Huwebes, Enero 16, 2014

Martes!!!!!! Mama o Papa?

Enero 14,2014

Mahal kong talaarawan,
                         Ngayon ay martes,bagong markahan na at ito na ang huli kun baga sa "show" ay "the finally" na markahan,(dami alam)basta yun.Nang magsimula na ang klase nagkaroon na nang bagong talakayan sa bawat asignatura tulad nang chemistry tungkol na sa " Law of gases",sa Mapeh naman mga sayaw ,syempre hindi papahuli ang Filipino na may bagong akda na tinalakay ito ang "Pamana".Nang oras nang Filipino pinagaralan namin ang akdang "Pamana" na tumutukoy sa isang batang lubos na nagmamahal sa kanyang magulang.
                        Nang ako'y makauwi na nang bahay naabutan ko si mama na natutulog siguro pagod siya kaya nakaiglip.Habang nagbibihis ako pumasok sa isip ko yun tinalakay namin na akda sa Filipino sabay naisip ko yun tinanung nang aming guro na sino yung mas hindi ka malulungkot pag nawala? mama o papa ?Para sa akin sa mama kasi simula't simula si mama na ang kasama ko at napagsasabihan ko kung baga parang "bestfriend"lo na si mama kaysa kay papa na palaging abala sa trabaho pero naiintindihan ko naman si papa ehh!!!ganun lang siguro talaga .
                         Pero parehong mama at papa ang ayaw kong mawala sa akin,iwan ko basta mahal ko kasi sila ganyan din ang saloobin nang bata sa akda kahit anu kaya niyang ipagpalit para sa kanyang ina.Kaya mahalin ninyo ang inyong mga magulang habang hindi pa huli ang lahat.
                       

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento