Sabado, Nobyembre 30, 2013

WALA ANG AMING GURO!!!!!!!!!!

Nobyembre  29,2013

Mahal kong talaarawan,
              Wala ang aming  guro ngayong araw  kaya ang nagturo sa amin ay si G.Raul Mixto.Kami ay muling nagbalik-aral tungkol sa Dulang Pangsuliranin.Tinanung din kami kung ano ang mga kobtrobersyal na isyu sa akda.Pagkatapos nagkaroon kami ng gawain ito ay pagsulat.

Dulang Pangsuliranin!!!!!!

Nobyembre 28,2013


Mahal kong talaarawan,
                  Ngayon kami ay nagbalik-aral sa mga pinagaralan kahapon.Pagkatapos tinalakay namin kung anung uri ng dula  ang Sinag sa Karimlan at ito ay Dulang Pangsuliranin na kung saan ito'y tumatalakay sa mga isyung kontrobersyal na nangyayari sa totoong buhay.Ginamit namin ang pananaw na Sosyolohikal para mas maunawaan ang uri ng dulang ito.Pagkatapos kami ay nagkaroon nang pangkatang gawain.

Miyerkules, Nobyembre 27, 2013

Masayang Pangkatan!!!!!!!!!

Nobyembre  27, 2013

Mahal kong talaarawan,
                 Bago magsimula nagtanong muna ang aming guro kung ano ang ginawa namin kahapon at marami naman po ang sumagot.Ngayong araw nagkaroon kami  ng pangkatang gawain ang bawat pangkat ay naatasan  na suriin ang mga pangungusap na nasa pisara.Nagawa naming ng maayos ang aming paguulat pagkatapos ang huling pangkat na nag tanghal ay kakaiba sa lahat dahil isinadula nila ang kanilang paguul

Antas ng Wika ay Mahalaga!!!!!!!!!!

Nobyembre 26,213


Mahal kong talaarawan,
                    Ngayon ay binalaikan namin ang dulang  sinag sa karimlan na nangangahulugang "pag-asa o liwanag sa dilim".Nagbalik aral tungkol sa kwento at mga mahahlagang pangyayari sa dula.Pagkatapos inulat ng bawat pangkat ang naudlot na paguulat,pagkatapos nagkaroon ng pangkatang gawain ulit at dito ay kailangan alamin ang mga lugar na pinagmulan ng mag tauhan sa dula.Pagkatapos pinaliwanag nang aming guro ang iba't-ibang antas ng wik at kung ano ang kahalagahan nito at ang sabi ng aming guro ito ay mahalaga upang malaman mo kong anung antas ng wika ang dapat mong gamitin.

Martes, Nobyembre 26, 2013

Alamin!

Nobyembre 25, 2013


Mahal kong talaarawan,
                    Ngayon nagsimulka ang aming talakayan sa pagtatanung ng aming guro,ang tanung niya ay ano ba ang pumapasok sa aming isipan pag narinig ang salitang bilanggo.Ipinaliwanag ng aming guro ang iba't abnang kahulugan ng bilanggo.Pagkatapos po tinanong naman kami ng aming guro kung ano ang kahulugan ng Sinag sa karimlan marami sa amin ang nagsisagot.Pagkatapos iniulat na ng pangkat isa ang dulang ito.Medyo hindi nagustuhan ng aming guro ang kanilang presentasyon marahil nais ng aming guro na ito ay isa dula para mas makatutuhanan.

"Sinag sa Karimlan"

Maraming sanhi ang isinasama ng isang tao. Kung minsa’y dala ng kapaligiran o
impluwensiya ng barkada. Sa ating dula, tuklasin kung bakit naligaw ng landas si Tony. Paano siya
muling nakabalik sa matuwid?)
MGA TAUHAN :
Tony ……………….. Binatang bilanggo
Luis ……………….. Ang kanyang ama
Erman ………………..)
Doming …………….. ) Mga kapwa bilanggo
Bok ………………. )
Padre Abena …………Isang pari ng bilibid
Miss Reyes …………. Isang Nars
Isang Tanod
PANAHON: Kasalukuyan
TAGPUAN: Isang panig ng pagamutan ng Pambansang Bilangguan sa Muntinlupa.
ORAS : Umaga
PROLOGO : Pambansang Bilangguan sa Muntinlupa: Wakas at Simula …
Moog ng katarungan … Sagisag ng Demokrasya … Salaming pambudhi … Palihan ng puso’t diwa…
Waterloo ng kasamaan… Hamon sa pagbabagong buhay …
May mga maikling gayung dapat hubdan ng mascara at sa sinapupunan nito kailangang
iwasto ay hayu’t talinghagang mamamayagpag at umiiring sa batas. Sa isang dako’y may mga
walang malay na dahil sa kasamaang-palad, kahinaan, o likas na mapagsapalaran ay dito
humahantong; dito rin sinisikatan o nilulubugan ng Katotohanan at Katarungan…
Marami nang lubha ang mga pumasok at lumabas dito. Walang makapagsasabi kung gaano
pa karami ang tatanggap ng kanyang tatak…
May sala o wala, ang bawat pumasok dito ay kabuuan ng isang marikit at makulay na
kasaysayan…

PAGBUBUKAS ng tabing ay mabubungad ang isang bahay ng pagamutan ng Pambansang
Bilangguan sa Muntinlupa. May anim na teheras ang makikita rito. Ang dalawang nasa magkabilang
gilid ay bakante. Sa dalawang nasa gawing kanan ay magkaagapay si Tony (19 na taon) at si Bok
(29); sa gawing kaliwa naman ay naroroon si Mang Erman (45) at si Doming (30). May munting
durungawang nahahadlangan ng mga rehas na bakal na makikita sa gawing likod, kalagitnaan. Hubad
ang natutulog na si Tony. May bakas ng dugo ang mga bendang nasa kanyang tiyan at kaliwang bisig
. May black eye rin siya. Si Bok ang bilanggong labas-masok sa Bilibid, ay nakakulubong – may
trangkaso siya. Si Mang Erman, na may apat na araw nang naooperahan ng almoranas, ay gising at
waring nag-iisip. Naka-plaster cast naman ang isang paa ni Doming … Paminsan- minsa’y maririnig
ang malakas ng paghilik ni Bok .
Doming: (Bibiling sa higaan, iiangat ang ulo, at tatanungin si Bok) tipaningmayap, lakas
namang mag-ilik ni Bok.
Ernan: (Mangingiti) Pasensiya ka na Doming.
Doming: Kelan pa kaya lalabas dito ‘yan, a Mang Ernan? Traga malas hang. BABAYING . Ba,
sino ‘yan? …. (Ingunguso si Tony.)
Ernan: Ewan, Hatinggabi kagabi nang ipasok ‘yan dito. Kawawa naman. Dugu-dugun siya.
Doming: OXO seguro ‘yan. O kaya Sigue-Sigue. Nagbakbakan naman seguro. (Mamasdang
mabuti si Tony.) Mukhang bata pa.
Ernan: At may hitsura, ang sabihin mo.(Mapapalakas ang hilik ni Bok.)
Doming : Tipaning – parang kombo! (Matatawa si Mang Ernan.)
Bok: (Biglang mag-aalis ng kulubong; pasigaw) Saylens! Magapatulog man kayo!
Yawa….
Ernan: Si Bok naman. Konting lamig, ‘bigan.
Doming: Hisi lang, Tsokaran.
Bok: Tuluyan nang babangon: matapos mag-inat at maghikab ay susulyapan ang katabi)
Nagapuyat ako kagab-i. Galaking sugat n’ya.(Titingnan ni Tony.) (Kikilos sa
pagkakahiga at mapapahalinghing si Tony.)
Doming: Kilala mo siya, Bok?
Bok: (Sabay iling) De-hin. Kung ibig yo gigis-
Doming : Ba, ‘wag!, Makikitang kikilos si Tony.) O, ayan, gising na.
Tony: (Matapos huminga ng paimpit na waring ayaw ipahalata ang
nararamdamang sakit) M-ma—gandang umaga senyo…
Ernan: Gayundin sa ‘yo. Este, ano nga’ng - ?
Tony: (Mauupo; mahahalatang nagpipigil pa rin sa sakit) Tony ho’ng pangalan ko. Tekayo!
Kayo si Ginoong Ernani Alba, di ho ba?
Ernan : Ako nga.
Tony : Nababasa ko’ng inyong mga akda. Hanga ako senyo!
Ernan: Salamat, Tony.
Bok: (May pagmamalaki) ako gid, de-hin mo kilala? Di wan en only Bok –
alyas Thompson Junior. Big bos ng Batsi Gang. Marai padrino. Yeba!… (Mangingiti
ng makahulugan ang lahat.)
Tony: Haharapin si Doming; malumanay) Kayo?
Doming: Doming hang palayaw ko. Walang h-alyas .
Bok : (Kay Tony) OXO? … Sigue – Sigue? … Bahala na? … Pawang iling ang itutugon ni
Tony.) Beri-gud Ginsama ka a ‘ming Batsi Gang, ha?
Tony: Salamat, Bok. Pero sawa na ‘ko sa mga gang, sa mga barkada. Dahil sa barkada’y –
heto, magdadalawang taon na ‘ko dito sa Big House.
Ernan : Mukhang makulay ang … Pewede ba Toning kahit pahapyaw ay ibida mo sa ‘min
ang iyong buhay?
Bok : (Bago makapangusap si Tony) Holdi’t,Tony boy! … Ba’t nagalaslas ang imong tiyan,
ber? At… teribol yang blakay mo. Yawa.
Doming: (Mapapansin ang pangagasim ng mukha ni Tony) Makakaya mo ba, Tony?
Tony: (Tatango muna bago umayos ng upo) Pumuga sina Silver Boy kagabi. Nang hindi ako
sumama’y sinuntok ako. Mabuti kanyo’t nailagan ko’ng saksak dito (sabay turo sa
kaliwang dibdib), kundi’y … nasirang Tony na ‘ko ngayon. Pero ang di nailaga’y
yung sakyod ni Pingas … Nagpatay-patayan lang ako kaya … Aruy!
Ernan: Sa narinig kong usapan ng nars at tanod kagabi ay tatlo ang napatay. Tila lima ang
patawirin. Ang iba’y nahuli. (Sa sarili) A, kalayaan, sa ngalan mo’y kay rumaming
humahamak sa kamatayan ! Kay Tony ) mabuti’t tumanggi ka, Tony, kundi’y … ‘tay
kung masakit ‘yan ay saka na.
Tony : Huwag kayong mag-alala, kaya ko ito … (Hihinga muna nang mahaba.) Mula nang
madala ko rito, e nag-iba na’ng takbong … Naisip kong walang ibubungang mabuti
ang kasamaan … Malaki’ng utang na loob ko ke Padre Abena … sa aking pagbabago
… Totoo nga naman, walang utang na hindi pinagbabayaran …. Me parusa sa bawat
kasalanan!
Ernan : (May paghanga) May sinasabi ka, Tony!
Bok: (Ngingiti – ngiti habang nakikinig sa pahayag ni Tony; sa himig nagmamagaling) No
dais, Tony, kun sila malalaki naganakaw milyun – milyun, ba. Sigi lang, ‘adre. Basta
mi lagay. Basta mi padrino!
Tony : Me relihiyon ka ba, Bok?
Bok: (Tatawa habang sumasagot; pauyam) Reliyun? Wala kwenta ‘yan. Hm, dami, dami
nagasimba, pero ginluluko sa kapwa. Dami gadasal, pero gin-nakaw, gin-ismagel,
yawa.
Doming : Mabuti pay ‘way na tayo maghusap tungkol sa relihiyon.
Ernan : May katwiran si Doming. Ang paksang relihiyon ay masyadong kontrobersyal. Paris
ng iba’t ibang ismo, kaya … di dapat pagtalunan.
Tony: Pero, Mang Erman, ba’t tayo matatakot magtalo? Kung walang pagtatalo, walang
pagkakaunawaan. Kung walang pagkakaunawaan, walang pagkakaisa. Ang mga taong
di nagkakaisa’y pirming nag-aaway.
Ernan : Tama ‘yan. Ngunit ang pagtatalo’y dapat lamang sa taong malaki ang puso; hindi sa
mga maliit ang pinagkukunan. Pero … pinahahanga mo ako, Tony! Nag-aaral ka ba ng
batas? Ba, may kakaibang tilamsik ang iyong diwa.
Tony: Elementarya lamang ho ang natapos ko.
Doming: Kasi nga naman hasa mo habugado ka kung magsalita.
Bok: Ber, ber, mga pare! ‘Yung istorya ni Tony!
Tony: Iimbitahin kita , Bok, isang araw, sa klase naming nila Padre Abena. Marami kang
mapupulot doon. At pakikinabangan. Tiyak.
Bok: No ken du! Kun naytklab pa, olditaym!
Tony: (Matapos makitang handa na ang lahat sa pakikinig sa kanya) Buweno…Ako’y buhay
sa ‘sang karaniwang pamilya sa Tundo. Empleyado si Tatay. Guwapo siya. Pero
malakas uminom ng tuba. At mahilig sa karera. Napakabait ng Nanay ko. Kahit
kulang ang iniintregang sahod ni Tatay e di siya nagagalit, paris ng iba. Sang araw e
nadiskubre ni Nanay ang lihim ng Tatay ko; meron siyang kerida . Natural, nag-away
sila … Umalis si Tatay . Iniwan kami. Awa naman ng Diyos e natapos ko rin ang
elementarya. Balediktoryan ako…
Bok: (Sisingit) Balediktoryan? Siga ka. Yeba!
Tony : (Magpapatuloy matapos ngitian si Bok) Namatay ang solo kong kapatid na babae.
Malubha si Nanay. Naospital siya… Naghahanapbuhay naman ako. Pero, kulang din,
kasi mahal ang lahat … Nakakahiya pero … dahil sa barkada’y natuto akong
mandukot , mang – agaw, magsugal. Naglabas-masok ako sa Welfareville … Inilipat
ako dito pagkatapos … Santaon na lang ang natitira sa senten’ya ko… A, ang tatay ko
ang may sala ng lahat! … Mabuti nama’t idinistino ako ni Direktor sa ‘ting library.
Nakapagbabasa ako roon. Mahilig akong magbasa ng –
Ernan : Magaling. Ang pagbabasa’y nakapagpapayaman ng isip. Sabi nga ni Bacon ay
“Nakalilikha ng tunay na lalaki ang pagbabasa…”
Tony: Mahilig din ho akong magsulat.
Doming : Teka muna, Tony! Hanong nangyari sa Tatay mo?
Tony : Mula nang umalis siya’y di na namin nakita. O nabalitaan kaya. Kinamuhian ko
siya nang labis.
Ernan : Huwag naman. Hindi tama ‘yan. Ang ama ay ama kailanman.
Doming : Kung magkita kayo, hanong gagawin mo?
Tony: Ayoko na siyang makita pa!
Bok: Gaisip ko reliyuso ka. Ba’t ngani…?
Tony: Di ba maliwanag? Si Tatay ang nagwasak ng aming tahanan. Siya’ng dahilan ng
pagkaospital ni Nanay. Ng pagkamatay ng aking kapatid… Ng aking pagkakaganito!
Ernan: Kung sabagay ay madaling sabihing “lumimot at magpatawad.” Subalit may
kahirapan itong isagawa. Gayunmay’y walang hindi napag-aaralan, kung talagang
ibig. Ako? Di ninyo naitatanong ay nagawa ko ring patawarin ang mga naghangad ng
aking pagbagsak.
Tony: Malaki ang inyong puso, Mang Ernan! Ma-malawak ang saklaw ng inyong puso.
Mang Ernan! Ma-malawak ang saklaw ng iyong tingin. Pambihira kayo.
Ernan: Salamat, iho. Ngunit alam mo bang ang pinakamabigat kong kasawian ay ang dipagkakaroon
ng anak?
Tony : Biyudo kayo?
Ernan: Hindi, buhay ang aking asawa. Mabait siya. Maunawain. Mapagmahal.
Mapagkakatiwalaan. Pero ang mag-asawang walang anak (Magbubuntunghininga) …
napaka … hindi ganap ang kanilang kaligayahan.
Doming: Hilang taon na kayo, Mang Herman?
Ernan: K’warenta’y singko na.
Bok: Tsiken pid! Ang akin lolo, sisenta na, gaaanak pa (Maikling tawanan.)
Tony : Ga’no na kayo katagal dito, tabi ? …
Ernan : Nakakaisang taon na ako. May isa pa. Alam n’yoy kuwestiyon de prinsipyo ang
ipinasok ko rito. Binayaran ko lang yung multa. – na sabi nga ni Bok ay tsiken pid
lang – ay ligtas na ‘ko sa pagkakabilanggo.
Tony : E bat naman kayo namultahan?
Ernan : Kakaiba ang aking pagkamakabayan. Isang araw ay sinunog ng isang kapisanang
pinangungunahan ko ang maraming aklat na imoral, mga aklat kasaysayang mali-mali
ang mga ulat, mga nobela, komiks at magasin at iba pa na nakaw lang sa iba ang
nilalaman… Nahabla kami. At namultahan ng hukuman. Dahil nga sa prinsipyo’y
inibig ko pang pabilanggo. Malaya naman akong nakapagsusulat dito, kung sabagay.
Tony : Maaari ho bang paturo senyo ng pagsulat? Kay dami kung ibig sulatin kasi, e.
Ernan : Tulad ng isang beteranong mag-aalahas, agad kong nakikilala ang batong may mataas
na uri … Ituturing kitang parang tunay na anak … Mapapamahal ka rin sa king mabait
na maybahay… Meron din kaming ilang ari-arian … pag-aaralin ka namin.
Tony: Ke buti n’yo! . . . Me pangako rin si Padre Abena. Pag – aaralin din daw ako. Pero…
nakakahiya na atang pumasok sa klase. Baka tawanan.
Ernan: Ang karunungan, iho, ay walang kinikilalang edad. Ang totoo’y walang katapusan
itong pag-aaral ng buhay ng tao.
Tony: Ganyan din ho ang sabi ni Padre Abena, Mang Ernan.
Ernan: Ang dunong ay yaman, ikaw, hagdan, kapangyarihan. Walang marunong na
nagkakaanak ng alipin.
Tony: Wala rin kuwenta ang masyadong marunong. Paris ni Rizal, binaril –
Ernan: Iba ang kanyang panahon, iho. Pasalamat tayo’t dahil sa kanyang pambihirang
katalinuhan ay nabago ang takbo ng ating kasaysayan … Kailangan natin ang
marunong na lider, Tony. Yaong taong matalino na’y makabayan pa. Hindi gahaman
sa salapi’t karangalan. Hindi mapagsamantala yaong walang colonial mentality.
Bok: Kalunyal mantiliti? Anu ‘yun?
Ernan : Diwang alipin, Bok. Pamamanginoon sa mga dayuhan. Walang sariling paninindigan.
Wal- (Kagyat na matitigil dahil sa naririnig na takatak ng sapatos.) Bantay!…
(Habang dumaraan ang may edad nang tanod ay walang imik sa magkakasama.)
Bok: (Pagkatalikod ng tanod) Pwee, dedoso pang bu-ang! Gaisip seguro magatakas tayo.
Yawa. (Tawanan) Pano ngani? … Mi trangkaso … Lumpo (Titingnan si Doming) …
Almoranas (Susulyapan si Mang Ernan) . . . Galaslas ang tiyan? Ingungususo si Tony.
Tawanan na naman.)
Tony: Maiba ‘ko, Mag Ernan. Ba’t kayo naospital?
Ernan: Hindi naman.
Doming: Sang tanong, Mang Ernan. Nagagawa bang makata?
Ernan: Isinisilang sila, Doming …. Maalala ko nga pala! Di ba’t ikaw Tony ang tumula nang
dumalaw itong minsan ang Presidente?
Tony: Ako nga ho.
Ernan: Ang binigkas mong tula’y –
Tony: Pilipinas, ke gandang tula. Alam kong kayo’ng gumawa niyon.
Ernan: Ibig kong malaman mo na ang tulang iyo’y kasama sa lalabas kong aklat ng mga
piling tula… kabilang na roon ang mga sinulat ko rito.
Doming: Hanong pamagat?
Ernan: Sinag Sa Karimlan.
Tony: Sinag sa Karimlan? Wow, gandang pamagat! Bagay na bagay sa saaa … atin dito!
Kelangan ng mga nasa dilim ang sinag. Ang liwanag!
Ernan: Walang taong hindi nalalambungan ng dilim. Lubhang makapangyarihan ang
karimlan! Subali… naitataboy ang dilim!
Tony: Sana’y mabasa ko ‘yon!…
Ernan: Bibigyan kita ng sipi. At marami pang iba.
Bok: (Nakahahalataan ng pagkabagot kapag pangkaisipan na ang paksa) Ber, ber, Doming!
Gin istorya mo naman pare…. (Titingnan at tataguan ng iba si Doming, bilang pagayon
sa pahiwatig ni BOK)
Doming: Ako’y ahente ng seguro. Malakas ang aking komisyon. Sang haraw, buat sa hisang
prubins’ya hay muwi ako dail sa bagyo. Magugulat pero matutuwa ning asawa o,
sabi ko. Sa kusina hako nagdaan. Pero hanong nakita ko? Sus, hang asawa ko’t
matalik na kebigan hay… Uling-uli ko sila . Nagdilim hang aking tingin … Binaril
ko’ng traydor nang tumalon sa bintana… Napatay ko siya. (Mapapasandal sa
dingding pagkatapos).
Tony: At nabilanggo ka dahil doon? Bakit ganon?
Doming: Hewan ko nga ba. (Magbububuntunghininga)
Ernan: Nakikiramay kami sa ‘yo, Doming …. Alam mo Tony, ang bilangguan ay hindi
lamang para sa mga nagkakasala . Ito’y para rin sa mga sinamaang palad. Sa mga
kawawa. Sa walang malakas na naa… padrino, sabi nga ni Bok.
Bok: (May pananabik) Ber, ang imong waswas ? Seksi?
Doming: Para sa haki’y siyang pinakamaganda sa ‘ming bayan. Kinuha s’yang mag-hartista.
Marami kong naging karibal sa kanya!
Tony: “Tapat ang puso mo’t di nagunamgunam na ang paglililo’y nasa kagandahan .” Sino
nga, Mang Erman, ang nagsabi niyon?
Ernan: Si Balagtas, iho, ang “Sisne ng Panginay”
Doming: Hang sama, ng loob ko’y ‘yung pinakamatalik ko pang kebigan hang… (Haharapin si
Tony.) Binata ka pa, Tony, hano? … Ikaw, Bok, binata rin? ‘Wag kayong pakakasal sa
masyadong napakaganda.
Bok: A, p’wee sa akon gano. Todas lahi sila lahat pag ako ginaliko, hm…
Ernan: Kaya nga salungat ako sa sinabi ni Keats na “A thing of beauty is a joy forever.”
Dahil sa kagandaha’y daming tahanan ang nawasak at patuloy na mawawasak.
Daming pagkakaibigang napuputol. Daming kataksilang nangyayari! …. Kung
totoong nagbibigay ng inspirasyon ang kagandahan, totoo ring lumalason ito.
Pumapatay!
Bok: Asan ngayon ang imong misis Dom?
Tony: Magsasama kayo uli? Paglabas mo?
Doming: Indi na. Hisinusumpa ko!
Bok: Ilan ang imong anak? Sino gid gaalaga?
Doming: Wala. “Yung panganay namin ay namatay sa eltor.
Ernan: Tungkol sa kaibigan. Sadyang mahirap silang harapin. Lalo na ngayong namamayani
ang diwa ng materyalismo. Ng pagpapalaluan. pagkukunwari. Ba, kakailanganin ang
maraming Diogenes! (Dahil a hindi lubos na maunawaan ni Bok ang marami sa
kanyang naririnig, mahihiga na siya’t magbabalot ng kumot.)
Tony: Pa’nu hu makikilala ang tapat na kebigan?
Ernan: Maraming paraan diyan. Subalit ang pinakamabuting pagsubok ay sa mga oras ng
kagipitan. Ng pangangailangan. Nang pangungulila. Walang pagkukunwari ang tapat
na kaibigan. Lagi siyang handang magbigay. Magpakasakit.
Tony: Paris ni Damon at Pityas, ano ho ? … Ba’t nga kaya napakaraming mapagkunwari?
Ke raming marumi na naglilinis-linisan . At meron pang kaya lang nagbibigay e dahil
me inaasahang tubo o gatimpala. May –
Ernan: “ – nagmamalukong ay kubaw; may nagmamatulis ay pulpol.”
Tony: Me kunwari’y nagkakawanggawa, pero saan ba’y ibig lang maperyodiko ang kanilang
retrato o pangalan.
Ernan: Kaya nga kaibigan natin ang moral regeneration o pagbabagong - buhay.
Doming: Napapansin kong alos pare-ong pare-o hang takbo ng hisip mo, Tony , ke Mang
Ernan.
Tony: P’wera bola, Doming! Malayong – (Mauuntol ang sasabihin dahil sa paglitaw ni
Padre Abena ) Aba si Padre Abena ! Magandang umaga po Padre.
P. Abena: Magandang umaga sa inyong lahat. (Karaniwan lamang ang taas ni Padre Abena. Isa
siya sa pari ng Bilibid. Mag-aapatnapu na siya, Maamo ang kanyang mukha at
malamig ang tinig. Nakasutana siya. At nakasalamin habang lumalapit ) Tony, totoo
bang? … may sugat ka sa tiyan ! .. sa braso! May blak-ay ka!
Bok: (Maliksing babangon) kondi magapatay-patayan ‘yan, Padre tay-pa na .
Tony: Totoo po’ng sabi ni Bok, Padre. Ganon nga ‘ng ginawa ko kaya lang iniwan ng mga
tigasin.
P. Abena: Laking pagsisi ngayon ng mga nabigong mapupusok.
Tony: Sadyang walang unang sisi, Padre, E-e-e- … pa’no po ngayon , Padre maaabsen ako
sa ‘ting klase?
P. Abena: Ow, huwag mong intindihin yun, anak. Ikaw naman ang pinakamarunong sa lahat, a…
Natutuwa ako’t hindi ka naganyak sumama kagabi.
Tony: Padre, hindi ko mamantsahan ang inyong pagtitiwala sa ‘kin! Gayundin ang ke
Direktor.
P. Abena: Salamat, anak. Huwag kang makalimot sa Diyos Ang tumatawag ay dinirinig. Ang
napakupkop ay tinatangkilik.
Tony: Padre, ke buti-buti n’yo ! … Siyanga pala, si Mang Ernan’y ibig ding … Wala raw
silang anak.
Ernan: (Maagap) Totoo, padre, ang sinabi ni Tony. Gayunma’y kung may usapan na kayo’y
… Padre, kami ng maybahay ko’y labing limang taong umasa, nagnobena,
namintakasi upang mag-kaanak, subalit …. Aywan ko ba kung bakit agad akong
nagkaamor kay Tony.
P. Abena: Talagang isa sa marami ang batang iyan . Masunurin siya. Matulungin.
Mapagkakatiwalaan at matalino. Balak ko sanang pagpariin siya dangat ibang kurso
ang kanyang ibig. Natutuwa ako’t kayo’y –
Tony: Padre, posible po bang magkaroon ng dalawang ama-amahan?
P. Abena: Bakit hindi ? Mabuti nga’ng gayon at maraming titingin sa ‘yo. Pagdating naman ng
araw ay… kagustuhan din ng tatay mo ang mangyayari.
Tony: (Mapapalakas ang tinig) Utang na loob, Padre Sinabi ko na seyong wala ‘na akong
Tatay!
P. Abena: Ikaw ang masusunod, anak. Alam kong alipin ka pa ng iyong nasugatang damdamin.
May lambong ka pa ng karimlang … A, di na nga bale. Maiba ako, malalim bang
naging sugat mo, Tony?
Tony: Sabi ng doctor e di naman daw napinsala ang aking bituka.
P. Abena : Mabuti kung gayon. Buweno, huwag kang masyadong maggagagalaw at nang hindi
dumugo. (Sa bahaging ito’y aalingawngaw ang isang malakas na pagpapagibik buhat
sa ibang panig ng ospital . Matatahimik ang lahat at makikinig sa na) “Tubig! Tubigg!
Mamamatay na ‘ko sa uhaw! Tubiggg!
P. Abena: Diyan nga muna kayo at titingnan ko lang kung sino ang nagpapagibik na ‘yon.
(Susundan ito ng alis .)
Lahat: Adyos, Padre.
Tony: ( Sa sarili) Ke bait niya. Salamat at nagkaroon ang bilibid ng paring tulad niya …
Matutupad din ang pangarap kong makapag-aral … kung sakali…
Ernan: Sadyang mabait si Padre Abena. Sana’y paris niya ang lahat ng alagad ng
pananampalataya … Pero, tingnan mo, Tony: sa karamihan ng kanyang gawain ay
hindi mo siya makakapiling sa lahat ng oras, samantalang ako … Tuturuan kita ng
pagtula. Ng pagsulat. Pananalumpati. Pag – aaralin kita hanggang ibig mo. Kailangan
naming mag-asawa ang tagapagmana.
Tony: Paumanhin ho, Mang Ernan… Bukod sa makata, ano ho ba’n –
Ernan: A, ako’y peryodista. Propesor din ako sa isang unibersidad sa Maynila. Kaanib sa
ilang samahang pangwika, pangbayan, pangkultura … May malaki akong aklatan –
magugusthan mo …. Guro naman sa piyano ang aking maybahay. Magkakasundo
kayo. Teka, ayan na’ng ating butihing angel! ((Titigil sa pagsasalita pagkatanaw sa
pumapasok na nars. Magbibigay galang ang lahat. Ilalapag ng simpatika’t
batangbatang nars ang lalagyan ng mga gamot. Isa-isa niyang titingnan ang
temperatura ng naroong apat na pasyente. Hindi iintindihin ang may paghanga’t
pagnanasang tinging iniuukol sa kanya – lalo na si Bok. Alam niyang sa kaharian ng
mga lalaki, ang pangit mang babae ay nagiging pulot gata. Aalis siya pagkabigay ng
kaukulang gamot sa mga may karamdaman)
Bok: (pagkatalikod ng nars) Wow! Talagang da-magan si Miss Reyes! Kung magaibig lang
siya ngani sa akon, pero … ginsama ang akon record. Yawa.
Tony: Bok, si San Agustin , bago naging santo ay naging isang pusakal munang
magnanakaw … Tandaan mo’to, Bok. Higit na marangal ang masamang bumuti
kaysa mabuting Sumama.
Bok: Galalim man ang imonmg Tagalog!
Ernan: Malay natin, baka maging santo ka rin, Bok (Tawanan)
Bok: (Matatangay na rin ng biruan) Tama ka Mang Ernan. San Bok (pagdadaupin ang mga
palad sa tapat ng dibdib, titingala ng bahagya at pipikit ) … santo santo gid ng mga
holdaper! .. Nakakahiya, yawa. (Tawanan na naman)
Ernan: P’wera biro, napansin kong may ibig sabihin ang tinginan ni Tony at Miss Reyes.
Lalaban ako ng pustahan na … (Haharapin si Tony.) Magtapat ka Tony, may
pagkakaunawan na kayo ni Miss Reyes, ano? (Ngingiti lamang ng makahulugan si
Tony at ang palihim na pag-sang-ayon sa pamamagitan ng pagtaas ng kilay ay
mapapansin din nina Bok at Doming.)
Bok: Jackpot ka, Tony boy! Tsk, tsk, talaga man materyales pwerte si Miss Reyes. Inggit
ako sa imo.
Doming: Listo ! Ayan na naman hang-tay-ban! Darating ng dati ring tanod.)
Tanod: (Sa may pintuan) Antonio Cruzada!
Tony: (Itataas ang kanang kamay) Sir!
Tanod: Miron kang bisita, adding.
Tony: Bisita? Asan Sir? Sino ho siya? Kilala ba n’yo sir?
Tanod: Iiling at susulyapan si Mang Ernan) Siguro sing, idad sa kanya.
Doming: Kuwarentay singko.
Tony: Papunta na ba rito, sir?
Tanod: Wen adding. (Aalis. Lalabas sa pintuang pinapasukan.)
Tony: (Kunut-noo) Sino kaya ‘yon? … Ba, siya ang una kong dalaw sa loob ng dalawang
taon.
Ernan: Baka … Tatay mo na ‘yun, Tony)
Doming: Baka naman hisang kamaghanak.
Bok: (Mapapabangon na naman) G’wapo bang imong derpa? Paris mo Tony?
Tony: (Dahil sa pag-iisip ay hindi mauunaaan ang tanong ni Bok; sa sarili) Pa’no niya
malalamang narito ako? …. Anim na taon!… City Jail … Welfareville … Muntinlupa
… Imposible! Hindi. Hindi maaaring siya! (Halos pasalubong) Huwag Mo pong itulot,
Diyos ko!
Ernan: Sino man’yon ay may kapit siya. Kung di’y di siya makatutuloy dito … Ayun! Siya na
Siguro ‘yung dumarating! (Papasok si Mang Luis, ang ama ni Tony. Kasama niya ang
dating tanod. May kataasan si Mang Luis, nakasalamin siya ng may kulay. Mababasa
sa kanyang anyo na siya’y dumanas o dumaranas ng maraming suliranin. Isang
manhid na barong tagalog ang kanyang suot. Sunog ang kanyang balat, gayunmay
halata rin ang kanyang kagandahang lalaki. Mag-aapatnapu pa lamang siya subalit
mukha nang lilimampuin. Pagagalain niya ang kanyang sabik na paningin.
Pagkunwa’t ituturo naman ng tanod para sa kanya ang pinaghahanap na hindi kaagad
mamumukhaan. Pagtatama ng kanilang tingin ang anaki nakatanaw ng multo si Tony.
Akibat ng matinding tuwa at pananabik ay pasugod na lalapit ang ama sa anak.)
Luis: (Madamdamin) Tony, anak ko! …
(Walang imik na pagyayapos ang tila natatandaang si Tony. Magpapalipat-lipat ang
kamay ng naluluha sa galak na ama sa buong katawan ng mutyang anak. Pagkaraan ng
ilang saglit sa gayong ayos ay pabigla at walang kibong magwawala si Tony. Kahit
nakararamdam ng kirot at tatayo siya’t uurong ng ilang hakbang. Tutop niya ang sugat
sa tiyan. Tiim ang kanyang mga bagang, may apoy sa mata at iaalon ang kanyang
dibdib. Mapapansin ni Mang Luis ang mga sugat at “black-eye” niya.)
Luis : Anak ko, napano ka?
(Hindi rin tutugon si Tony. Patuloy ang pananalim ng kanyang sulyap, ang
panginginig ng kanyang ugat sa kalamnan ng kanyang panga, ang paninikip ng
kanyang dibdib. Samantala’y walang kibuan ang lahat, bagaman mataman silang
nagmamasid at nakikiramdam)
Luis: Tony, magsalita ka, anak ko. Hindi ka ba natutuwang ako’y makita? … pagkaraan ng
may anim na taon? (Buhat sa kinatatayuan ay hindi rin iimik o titinag si Tony. Untiunti
siyang lalapitan ng ama.)
Tony : Huwag! Huwag kayong lalapit! Huwag!
Luis: (Matigigil!) Anak, di mo ba … Ako ang Tatay mo…
Tony: (Palibak) Tatay? … Hm, ang nakilala kong ama’y anim na taon nang p-p patay !
Tony: Sayang lang ang inyong pagod!
Luis : Lalapit pa ng isang hakbang; titigil) anak, patawarin mo ‘ko…
Tony: Inuulit ko: wala na akong,, ama! …. (Lilingon sa gawi ng bintana) Mula nang iwan
n’yo kami dahil sa ‘sang –
Tony: (Magpapatuloy na hindi alumana ang sinabi ng ama) Dahil sa kerida’y sapin-saping
hirap ang aming dinanas …lalo na’ng aking Nanay … Pati pag-aaral ko’y natigil …
Ano’ng gagawin ko? Me sakit si Nanay … Me sakit si Baby … Nagkasangla-sangla
kami … At nang lumao’y wala nang ibig magpautang sa ‘min … ‘Sang araw e
napilitan akong … Nang –agaw ako ng bag. Nahuli ako. Nagmakaawa ako at
pinatawad naman. Subalit …. nang dumating ako sa - amin ay … (mababasag ang
tinig) patay nang kapatid ko! Sa tulong –
Luis: Nahihilam na sa luha) Tony, husto na ! … U-utang na loob … A-a alam ko na’ng
lahat! …
Tony: (Hndi rin papansinin ang samo ng ama) Sa tulong ng mga kapitbahay e nailibing din
si Baby… Naospital si Nanay … Walang ibig kumupkop sa ‘kin … Baka raw me T.
B. rin ako … Ako’y naging kanto boy, nabarkada, hanggang … Natuto ako ng iba’t
ibang paraan ng pagnanakaw … Natikman kong matulog nang walang unan …
magtago sa ilalim ng tulay …
Bok: (Mabilis na papatlang) Tsiken pid ‘yan, Tony!
Tony: (Wawalaing – bahala si Bok) Subalit me wakas ang lahat … Mula sa city jail e nalipat
ako sa Welfareville. Naglabas-masok ako ro’n … Nang magdisiotso ako’y heto …
Magdadalawang taon na ‘ko rito … (Hihinga ng mahaba at malalim . Tutop pa rin ng
kaliwang kamay ang sugat. Biglang haharapin nang tuwiran ang lumuluha’t mistulang
korderong ama. Makapangyarihan.) Kayo na dapat kong tawaging ama ay tinatanong
ko: Mangyayari kaya ang nangyari sa ‘ming mag-iina kung kayo’y tumupad senyong
tungkulin?…
Luis: H-hindi ko na – hindi ko na kayo iiwan … K-k kelanman !
Tony: Pangako, hm … Daling sabihin, daling sirain…
Luis Nagbalik ako upang – upang pagsilbihan kayo habambuhay …
Tony: (Patuya) Ba’t di kayo bumalik senyong magandang kerida?
Luis: (Lipos pagpapakumbaba) Iniwan n’ya ako – ang taksil! – nang hindi ko nang hindi ko
na masunod ang kanyang kapritso … Salamat sa kanyang ginawa at nagliwanag ang
nalabuan kong isip. Ngayo’y –
Tony: Huli na ang lahat!
Luis: Ang sakit mong magsalita, anak…alam mo bang limang buwan kitang pinaghahanap?
… At nang malaman kong narito ka’y nilakad kong … Nangako si Senador Bigat
na mabibigyan ka ng parole.
Tony: (Dahil sa ibang iniisip ay hindi maunawaan ang huling sinabi ng ama) Ewan ko kung
si Nanay e buhay pa o patay na. (Pasigaw naman) Kayo! Kayo ang sanhi ng kanyang
kasawian! Aru-aruuuyyy!
Luis: Buhay ang nanay mo, anak. Nagkita na kami. Magaling na siya.
Tony: Magliliwanag ang mukha) Buhay! Salamat sa Diyos!
Luis: (Hindi mapapansin ang sariwang dugo sa kamay ni Tony) Pinatawad na n’ya ako. At
nagkasundo nga kaming hanapin kita. Anak, magsama-sama tayong muli!
Tony: Mahal ko si Nanay, ngunit kayo… Ibig ko pang mamatay kesa sumama sa senyo!
Luis: Mawawala ang pagtitimpi at paghaharian ng damdaming –ama. Isang matinding
sampal ang ibibigay kay Tony). Durugo ang bibig ng huli. Sa bahaging ito’y
nganingani nang lundagin ni Bok si Mang Luis danga’t makakambatan siya ni Mang
Ernan na huwag manghimasok. Sa sandaling ito’y nakatalikod naman at nasa may
labas ang tanod. Mapagwawaring ang nagawang kabiglaan, mabilis na lalapitan ang
anak. Iigtad naman si Tony.) Patawarin mo ‘ko, anak!
Tony: (Matapos pahirin ang likod ng palad and dumudugong bibig) Lalo lamang ninyong
pinalalayo ang ating daigdig! (Mabilis na tatalikod.) (Tigib-pagsisisi at panunumbat sa
sarili, walang malamang gawin o sabihin si Mang Luis. Naroong pisilin ang mga
kamao; naroong muling tangkaing lapitan ang nagmamalaking anak; tanawin sina
Mang Ernan na parang nagpapahabag at nagpapatulong. Wala namang imikan ang
nangamamasid. Pagkuwa’y walang kibong lalabas. Titigil sa may pintuan. Titigil sa
may pintuan upang linguni’t pag-ukulan ng may pagmamahal sa titig si Tony.
Wala namang kamalayan ang nagugulumihanan ding si Tony sa mga ikinikilos ng
kanyang ama.
Muling babalikan ni Mang Luis ang nakatungong bunso subalit hindi maisasagawa
ang balak na pagyapos dito. Mapapabuntunghininga na lamang at tiim-bagang na
aalis. Magkakatitigan sina Mang Ernan, Bok at Doming.
Pagkalipas ng ilang saglit ay dahan-dahang nauupo sa gilid ng kanyang teheras Si
Tony. Kagat niya nang mariin ang kanyang labi.)
Ernan: (Malumanay subalit madamdamin) Ang buhay, Tony, ay batbat ng iba’t ibang uri ng
pag-subok. Ang tagumpay, kaya lalong tumitingkad ay dahil sa kakambal na
pagpapakasakit. Ang lalaking tumatakbo sa mga pagsubok at hamon ng tadhana ay
pinagtatampuhan ng tagumpay.
Tony: Mang Ernan, kayo man ang nasa lugar ko’y –
Ernan: Nauunawan kita, iho. (Titindig at aakbayan si Tony. Miino ang dugong nagmumula sa
sugat sa tiyan.) Dumudugo ang sugat mo! (Kay Bok) Pakitawag mo nga ang doctor…
(Kay Tony) Mabuti’y mahiga ka. Siguro’y maaampat ‘yan.
Tony: (Habang nahihiga) Walang anuman ito Mang Ernan.
Bok: (Nakaupo pa rin subalit nakabalabal na ng kumot) Hm… tsiken pid ‘yan.
Doming: Sabagay, hakuman ‘yang nasa lugar ni Toni’y – hewan ko nga ba …
Bok: Bilib gid ako sa imo… Gas-mati ka. Y-y-yeba! ….
Ernan: (Habang bumabalik sa kanyang teheras; sa sarili) A, kung masusunod lamang ng mga
tao ang Panalangin ni San Francsico ng Asisi, sana’Y –
Tony: Biglang mapapabangon pagkarinig sa tinuran ni Mang Ernan)
Pagkaganda –ganda nga ng “Panalangin ni San Francisco” … Bathala, gawin Ninyo
akong … kasangkapan … Kung saan may galit –
Ernan: (Maagap) Bayaang nakapaghasik ako ng pag-ibig. Ang isang maganda pang bahagi’y
‘yung … “Nasa pagbibigay ang ating ikatatanggap … nasa pagpapatawad ang ating
kapatawaran … “
Tony: (Mabilis) Mang Ernan… Madali ngang sabihing “Lumimot at magpatawad, “ ano ho?
Pero, ar – ruyyy … (Mapipikit at aasim ang mukha. Hahawakan ang sugat sa tiyan.)
Ernan: (Makikitang sa pag-aangat ng kamay ni Tony ay punung-puno yaon ng dugo) Tony!
(Kagyat na nalalapitan ang binata at pagyayamanin.) Doming! Bok! Pakitawag n’yung
doktor! O nars! Madali kayo! …
Bok: Hindi pa rin mababakla; hindi titinag) Bals –wals ‘yan!

Doming: (Patikud–tikod na lalabas subalit doon pa’y sisigaw na) Nars! … Nars!… Narrsss!…
(Muling darating ang nars na nakarinig sa malakas na sigaw ni Doming. Agarang
lalapatan ng pampaampat ng dugo ang sugat ni Tony. Samantalang nangagamutan sila
ay siya namang paglitaw sa may pintuan ng magkasamang P. Abena at Mang Luis.
Walang imik silang magmamasid.)
Nars: Sariwa pa’ng sugat mo, kaya huwag ka munang magsalita nang malakas. At huwag
kang magpapagalaw ha, Tony?
Tony: Paglabas ko rito’y pupunta ‘ko senyong bahay, ha, Lyd? A, Miss Reyes pala!
Nars: Sabi na’t puwera muna ang salita. Pag sinuway mo ‘koy … Sige ka, hm…
Tony: Okey. (Pipikit dapwat muling didilat. Masusulyapan si P. Abena. Magpapalitan sila ng
ngiti.)
Nars: O, hayan , tapos na. Be good, ha, Tony? Promise? Tatango ang binata; hahanda siya
sa pag-alis.)
Tony: Maraming salamat, L-Ly – Miss Reyes. Hindi kita malilimot kelanman ! Alam mo na
iyan … matagal na. ( Hindi pa rin nakikita ni Tony ang ama sapagkat natatakpan ito
ng papalapit na pari.)
P. Abena: Magkakilala pala kayo ni Miss Reyes …. Mabait at masipag ang batang ‘yan. Paris
mo…
Tony: Siya nga po ang babaing handa kong …
Bok: (Makahulugan ang ngiti) tingin ko’y ayos na Silang dal’wa, Padre.
P. Abena : Hindi masama Pabor ako. Saglit na titigil; kay Tony, sa ibang tinig) Anak, ang tatay
mo’y … nagkita kami. nakiusap siyang -
Tony: Malilimutan ang lahat; mapapabagong bigla’t puputulin ang pagsasalita ng kausap)
Padre! … Na naman? (Hindi mangungusap si P. Abena. Marahan na lang siyang
mapapailing; subalit maagap namang maaalayan si Tony.
Si Mang Luis naman, naroon pa rin sa may pintuan, ay mapapabuntung-hininga’t
mapapakagat labi sa namamalas na katigasan ng anak. Mauuntol ang balak niyang
paglapit.
Si Miss Reyes naman naman na hindi pa tuluyang nakakalayo ay magaganyak na
manood sa tagpong yaong may pangako ng kapanabikan. Lalapitan si Tony at
masuyong pagsasabihan.)
Nars: Tony, di ba’t sabi ko sa’yo’y huwag ka munang gagalaw pagkat makasasama sa ’yo?
Tony : Patawarin mo ‘ko, Ly – est, Miss Reyes.
Nars: (Tatanguan si Tony) Patatawarin kita pero sa uli-uli’y.. Sige, higa na. (Susunod na
sana si Tony subalit magkakatama ang tingin nilang mag-ama. Matagal silang
magkakatinginan.
P. Abena: (Makahulugan) Anak, tamo si Miss Reyes, nakapagpapatawad….
(Hindi tutugon si Tony. Mapapatango siya. Ganap na katahimikan . Walang kaurapkurap,
at halos hindi humihinga sina Mang Ernan sa pagmamasid sa nangyayaring
dula sa silid na yaon. Sa pagtaas ng mukha ni Tony ay makikitang may luha sa
kanyang pisngi.
Mabubuhayan ng loob si Mang Luis. Dahan-dahan siyang lalapit sa bunsong ngayo’y
nakayupyop sa bisig ni Padre Abena.
Magaling sa sikolohiya, marahang iaangat ng butihing pari ang ulo ni Tony at siya’y
unti-unting uurong upang mabigyan ng ganap na kalayaan ang mag-ama.
Ngayo’y may kakaiba ng sinag sa mukha ni Tony. May kakaiba ring ngiting
dumurungaw sa kanyang mapuputlang labi. At sa isang kisap-mata’y mayayapos siya
ng kanyang ama. Masuyo, madamdamin, mahaba ang kanilang pagyayakap.
Katulad ng dalawa, mapapaluha rin ang lahat . Maging ang may bakal na pusong si
Bok ay mapapakagat-labi’t mapapatungo ng marahan. Pagdaraupin naman ni Padre
Abena ang mag ama, titingala ng bahagya at pangiting bubulong.)

Sabado, Nobyembre 23, 2013

Mapagmahal na ama!

Nobyembre  22, 2013

Mahal kong talaarawan,
                     Amin nang pinasa ang mga slogan na aming ginawa ,pagkatapos pumili ang aming guro sa mga ito.Pagkatapos tinanung kami nang aming guro kong ano ang pinuprotektahan ni tata selo,ang ibang sagot ay dignidad at dangal tama naman ngunit sinabi nang aming guro si celing ang pinuprotektahan ni tata selo kaya mas nanaisin niya pang makulong kaysa sa magsabi sa korte sa ginawa ng kabesang tano sa kanyang anak ayaw niyang mawalan ng dignidad ang kanyang anak kaya siya na mismo ang nga sakripisyo.

"Teoryang Nakapaloob"

Nobyembre  21,  2013

Mahal kong talaarawan,
             Ngayong araw kami ay nagbalik-aral sa kwentong tata selo at aming inalam ang teoryang nakapaloob dito at ito ang teoryang Dekonstruksyon.Sa teoryang ito nagbabago ang unang pananaw sa akda kapag nalaman mo na ang mga pangyayari.Halimbawa na lamang nito si tata selo ang kriminal at ang kabesang tano ang biktima ngunia pagnabasa mo ito ng mabuti malalaman mong si tata selo ang biktima at ang kabesang tano ang kriminal marahil sa ginawa nito kay celing.

Kaawa-awang Matanda!

Nobyembre  20,2013

Mahal kong talaarawan,
                 Pagbabalik aral sa Akdang tata selo ang aming ginawa ngayong araw.Pagkatapos tinanung ng aming guro kung ano ba talaga ang kahulugan ng huling linya ng akda na sinabi ni tata selo na kinuha na ninyo ang lahat sa akin.Nagkaroon din kami ng pangkatan.Pagkatapos nagkaroon nang talakayan kung anu ba talaga ang dahilan nang pagpatay ni tata selo sa kabesang tano ang karamihan sa aking kamag-aral ay sinabi itoy marahil sa lupa kaya ito nagawa ni tata selo ngunit ang isa kung kamag-aral ay sinabing baka ginahasa ang anak ni tata selo ng kabesang tano kaya ginantihan ito.

"Walang alipin kung walang paaalipin"

Nobyembre  19, 2013

Mahal kong talaarawan,
            Ngayon nagsimula ang aming klase sa pagtatanung ng aming guro tungkol sa katagang "Walang alipin kung walang paaalipin".Maraming sagot ang aking mga kamag-aral.Pagkatapos nag bahagi ng bagong salita ang aming guro ito ang amba na nangangahulugang lolo at popo naman para sa Lola.inulat ng pangkat apat ang akdang Tata selo nang padula, habang ang aming punongguro ay nakikinig.

Karapatan ng bawat bata!

Nobyembre  18, 2013

Mahal kong talaarawan,
               Ngayon ay aming pinagpatuloy ang naudlot na pangkatang gawain.Pagkatapos ay aming tinalakay ang takdang aralin na binigay ng aming guro ito yung mga karapatan ng mga bata.Nagtanung ang aming guro kung ano ang mga karapatan aming natamasa ta ano ang mga hindi.Pagkatapos may gawaing binigay ng aming guro ito ay pagsulat ng isang talata.

Ano kayang teoryang nakapaloob rito?

Nobyembre  14,2013

 Mahal kung talaarawan,
                    Ngayon araw na ito ay aming inalam ang teoryang nakapaloob sa akdang Mabangis na lungsod at ito ang Teoryang Naturalismo.Binibigyang-diin sa teoryang ito,ang namana at pisikal na katangiang likas ng tao kaysa katangiang moral o rasyunal at epekto ng kapaligiran sa ugali ng tao.Pagkatapus nagkaroon kami ng pangkatang gawain nakakalungkot nga kasi nagkamali ang aming grupo ng sagot pero ipinaliwanag namin ang aming mga sagot.

Huwebes, Nobyembre 21, 2013

Namatay nga ba o Hinimatay lang???????????

Nobyembre 15 ,2013

Ang aking talaarawan,
                          Ngayon ay binalikan namin ang akdang  Mabangis na lungsod,at ang teoryang nakapaloob rito,ang Teoryang Naturalismo.Pagkatapos tinanong ng aming guro kung hinimatay ba o namatay si adong sa kwento nung una magkakaiba ng sagot ang aking mga kamag-aral.Ngunit nilinaw ito ng aming guro sa kuwento si adong ay namatay.Inawanan kami ng aming guro ngtakdang aralin na magkaroon ng kopya na mga  karapatang pambata.

Miyerkules, Nobyembre 13, 2013

Bakit hindi ko maintindihan ang lalim naman?????

Nobyembre  13,  2013

Mahal kung taalarawan,
                  Ngayong araw nahuli ang aming guro sa pagpasok kaya unting oras na lamang ang natitira sa aming talakayan.Agad-agad nag bigay ang aming guro ng pagsusulit patungkol sa mga malalalim na salita upang lubusan naming maintindihan ang akdang Mabangis na lungsod.Pagkatapos aming itong isa-isang pinaliwanag ayon sa aming mga sagot,at pinaliwanag ng aming guro ang kahalagahan ng pera noon at kung paano ito naiiba ngayon.

Nakakaawang bata

Nobyembre  12,  2013

Mahal kung talaarawan,
                  Ngaying araw aming tinalakay o pinagaralan ang akdang "Mabangis na Lungsod"at ang pangkat namin ang naatasan  magulat ng pabuod nito.Syempre maayos at maganda ang pagkakaulat namin......biro lang!!! pagkatapos namin magulat ginusto ng aming guro na maging makatutuhanan kaya tinawag niya si onanad at nantiza para gumanap na adong at bruno at ito'y nakakatuwa.

Lunes, Nobyembre 11, 2013

"Mabangis na lungsod"

1. Ang gabi ay mabilis na lumatag sa mga gusali, lumagom sa malalaki’t maliliit na lansangan, dumantay sa mukha ng mga taong pagal, sa mga taong sa araw-araw ay may bagong lunas na walang bisa. Ngunit ang gabi ay waring maninipis na sutla lamang ng dilim na walang lawak mula sa lupa hanggang sa mga unang palapag ng mga gusali. Ang gabi ay ukol lamang sa dilim sa kalangitan sapagkat ang gabi sa kalupaan ay hinahamig lamang ng mabangis na liwanag ng mga ilaw-dagitab.2. Ang gabi ay hindi napapansin ng lalabindalawang taong gulang na si Adong. Ang gabi ay tulad lamang ng pagiging Quiapo ng pook na iyon. Kay Adong, ang gabi’y naroroon, hindi dahil sa may layunin sa pagiging naroon, kundi dahil sa naroroon, katulad ng Quiapo. Sa walang muwang na isipan ni Adong, walang kabuluhan sa kanya kung naroon man o wala ang gabi— at ang Quiapo.3. Ngunit isang bagay ang may kabuluhan kay Adong sa Quiapo. Alisin na ang nagtatayugang gusali roon, alisin na ang bagong lagusan sa ilalim ng lupa, alisin na ang mga tindahang hanggang sa mga huling oras ng gabi’y mailaw at maingay. Huwag lamang matitinag ang simbahan at huwag lamang mababawasan ang mga taong pumapasok at lumalabas doon, dahil sa isang bagay na hinahanap sa isang marikit. Sapagkat ang simbahan ay buhay ni Adong.. Kung ilang hanay ang mga pulubing naroroon at mga nagtitinda ng tiket sa suwipistek, ng kandila, ng kung anu-anong ugat ng punongkahoy at halaman. At sa mga hanay na iyon ay nakatunghay ang simbahan, naawa, nahahabag. At nakatingala naman ang mga nasa hanay na iyon, kabilang si Adong. Hindi sa simbahan kundi sa mga taong may puso pa upang dumukot sa bulsa at maglaglag ng singko o diyes sa maruruming palad5. Mapapaiyak na si Adong. Ang tingin niya tuloy sa mga ilaw-dagitab ay parang mga piraso ng apoy na ikinakalat sa kalawakan. Kangina pa siyang tanghali sa loob ng marusing na bakuran ng simbahan. Nagsawa na ang kanyang mga bisig sa kalalahad ng kamay, ngunit ang mga sentimong kumakalansing sa kanyang bulsa ay wala pang tunog ng katuwaan. Bagkus ang naroon ay bahaw na tunog ng babala. Babalang ipinararamdam ng pangangalam ng kanyang sikmura at sinasapian pa ng takot na waring higad sa kanyang katawan.6. “Mama…Ale, palimos na po.7. Ang maraming mukhang nagdaraan ay malalamig na parang bato, ang imbay ng mga kamay ay hiwatig ng pagwawalang-bahala, ang hakbang ay nagpapahalata ng pagmamadali ng pag-iwas8. “Singko po lamang, Ale…hindi pa po ako nanananghali!9. Kung may pumapansin man sa panawagan ng Adong, ang nakikita naman niya ay irap, pandidiri, pagkasuklam. “Pinaghahanapbuhay ‘yan ng mga magulang para maisugal,” madalas naririnig ni Adong. Nasaktan siya sapagkat ang bahagi ng pangungusap na iyon ay untag sa kanya ni Aling Ebeng, ang matandang pilay na kanyang katabi sa dakong liwasan ng simbahan.10. At halos araw-araw, lagi siyang napapaiyak, hindi lamang niya ipinapahalata kay Aling Ebeng, ni kanino man sa naroroong nagpapalimos. Alam niyang hindi maiiwasan ang paghingi sa kanya nito ng piso, sa lahat. Walang bawas.1. “May reklamo?” ang nakasisindak na tinig ni Bruno. Ang mga mata nito’y nanlilisik kapag nagpatumpik-tumpik siya sa pagbibigay.12. At ang mga kamay ni Adong ay manginginig pa habang inilalagay niya sa masakim na palad ni Bruno ang salapi, mga sentimong matagal ding kumalansing sa kanyang bulsa, ngunit kailan man ay hindi nakarating sa kanyang bituka.3. “Maawa na po kayo, Mama…Ale…gutom na gutom na ako!14. Ang mga daing ay walang halaga, waring mga patak ng ulan sa malalaking bitak ng lupa. Ang mga tao’y bantad na sa pagpapalimos ng maraming pulubi. Ang mga tao’y naghihikahos na rin. Ang panahon ay patuloy na ibinuburol ang karukhaan.15. Ang kampana ay tumugtog at sa loob ng simbahan, pagkaraan ng maikling sandali, narinig ni Adong ang pagkilos ng mga tao, papalabas, waring nagmamadali na tila ba sa wala pang isang oras na pagkakatigil sa simbahan ay napapaso, nakararamdam ng hapdi, hindi sa katawan, kundi sa kaluluwa. Natuwa si Adong. Pinagbuti niya ang paglalahad ng kanyang palad at pagtawag sa mga taong papalapit sa kanyang kinaroroonan.16. “Malapit nang dumating si Bruno…” ani Aling Ebeng na walang sino mang pinatutungkulan. Manapa’y para sa lahat na maaaring makarinig

17. Biglang-bigla, napawi ang katuwaan ni Adong. Nilagom ng kanyang bituka ang nararamdamang gutom. Ang pangambang sumisigid na kilabot sa kanyang mga laman at nagpatindig sa kanyang balahibo ay waring dinaklot at itinapon sa malayo ng isang mahiwagang kamay. Habang nagdaraan sa kanyang harap ang tao—malamig walang awa, walang pakiramdam—nakadarama siya ng kung anong bagay na apoy sa kanyang gutom at pangamba. Kung ilang araw na niyang nadarama iyon, at hanggang sa ngayon ay naroroon pa’t waring umuuntag sa kanya na gumawa ng isang marahas na bagay.18. Ilang singkong bagol ang nalaglag sa kanyang palad, hindi inilagay kundi inilaglag, sapagkat ang mga palad na nagbigay ay nandidiring mapadikit sa marurusing na palad na wari bang mga kamay lamang na maninipis ang malinis. Dali-daling inilagay ni Adong ang mga bagol sa kanyang bulsa. Lumikha iyon ng bahaw na tunog nang tumama sa iba pang sentimong nasa kanyang palad at sa kaabalahan niya’y hindi niya napansing kakaunti na ang taong lumalabas mula sa simbahan. Nakita na naman ni Adong ang mga mukhang malamig, ang imbay ng mga kamay na nagpapahiwatig ng pagwawalang-bahala, ang mga hakbang ng pagmamadaling pag-iwas.19. “Adong…ayun na si Bruno,” narinig niyang wika ni Aling Ebeng20. Tinanaw ni Adong ang inginuso sa kanya ni Aling Ebeng. Si Bruno nga. Ang malapad na katawan. Ang namumutok na mga bisig. Ang maliit na ulong pinapangit ng suot na gora. Napadukot si Adong sa kanyang bulsa. Dinama niya ang mga bagol. Malamig. At ang lamig na iyon ay hindi nakasapat upang ang apoy na nararamdaman niya kangina pa ay mamatay. Mahigpit niyang kinulong sa kanyang palad ang mga bagol.21. “Diyan na kayo, Aling Ebeng…sabihin ninyo kay Bruno na wala ako!” mabilis niyang sinabi sa matanda.. “Ano? Naloloko ka ba, Adong? Sasaktan ka ni Bruno. Makita ka ni Bruno!”23. Narinig man ni Adong ang sinabi ng matanda, nagpatuloy pa rin sa paglakad, sa simula’y marahan, ngunit nang makubli siya sa kabila ng bakod ng simbahan ay pumulas siya ng takbo. Lumusot siya sa pagitan ng mga dyipni na mabagal sa pagtakbo. Sumiksik siya sa kakapalan ng mga taong salu-salubong sa paglakad. At akala niya’y nawala na siya sa loob ng sinuot niyang mumunting iskinita. Sumandal siya sa poste ng ilaw-dabitab. Dinama niya ang tigas niyon sa pamamagitan ng kanyang likod. At sa murang isipang iyon ni Adong ay tumindig ang tagumpay ng isang musmos sa paghihimagsik, ng paglayo kay Bruno, ng paglayo sa gutom, sa malalamig na mukha, sa nakatunghay na simbahan, na kabangisang sa mula’t mula pa’y nakilala niya at kinasuklaman. At iyon ay matagal din niyang pinakalansing.24. “Adong!” Sinundan iyon ng papalapit na mga yabag.25. Napahindik si Adong. Ang basag na tinig ay naghatid sa kanya ng lagim. Ibig niyang tumakbo. Ibig niyang ipagpatuloy ang kanyang paglaya. Ngunit ang mga kamay ni Bruno ay parang bakal na nakahawak na sa kanyang bisig, niluluray ang munting lakas na nagkaroon ng kapangyarihang maghimagsik laban sa gutom, sa pangamba, at sa kabangisan26. “Bitawan mo ako, Bruno! Bitawan mo ako!” naisigaw na lamang ni Adong.27. Ngunit hindi na niya muling narinig ang basag na tinig. Naramdaman na lamang niya ang malulupit na palad ni Bruno. Natulig siya. Nahilo. At pagkaraan ng ilang sandali, hindi na niya naramdaman ang kabangisan sa kapayapaang biglang kumandong sa kanya.
 Nobyembre  11, 2013

Mahal kung taalarawan,
               Ngayong araw nag karoon kami ng pagsusulit  tungkol parin sa SA PULA SA PUTI!!.At ngayong araw iniwasto namin ang awput na aming ginawa nung huwebes.Marami ang nakakuha ng mataas na marka marahil talagang pinagispan ng mabuti ang kanilang gawa .Ilan kaya ako?heheehhe...........

Bagyung Yolanda!!!!!!!!!!!!

Nobyembre 08, 2013

Walang pasok dahil sa #bagyong Yolanda!!!!!!!!!!!!!!!!

Yun parin!!!!!!!!!

Nobyembre 07,  2013

Mahal kung taalarawan!,
                     Ngayong araw ang aming pinagaralan ay ang akdang SA PULA AT SA PUTI  parin.Tinalakay namin ang mga problemang namagitan sa mag asawang Celing at Kulas.Pagkatpos biglang kaming gumawa ng awput  tungkol sa mga paraan para maiwas ang sugal.

Linggo, Nobyembre 10, 2013

"Sa pula sa puti"





