Enero 05,2014
Mahal kong talaarawan,
Ngayon ako ay nag ayus nang mga gamit ko para sa darating na pasukan para handa na ito bukas.Huling araw nang bakasyon bukas simula na ng pag-aaral sa taong ito.Nasa isip ko sa mga oras na ito na kung may pinagbago ba ang aking mga kakalase o wala?,Hindi na ba magiingay ang mga ito?yan mga tanung sa aking isipan.Sabi nila sa unang araw nang pasok sa eskwela sa bagong taon dapat ikaw ay maaga para sa buong taon ikaw ay hindi mahahuli o palaging maaga na kung pumasok,iwan ko lang kong
totoo.
Nasasabik na ako na makasama ang aking mga kamag-aral at sabik na din akong makinig nang mga bagong ituturo sa bawat asignatura hindi na ako makapaghintay para bukas.At sa wakas magagamit ko na ang bagong bili kong sapatos pang eskwela.Ohh diba !!!.Maraming salamat sa pagbasa.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento