Enero 26,2014
Mahal kong talaarawan,
Ngayon ay lingo,syempre araw ng pahinga at araw ng panginuon.Pero hindi ako nakapunta ng simbahan ang dami kasing ginawa sa bahay at wala pa si mama.Sa araw na ito napapabalita sa buong pilipinas ang nangyari sa aktor na si Vhong Navarro masasabi kong nakakaawa si Vhong at grabe ang ginawa sa kanya.Sa halos lahat ng balita sa ibat-ibang chanel siya ang laman nito.Grabe na talaga ang mga krimen sa mga panahon na ito walang sinu-sino kahit mayaman o mahirap,mapa artista ka man o simpling tao lang.Yung kapatid ko ngang babae hindi maubusan ng kuwento tungkol kay Vhong.
Maya-maya ay dumating na ang mama ko may dalang pasalubong syempre "mansanas" paborito ehh!!!.Saka kumain na din kami ng tanghalian,pagkatapos ako'y naghugas na ng mga pinagkainan.Ilang saglit ay dumating ang aking tita galing sa trabaho yun naisipan niyang pumunta ng SM at niyaya niya ako hindi naman ako sumama kasi masama ang pakiramdam ko kaya ang kapatid ko na babae ang sinama niya.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento