Enero 28,2014
Mahal kong talaaarawan,
Ngayon ay martes,maagang umalis ng bahay.Sa oras ng Chemistry ay bagong talakayan tungkol sa "solution" na inulat ni Bedeo.Sa oras naman ng Values nagkaroon ng pangkatan at masasabi kung masaya ito kasi ang aming misyon ay paunahan mabuo ang "puzzle"at pagnabuo iyun malalaman mo ang susunod na "lesson" saka paunahan isulat ng isang kagrupo sa pisara kung sino ang mauna mataas ang markang makukuha,kaya nagkagulo at nagkahiyawan.Sa oras ng A.P ipinagpatuloy lang namin ang dating talakayan na tungkol sa "Neokolonyalismo".
Sa oras ng Filipino ay nagbalik aral kami sa akdang "Ang Himala" pagkatapos ay ikinuwento na lamang ni Ma'am ang ibang pangyayari sa akda.Saka nagkaroon ng pangkatan.Nang oras na ng uwian,umuwi na agad ako kasama ang BFF ko si best flores.Marami kaming napagkuwentuhan habang naglalakad tulad ng "lovelife" niya !!!!!echos lang po yun.Nang nasa bahay na naabutan ko si mama na nanunuod ng palabas at ito ay "machine girl"pero hindi ako nanuod ehh. Hanggang diyan lang po muna ako para sa araw na ito hanggang sa uulitin!!salamat sa pagbabasa"
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento