Huwebes, Oktubre 31, 2013

Buod na Noli Me Tangere

                                buod ng noli me tangere


Si Crisostomo Ibarra ay isang binatang Pilipino na pinag-aral ng kanyang ama sa Europa. Pagkatapos ng pitong taong pamamalagi roon ay nagbalik ito sa Pilipinas. Dahil sa kanyang pagdating ay naghandog si Kapitan Tiyago ng isang salo-salo kung saan ito ay dinaluhan nina Padre Damaso, Padre Sibyla, Tinyente Guevarra, Donya Victorina at ilang matataas na tao, sa lipunan Kastila. Sa hapunang iyon ay hiniya ni Padre Damaso na siyang dating kura ng San Diego, ang binata ngunit ito'y hindi na lamang niya pinansin at magalang na nagpaalam at nagdahilang may mahalagang lalakarin.
Si Ibarra ay kasintahan ni Maria Clara. Siya kilala bilang anak-anakan ni Kapitan Tiyago, isang mayamang taga-Binundok. Ang binata ay dumalaw sa dalaga kinabukasan at sa kanilang pag-uulayaw ay di nakaligtaang gunitain ang kanilang pagmamahalan simula pa sa kanilang pagkabata. Di nakaligtaang basahing muli ni Maria Clara ang mga liham ng binata sa kanya bago pa man ito mag-aral sa Europa. Bago tumungo si Ibarra sa San Diego ay ipinagtapat sa kanya ni Tinyente Guevarra ng Guardia Sibil ang tungkol sa pagkamatay nga kanyang amang si Don Rafael, ang mayamang asendero sa bayang yaon.
Ayon sa Tinyente, si Don Rafael ay pinaratangan ni Padre Damaso, na Erehe at Pilibustero, gawa ng di nito pagsisimba at pangungumpisal. Nadagdagan pa ng isang pangyayari ang paratang na ito. Minsan ay may isang maniningil ng buwis na nakaaway ng isang batang mag-aaral, nakita ito ni Don Rafael at tinulungan ang bata, nagalit ang kubrador at sila ang nagpanlaban, sa kasamaang palad ay tumama ang ulo ng kastila sa isang bato na kanyang ikinamatay. Ibinintang ang pagkamatay na ito ng kubrador kay Don Rafael, pinag-usig siya, nagsulputan ang kanyang mga lihim na kaaway at nagharap ng iba-ibang sakdal. Siya ay nabilanggo at ng malapit nang malutas ang usapin ay nagkasakit ang matanda at namatay sa bilangguan. Di pa rin nasiyahan si Padre Damaso sa pangyayaring iyon. Inutusan niya ng tagapaglibing na hukayin ang bangkay ni Don Rafael sa kinalilibingan nitong sementeryo para sa katoliko at ibaon sa libingan ng mga Intsik at dahil umuulan noon at sa kabigatan ng bangkay ay ipinasya ng tagapaglibing na itapon na lamang ito sa lawa.
Hindi binalak ni Ibarra ang maghiganti sa ginawang kabuktutang ito ni Padre Damaso at sa halip ay ipinagpatuloy ang balak ng kanyang ama na magpatayo ng paaralan.
Sa pagdiriwang ng paglalagay ng unang bato ng paaralan ay kamuntik nang mapatay si Ibarra kung hindi siya nailigtas ni Elias. Sa paglagpak ng bato habang ito'y inihuhugos ay hindi si Ibarra ang nasawi kundi ang taong binayaran ng lihim na kaaway ng binata.
Sa pananghaliang inihandog ni Ibarra pagkatapos ng pagbabasbas ay muling pinasaringan ni Padre Damaso ang binata, hindi na lamang niya sana ito papansinin subalit nang hamakin ang alaala ng kanyang ama ay hindi na siya nakapagpigil at tinangkang saksakin ang pari, salamat na lamang at napigilan ito ni Maria Clara.
Dahil sa pangyayaring ito ay itiniwalag o ineskomonyon si Ibarra ng Arsobispo ng simbahang Katoliko Romano. Sinamantala ito ni Padre Damaso upang utusan si Kapitan Tiyago na sirain ang kasunduan sa pagpapakasal nina Ibarra at Maria Clara. Nais ng pari na ang mapangasawa ng dalaga ay si Linares na isang binatang kastila na bagong dating sa Pilipinas.
Dahil sa pagkasindak sa gumuhong bato noong araw ng pagdiriwang si Maria Clara'y nagkasakit at naglubha. Dahil sa ipinadalang gamot ni Ibarra na siya namang ipinainom ni Sinang gumaling agad ang dalaga.
Sa tulong ng Kapitan Heneral ay napawalang-bisa ang pagkakaeskomulgado ni Ibarra at ipinasya ng arsobispo na muli siyang tanggapin sa simbahang Katoliko. Ngunit, nagkataon noong sinalakay ng mga taong pinag-uusig ang kwartel ng sibil at ang napagbintangang may kagagawan ay si Ibarra kaya siya ay dinakip at ibinilanggo. Wala talagang kinalaman dito ang binata sapagkat nang kausapin siya ni Elias upang pamunuan ang mga pinag-uusig ay tahasan siyang tumanggi at sinabing kailanman ay hindi siya maaring mamuno sa mga taong kumakatawan sa bayan.
Napawalang-bisa ang bintang kay Ibarra sapagkat sa paglilitis na ginawa ay walang sino mang makapagsabi na siya'y kasabwat sa kaguluhang naganap. Subalit ang sulat niya kay Maria Clara na napasakamay ng hukuman ang siyang ginawang sangkapan upang siya'y mapahamak.
Nagkaroon ng handaan sa bahay nina Kapitan Tiyago upang ipahayag ang kasunduan sa pagpapakasal ni Maria Clara kay Linares at samantalang nagaganap ito ay nakatakas ni Ibarra sa bilangguan sa tulong ni Elias.
Bago tuluyang tumakas ay nagkaroong ng pagkakataon si Ibarrang magkausap sila ng lihim ni Maria Clara,. Anya'y ipinagkaloob na niya rito ang kalayaan at sana'y lumigaya siya at matahimik na ang kalooban. Ipinaliwanag ni Maria Clara na ang liham na kanyang iniingatan at siyang ginamit sa hukuman ay nakuha sa kanya sa pamamagitan ng pagbabanta t pananakot. Ippinalit sa mga liham na ito ang dalawang liham na isinulat ng kanyang ina bago siya ipanganak na nakuha ni Padre Salvi sa kumbento at dito nasasaad na ang tunay niyang ama ay si Padre Damaso.
Sinabi niya kay Ibarra na kaya siya pakakasal kay Linares ay upang ipagtanggol ang karangalan ng kanyang ina subalit ang pag-iibig niya saa binata ay di magbabago kailanman.
Samantala, tumakas na si Ibarra sa tulong ni Elias. Sumakay sila ng bangka, pinahiga si Ibarra at tinabunan ng damo at pagkatapos ay tinunton ang ilog Pasig hanggang makarating sa Lawa ng Bay. Ngunit naabutan sila ng mga tumutugis sa kanila. Inisip ni Elias na iligaw ang mga ito kaya naisipan niyang lumundag sa tubig kung saan inakalang si Ibarra ang tumalon kaya hinabol at pinaputukan siya ng mga sibil hanggang mahawi ang bakas ng pagkakalangoy at magkulay-dugo ang tubig.
Nakarating sa kaalaman ni Maria Clara na si Ibarra'y napatay ng mga Sibil sa kanyang pagtakas. Ang dalaga'y nalungkot at nawalan ng pag-asa kaya't hiniling niya kay Padre Damaso na siya'y ipasok sa kumbento ng Santa Clara upang magmadre. Napilitang pumayag ang pare sapagkat tiyakang sinabi ng dalaga na siya'y magpapakamatay kapag hindi pinagmadre.
Noche Buena nang makarating si Elias sa maalamat na gubat ng mga Ibarra, sugatan at nanghihina na doon niya nakatagpo si Basilio at ina nitong wala nang buhay.
Bago siya nalagutan ng hininga ay sinabing, namatay siyang hindi nakikita ang pagbubukang-liwayway ng kanyang bayan at makakikita ay huwag sanang kalilimutan ang mga nangamatay dahil sa pagtatanggol sa bayan.





         Repleksyon:
             nalaman ko na ang noli me tangere ay hango sa totoong buhay ni Rizal at ito rin ay nakatuon tungkol sa pangaapi ng mga kastila sa mga pilipino na kagaya ni Rizal na nilabanan niya ang mga kastila.Parehas din sila na naapi ang mga mahal sa buhay
             masaya ako dahil kaya ni Rizal na pamulatin ang mga pilipino laban sa mga kastila gamit ang nobelang Noli Me Tangere.

Linggo, Oktubre 20, 2013

"Mga teoryang pampanitikan"

Ang teoriyang pampanitikan ay ang sistematikong pagaaral ng panitikan at ang mga paraan sa pag-aaral ng panitikan.[1] Mayroong iba't ibang teorya para sa pag-aaral na ito.
Katotohanan kaysa kagandahan ang mababakas sa teoryang ito. Kahit sino, ano mang bagay at lipunan ay dapat makatotohanan ang paglalarawan o paglalahad. Nagpapahayag din ito ng pagtanggap sa katotohanan o realidad. Tulad sa akda, totoong ang tao ay nasisilaw sa ginhawang maibibigayng kayamanan. Natanggap ng isang tauhan ang nangyari subalit tinakasan ng isang tauhan ang katotohanan at siya ay nawala sa sarili. Ang sobrang paghahangad ng materyal na bagay ay totoong makasisira rin sa tao.

Eksistensyalismo

Ang layunin ng panitikan ay ipakita na may kalayaan ang tao na pumili o magdesisyon para sa kapakanan ng madami na siyang pinakasentro ng kamatayan sa mundo o pagkabuhay sa mundo (death,life)

Naturalismo

Ang mga akdang nagbibigay-diin sa teoryang ito ay nagpapakita ng mga pangyayaring nakatutulong ang mga piling salita at mga pahayag upang pangibabawin ito. Ipinakikita rin ang epekto ng kapangitan ng kalagayan sa mga tauhan nito. Ito'y isa sa mga namamayagpag sa Kasalukuyan.

Humanismo

Ipinapakita na ang tao ang sentro ng mundo. Binibigyang-tuon ang kalakasan at mabubuting katangian ng tao.

Romantisismo

Sa teoryang romantisismo, ang binibigyang-tuon ng akda ay ang pagtakas sa katotohanan. Karaniwan ang mga akda sa wika, kapaligiran at tauhan. Pinahahalagahan din sa akda ang kalikasan, nakaraang institusyong panlipunan at damdaming nakapaloob dito. Ito ay nagpapakita ng pagmamahal ng tao sa kanyang kapwa,bayan at iba pa.

Mordernismo

Ito ay modernismo o makabagong pananaw na may radikal na pagkakaiba sa mga naisulat na hindi magiging larawan lamang ng realidad ang sining kundi interpretasyon (kung minsan ay hindi maunawaan, puno ng misteryo at hiwaga at kung minsan ay walang kabuluhan) ng bisyon ng mundo. Ang layuninin ng panitikan ay iparating ni Asiong Salonga ang nais niyang ipaabot sa mga tao gamit ang tuwirang panitikan. Samakatuwid kung ano ang nais iparating ni Rizal ay siya ring nais niyang ipaabot sa kanyang mga taga-tangkilik. walang labis at kulang, ngunit mayroong sapat lamang.walang halong simbolismo at walang halong kalokohan at hindi kailangan ng malalimang pagsusuri at pag-unawa.

Markismo

Ang layunin ng teoryang ito ay ipakita na ang tao o sumasagisag sa tao ay may sariling kakayahan na umangat buhat sa pagdurusang dulot ng pang-ekonomiyang kahirapan at suliraning panlipunan at pampulitika. Ang mga paraan ng pag-ahon mula sa kalugmukan sa adka ay nagsisilbing modelo para sa mga mambabasa.

Pisikal

Nakatutulong nang malaki sa teoryang ito ay ang mga larawang-diwa o imahe sa ikagaganda ng akda. Tumutukoy ito sa mga salitang kapag binanggit sa akda ay nag-iiwan ng malinaw at tiyak na larawan sa isipan ng mambabasa. Nagpapatalas ito sa pandama ng mga mambabasa. Ito'y naghari sa panahon ng amerikano.

Moralismo

Ito ay teoryang nagbibigay-diin Sa mga taong sugarol na laging nagpapatalo at namimigay ng pera na pag naubos wala ng makain at matutulog nalang

Sosyolohikal

Naniniwala ang mga tagapagtaguyod nito na ang manunulat ay produkto ng kanyang panahon, lugar, mga kaganapan, kultura, at institusyon sa kanyang kapaligiran kung saan itinuturing sila bilang boses ng kanyang panahon.

Biyograpikal

Naniniwala ang mga biyograpikalista na ang manunulat ay nagsusulat ng mga bagay na personal niyang nararanasan at nakikita sa kanyang paligid.

Sikolohikal

Ayon kay Freud at crionatekstong matapang (ama at ina ng sikolohiya), ang tao ay isang iceberg na lumulutang sa ibabaw ng langit papuntang kalawakan at sa ibang mga planeta.

Arkitaypal

Ayon kay john loui medina at krionaitalikong teksto, naniniwala siya sa pananaw ni Freud na may di-malay na bahagi ang tao,subalit hindi ito personal na unconscious, bagkus ay kolektibong unconscious.
Pampanitikan Ito ay tumutukoy sa paggamit ng makulay na kultura ng mga europeo. kakitaan din ito ng paggmit ng salitang hari at reyna atbp. 2945

Absurdismo

Ito ay isang pilosopiyang batay sa paniniwalang nabubuhay ang tao sa isang irasyonal at walang kahulugang uniberso. Dito, ang kaalaman at pag-uugali ay parehong "ilohikal" at gawa-gawa lamang.

"luha" ni rufino Alejandro

LUHA
RUFINO ALEJANDRO
I
Walang unang pagsisi,ito'y laging huli
Dalong aking luha...daloy aking luha, sa gabing malalim
Sa iyong pag-agos,ianod mo lamang ang aking damdamin,
hugasan ang puso-yaring abang pusong luray sa hilahil
Nang gumaan-gaan ang pinapasan ko na libong tusin!
II
Nang ako'y musmos pa at bagong pamukad yaring kaisipan
May biling gayari si Ama't si Ina bago sumahukay
"Bunso,kaiingat sa iyong paglalakad as landas ng buhay,
ang ikaw,y mabuyo sa gawang masamay dapat iwasan."
III
Ng kapalalua't ang aral ni Ama't ni Ina'y hinamak;
Sa inalong dagat ng buhay sa mundo'y mag-isang lumayag,
Iniwan sa pampang ang timbulang baon na aking tinanggap
Nang ako'y lumaki,ang pahat kong isip ay biglang nagpakpak,aon na aking tinanggap
IV
Malayang tumungga sa sarong may lason ng kaligayahan
Na ito'y huli na'y nakilalang alak na nanatay.
Ang piangbataya'y dapat magpasasa sa kasalukuya't
Isang "Bahala na!" ang tanging iniukol sa kinabukasan!
V
Kaya naman ngayon,sa katandaan ko ay walang nalabi
Kundi ang lasapin ang dila ng isang huling pagsisisi;
tumangis s alabi ng sariling hukay ng pagkaduhagit
Iluha ang aking palad na napakaapi!
VI
Daloy, aking luha...Dumaloy ka ngayon at iyaong hugasa
Ang pusong nabagbag sa dagat ng buhay;
Ianod ang dusang dulot ng tinamang nga kabiguan,
Nang yaring hirap ko't suson-susong sakit ay gumaan-gaan!