hangin, idlnuduyan ang buhok at damit ni Elsa, hinahampas ang malaking imahen ng Birhen. Nakatutok kay Elsa ang tingin ni Aling Saling.

ELSA
Kapag may mabuti namang nangyayari, sinasabi nating ito'y gawa ng langit. Gawa ng Birhen. Gawa ng himala.

Nakatingin si Sepa.

ELSA
May ipagtatapat ako sa inyo.

Bababa ang kamera ni Oriy. Titingnan ni Elsa si Aling Saling. Saka haharap uli sa mga tao.

ELSA
Walang himala! Ang himala ay nasa puso ng tao! Nasa puso nating lahat' Tayo ang gumagawa ng himala! Tayo ang gumagawa ng mga sumpa at ng mga DIyos!

Walang makakakibo. Walang makakapagsalita.

ELSA
Hindi totoong buntis ako dahil sa himala! Hindi totoong nagpakita sa akin ang Mahal na Birhen! Walang himala! Hindi totoong may himala! Tayo ang gumagawa ng himala! Tayo ang gumagawa ng mga sumpa at ng mga Diyos! Walang himala!

Sa umpukan ng mga tao'y tataas ang isang kamay na may baril at bago matapos ni Elsa ang
sasabihi'y papailanlang ang Isang putok. Pagtama ng baia sa puso ni Elsa'y awtomatikong mapapataas ang kamay niya, mapapaatras siya, at bago siya matumba'y magagaya niya ang anyo ng Birheng may
sugat na nakita niya noon sa kanyang mga aparisyon. Masasalo nina Aling Saling at Sepa si Elsa. Kakandungin ni Aling Baling ang anak.

Isang matinis at nakaiulunos na daing ang aahon mula sa mga tao. Magkakagulo. Magtatakbuhan lahat
papuntang unahan para malaman kung anong nangyayari. Magkakatapakan, rnagtutulakan.
Matutumba ang mga maysakit at magsasamantala ang mga magnanakaw.

Puprotektahan ni Mrs. Alba ang mga bote niya pero babagsakan siya ng mga ito. Mag-iiiyak siya. Madadapa si Lolo Hugo at di makakabangon dahil rumaragasa ang mga paa sa palibot. liwan ng tucistang Puti si Bella.

Makiklta ng Mayor ang lalaking may hawak na baril at tatawagin ang Chief of Police.

MAYOR
Hepe, dakpin mo ang bumaril!

Susundan nila ang lalaki. Mahuhuli at bubugbugin.

CHIEF OF POLICE.
Ikaw ang bumaril ano? Ikaw, ano?

Pero ayaw magsalita ng lalaki. Panay lang ang tanggap sa mga bugbog na parang patay na, o kaya'y bangag at wala sa sarili.

Patuloy ang pagkakagulo. Mababagsakan si Igmeng Bugaw ng isang lalaking naka-wheel chair at bubulwak ang dugo sa bibig niya. Magtrtitlli si Aling Pising habang paikut-ikot. Masasabit ang abito ng madre sa isang wheel chair at madadaganan siya. Pinipilit ng paring matulungan ang batang napilay. May tatapak sa natumbang si Lolo Hugo.

Naghihingalong pinagmamasdan ni Elsa ang lahat habang kandong ng umiiyak na si Aling Saiing. Ang lahat ay parang isang panaginip, Isang halusinasyon ng sangkatauhang nagtatakbuha't naghahalu-halo sa isang walang katapusang larawan ng kapahamakan. Papatak ang luha niya. Ito ang mga kaguluhan at kabaiiwang kanyang pinasimulan Lalapit si Oriy at kukunan si Elsa. May lalabas na bahagyang ngiti sa mga labi ni Elsa, saka pipikit ang mga mata at tuluyang mamamatay. Bababa ang kamera ni Oriy. Mag-iiyakan ang Siyete Apostoles.

BALDO
(sisigaw sa mga tao). Patay na si Elsa!

Sabay-sabay na hagulhol at tili ang aakyat sa langit. Magsusuguran ang mga tao papuntang entablado, isinisigaw ang pangalan ni Elsa.

Bubuhatin nina Baldo ang katawan ni Elsa. Parang lumulutang ang katawan ni Elsa sa dagat ng mga tao habang dinudumog ng mga nagtatangkang makahawak maski man lang sa laylayan ng damit niya, o manggas niya, humahagulgol na para bang ngayo'y nawala nang tuluyan lahat nang pag-asa at iayunin sa buhay.

Umiiyak si Mrs. Gonzales, nagpipilit makalapit. Bitbit-bitbit ang isang tsinelas ni Elsa'y humahagulgol na susunod sa mga tao si Aling Saling.

Pipigilan ni Bino si Sepa.

BINO
Sepa, h'wag ka nang sumunod! Dito ka na lang, ano ka ba?

Pero makakawala si Sepa.

Ipapasok sa ambulansiya ang katawan ni Elsa at aaiis ang ambulansiya.

Magpapatuloy sa paghagulgol ang mga taong naiwan. May mga nakalugmok, may mga nakaluhod. Pagmamasdan ni Sepa ang lahat, saka itataas niya ang mga kamay.

SEPA
Si Elsa'y isang santa! Namatay siya upang ipaalala sa atin na ang mundo ay makasalanan! Magbalik tayong lahat sa burol upang ipagdasal ang kanyang kaluluwa! Kailangang ipagpatuloy natin ang kanyang paniniwala! Itaguyod ang pananampalataya sa Mahal na BIrhen!

Magsusunuran ang mga tao kay Sepa. Mga paang nagmamadali. Mga pusong umaasa uli. Sa gitna ng mga nakatumbang kubol, punit na karatula, wasak na mga saklay at umaagos na dugo'y nakaluhod na aakyat uli siia sa burol, sabay-sabay na nagdarasal.

Makakasalubong nila ang bangkay ni Igmeng Bugaw, buhat-buhat ng ilang kalalakihan. Gayundin ang bangkay ni Lolo Hugo, kasunod ang umiiyak na si Bella at si Bino. Tutulungan ng isang babae si Mrs. Alba para makaakyat sa burol. Hawak-hawak ni Aling Pising ang sugatang ulo habang umiiyak. Nakatingin lang si Ony sa lahat. May konting pagtataka, at pagkaunawa, sa kanyang mukha.

Patuloy ang sabay-sabay na pagdarasal ng mga tao habang ang screen ay unti-unting dumidilim.

MGA TAO
Aba Ginoong Maria, napupuno ka ng grasya ... Bukod kang pinagpala sa babaing lahat...