Kulas: A…hem! E, kumusta ka ngayong umaga, Celing.
Celing: Mabuti naman, Kulas. Salamat at naalala mo akong kamustahin.
Kulas: Si Celing naman, bakit naman ganyan ang sagot mo sa akin?
Celing: Sapagkat pagkidlat ng mata mo sa umaga, wala ka ng iniisip kamustahin at himasin kundi ang iyong tinali. Tila mahal mo ang tinali mo kaysa sa akin.
Kulas: Ano ka ba naman, Celing, wala ng mas mahal pa sa akin sa buhay na ito kundi ang asawa.
(Ilalagay ang kamay sa balikat ni Celing).
Celing: Siya nga ba? Ngunit kung nakikita kong hinihimas mo ang iyong tinali, ibig ko ng kung minsang mainggit at magselos.
Kulas: Ngunit Celing, alam mo namang kaya ko lamang inaalagaang mabuti ang mga tinaling ito ay para sa atin din. Sila ang magdadala sa atin ng grasya.
Celing: Grasya ba o disgrasya, gaya ng karaniwang nangyayari?
Kulas: Huwag mo sanang ungkatin ang nakaraan. Oo, ako nga'y napagtalo noong mga nakaraang araw, sapagkat noon ay hindi pa ako bihasa sa pagpili at paghimas ng manok. Ngunit ngayon ay marami na akong natutuhan, mga bagong sistema.
Celing: At noong nakaraang Linggo, noong matalo ang iyong talisain, hindi mo pa ba alam ang mga bagong sistema.
Kulas: Iyon ay disgrasya lamang, Celing, makinig ka. Alam mo, kagabi ay nanaginip ako. Napanaginipan kong ako'y hinahabol ng isang kalabaw na puti. Kalabaw na puti, Celing!
Celing: E ano kung puti?
Kulas: Ang pilak ay puti, samakatwid ang ibig sabihin ay pilak. At ako'y hinahabol…Hinahabol ako ng pilak…ng kuwarta!
Celing: Ngunit ngayon ay wala nang kuwartang pilak.
Kulas: Mayroon pa, nakabaon lang. kaya walang duda, Celing. Bigyan mo lamang ako ng limang piso ngayon ay walang salang magkakuwarta tayo.
Celing: Ngunit, Kulas, hindi ka pa ba nadadala sa mga panaginip mong iyan? Noong isang buwan, nanaginip ka ng ahas na numero 8. Ang pintakasi noon ay nation sa a-8 ng Pebrero at sabi mo'y kuwarta na ngunit natalo ka ng anim na piso.
Kulas: Oo nga, ngunit ang batayan ko ngayon ay hindi lamang panaginip. Pinag-aralan kong mabuti ang kaliskis at ang tainga ng manok na ito. Ito'y walang pagkatalo, Celing. Ipinapangako ko sa iyo, walang sala tayo ay mananalo.
Celing: Kulas, natatandaan mo bang ganyan-ganyan din ang sabi mo sa akin noong isang Linggo tungkol sa manok mong talisain? At ano ang nangyari? Nagkaulam tayo ng pakang na manok.
Kulas: Sinabi ko nang iyon ay disgrasya!
(Maririnig uli ang sigawan sa sabungan. Maiinip si Kulas).
Sige na, Celing. Ito na lamang. Pag natalo pa ang manok na ito, hindi na ako magsasabong.
Celing: Totoong-totoo?
Kulas: Totoo. Sige na, madali ka at nagsusultada na. sige na, may katrato ako sa susunod na sultada. Pag hindi ako dumating ay kahiya-hiya.
(Titingnan ni Celing ang pagkakabalisa ni Kulas at maisip na walang saysay ang pakikipagtalo pa, iiling-iling na dudukot ng salapi sa kanyang bulsa).
Celing: O, Buweno, kung sa bagay, ay tatago lamang ako ng pera. O, heto. Huwag mo sana akong sisihan kung mauubos ang kaunting pinagbilhan ng ating palay.
Kulas:
(Kukunin ang salapi)
Huwag kang mag-alala, Celing, ito'y kuwarta na. seguradong-segurado! O, Buweno, diyan ka muna.
(Magmamadaling lalabas si Kulas, ngunit masasalubong si Sioning sa may pintuan.)
Sioning: Kumusta ka, Kulas?
Kulas:
(Nagmamadali)
Kumusta…e…eh…Sioning didispensahin mo ako. Ako lang ay nagmamadali. Eh…este…nandiyan si Celing! Heto si Sioning. Buwena-diyan ka na.
(Lalabas si Kulas).
Sioning: Celing, ano ba ang nangyayari sa iyong asawa? Tila pupunta sa sunog.
Celing: Ay, Sioning, masahol pa sa sunog ang pupuntahan. Pupunta na naman sa sabungan.
Sioning: Celing, talaga bang…
Celing: Sandali lang ha, Sioning.
(Sisigaw sa gawing kusina).
Teban! Teban! Teban!
Teban:
(Masunurin ngunit may kahinaan ang ulo).
Ano po iyon Aling Celing?
Celing:
(Kukuha ng limang piso sa bulsa at ibibigay kay Tebang).
O heto, Teban, limang piso…Nagpunta na naman ang amo mo sa sabungan. Madali, ipusta mo ito. Madali ka at baka mahuli!
Teban:
(Nagmamadaling itinulak ni Celing sa labas).
Sioning: Ipusta ang limang piso! Ano ba ito, Celing, ikaw man ba'y naging sabungera na rin?
Celing: Si Sioning naman. Hindi ako sabungera! Ngunit sa tuwing magsasabong si Kulas ay pumupusta rin ako.
Sioning: A…Hindi ka sabungera, ngunit pumupusta ka lamang sa sabong? Hoy, Celing, ano ba ang pinagsasabi mo?
Celing: O, Buweno, Sioning, maupo ka't ipaliliwanag ko sa iyo. Ngunit huwag mo namang ipaalam kaninuman.
Sioning: Oo, huwag kang mag-alala sa akin.
Celing: Alam mo, Sioning, ako'y pumupusta sa sabong upang huwag kaming matalo.
Sioning: Ah, pumupusta ka sa sabong upang huwag kayong matalo. Celing pinaglalaruan mo yata ako.
Celing: Hindi. Alam mo'y marami kaming nawawalang kuwarta sa kasasabong ni Kulas. Nag-aalaala akong darating ang araw na magdidildil na lamang kami ng asin. Pinilit kong siya'y pigilin. Ngunit madalas kaming magkagalit. Upang huwag kaming magkagalit at huwag maubos ang aming kuwarta, ay umisip ako ng paraan. May isang buwan na ngayon, na tuwing pupusta si Kulas sa kaniyang manok ay pinupusta ko si Teban sa sabungan upang pumusta sa manok na kalaban.
Sioning:
(May kahinaan din ang ulo).
Sa anong dahilan?
Celing: Puwes, kung matalo ang manok ni Kulas ay nanalo ako. At kung ako nama'y matalo at nanalo si Kulas, kaya't anuman ang mangyari ay hindi nababawasan ang aming kuwarta.Sioning. A siya nga. Siya nga pala naman.
(Mag-uumpisang Maririnig ang sigawan buhat sa sabungan).
Celing: Hayan, nagsusultada na marahil. Naku, sumasakit ang ulo ko sa sigawang iyan.
Sioning: Ikaw kasi, eh. Sukat ka bang pumili ng bahay sa tapat ng sabungan.
Celing: Ano bang ako ang pumili ng bahay na ito. Ang gusto kong bahay ay sa tabi ng simbahan, ngunit ang gusto ni Kulas ay sa tabi ng sabungan.
Sioning:
(Lalong lalakas ang sigawan).
Ah, siya nga pala, Celing naparito ako upang ibalita sa iyo na dumating na ang rasyon ng sabon sa tindahan ni Aling Kikay. Baka tayo maubusan.
Celing: Hindi, siyempre ipagtitira tayo ni Aling Kikay. Sayang lamang ang pagkukumare namin.
(Dudungaw)
O heto na nga si Teban. Tumatakbo.
(Papasok si Teban na may hawak na dalawang lilimahin).
Teban:
(Tuwang-tuwa)
Nanalo tayo, Aling Celing, nanalo tayo!
(Ibibigay ang salapi kay Aling Celing. Agad-agad namang itatago ito.)
Celing: Mabuti Teban, o magpunta ka na sa kusina. Baka dumating na si Kulas ay mahalaga ang ating ginagawa.
(Magmamadaling lalabas si Teban).
Sioning: O, Buweno, lumakad na tayo, Celing.
(Kukunin ni Celing ang tapis niyang nakasampay sa isang silya. Aalis na sila. Papasok si Kulas na tila walang kasigla-sigla).
Celing: Ano ba, Kulas, tila hindi ka inabutan ng kalabaw na puti.
Kulas:
(Mainit ang ulo)
Huwag mo ngang banggitin iyan. Talagang ako'y malas. Celing, uyo'y disgrasya kamang. Ang aking manok ay nananalo hanggang sa huling sandali. Talagang wala akong suwerte!
Celing: Iyan ang hirap sa sugal, Kulas, walang pinaghahawakan kundi suwerte!
Kulas: Talagang buwisit ang sabong! Isinusumpa ko na ang sabong! Ni ayaw ko nang Makita ang anino ng sabungang iyan.
Celing: Nawa'y magkatotoo na sana iyan, Kulas.
Kulas: Oo, Celing, ipinapangako ko sa iyo, hindi na ako magsasabong kailanman.
Celing: Buweno, magpalamig ka muna ng ulo. Pupunta lang kami kay Kumareng Kikay upang bumili ng sabon.
(Lalabas sina Celing at Sioning. Sisindihan ang natitirang kalahati ng sigarilyo, hihithit at pagkatapos ay ihahagis sa sahig at papadyakan. Pupunta sa isang silya at uupong may kalumbayan.)
Castor: Hoy, Kulas kumusta na?
Kulas: Ay, Castor…at lagi na lamang akong natatalo. Talagang ako'y malas! Akalain mo bang kanina'y natalo pa ako? Tingnan mo lang,
Castor. Noong magsagupaan ang mga manok ay lumundag agad ang manok ko at pinalo nang pailalim ang kalaban. Nagbuwelta pareho, at naggirian na parang buksingero. Biglang sabay na lumundag at nagsugapaan (nagsagupaan?) sa hangin. Palo diyan, palo dini ang ginawa ng aking manok. Madalas tamaan ang kalaban, ngunit namortalan. Sige ang batalya nila sa hangin, at tumaas ang balahibo. Unang lumagapak ang kalaban., patihaya. Lundag ang aking manok. Walang sugat at patayo, ngunit alam mo kung saan lumagpak?
Castor: O saan?
Kulas: Sa tari ng kalaban. Talagang ayaw ko na ng sabong.
Castor: Bakit naman? Wala pa namang maraming natatalo sa iyo.
Kulas: Ano bang walang marami? Halos, tutong na laang ang natitira sa aming natitipon.
Castor: Ngunit hindi tamang katwiran ang huwag ka nang magsabong.
Kulas: Ano bang hindi tama?
Castor: Sapagkat pag hindi ka na nagsabong ay Talagang patuluyan nang perdida ang kuwartang natalo sa iyo. Samantalang kung ikaw ay magsasabong pa maaaring makabawi!
Kulas: Hindi Castor, lalo lang akong mababaon. Tama si Celing. Ang sugal ay suwerte-suwerte lamang, at masama ang aking suwerte.
Castor: Ano bang suwerte-suwerte? Iyan ay hindi totoo. Tingnan mo ako, Kulas, ako'u hindi natatalo sa sabong.
Kulas: Mano nga lang magtigil ka Castor. Kung hindi sana nakikita na ang lahat ng manok mo ay laging nakabitin kung iuwi.
Castor: Ito si Kulas, nabastos ka na nga pala sa huwego. Oo, natatalo nga ang aking manok ngunit nananalo ako sa pustahan!
Kulas: Ngunit paano iyan?
Castor: Taong ito…pumupusta ako, hindi sa aking manok, kundi sa kalaban.
Kulas: Eh, kung magkataong ang manok mo ang manalo?
Castor: Hindi maaaring manalo ang aking manok. Ginagawan ko ng paraan.
Kulas: Hoy, Castor, maano nga lang huwag mo akong biruin. Masama ang ulo ko ngayon.
Castor: Ano bang biro ang sinasabi mo? Ito'y totoo. At kung di lamang kita kaibigan, ay hindi ko sasabihin sa iyo.
Kulas: Ngunit, Castor, paano mangyayari iyan?
Castor: Talaga bang gusto mo malaman?
Kulas: Aba, oo. Sige na.
Castor: O, Buweno, kunin mo ang isa sa iyong mga tinali at ipapaliwanag ko sa iyo.
Kulas: Kahit ba alin sa aking tinali?
Castor: Oo, kahit alin, sige, kunin mo.
(Lalabas si Kulas patungo sa kusina. Babalik na may dalang tinali.)
Kulas:
(Ibibigay ang tinali kay Castor).
O heto, Castor.
Castor: Ngayon, kumuha ng isang karayom.
Kulas: Karayom?
Castor: Oo, karayom. Iyong ipinanahi!
Kulas: Ah…
(Pupunta sa kahong kunalalagyan ng panahi ni Celing at kukuha ng isang karayom.)
O heto ang karayom.
Castor:
(Hawak ang tinali sa kaliwa at ang karayom sa kanan.)
O halika rito at magmasid ka. Ang lahat ng manok ay may litid sa paa na kapag iyong dinuro ay hihina ang paa. Tingnan mo…
(Anyong duduruin ni Castro ang hita ng tinali.)
Hayan!
(Ibababa ang tinali.)
Tingnan mo. Matuwid pang lumakad ang tinaling iyan. Walang sinumang makahahalata sa ating ginawa, ngunit mahina na ang paang ating dinuro, at ang manok na iyan ay hindi makapapalo.
Kulas: Samakatuwid ay hindi na nga maaaring manalo ang manok na iyan…Siguradong matatalo.
Castor: Natural, ngayon, ang dapat na lamang gawin ay magpunta sa sabungan…ilaban ang manok na iyan…at pumunta nang palihim sa kalaban.
Kulas: Siya nga pala. Magaling na paraan!
Castor: Nakita mo na? Ang hirap sa iyo ay hindi mo ginagamit ang ulo mo.
Kulas:
(Balisa)
Ngunit, Castor, hindi ba iya'y pandaraya?
Castor: Oo, pandaraya…ngunit po Diyos! Sino bang tao ang nagkakuwarta sa sugal na hindi gum,agamit ng daya? At bukod diyan, ay marami nang kuwartang natalo sa iyo. Ito'y gagawin mo lamang upang makabawi. Ano ang sama niyan?
Kulas: Siya nga, Castor, kung sa bagay, malaki na ang natatalo sa akin.
Castor: At akala mo kay, sa mga pagkatalo mong iyan ay hindi ka dinaya.
Kulas: Kung sa bagay…
Castor: Nakita mo na. Hindi ka mandaraya, Kulas. Gaganti ka lamang.
Kulas: Siya nga, may katwiran ka.
Castor: O…eh…ano pa ang inaantay mo? Tayo na.
Kulas: Este…Castor…eh…hintayin lamang natin si Celing, ang aking asawa.
Castor: Bakit, ano pa ang kailangan?
Kulas: Alam mo na ang aking asawa ang may hawak ng supot sa bahay na ito.
Castor: Naku, itong si Kulas! Talunan na sa sabungan ay dehado pa sa bahay…Buweno, hintayin mo siya, ngunit laki-lakihan mo ang iyong hihingin, ha? At nang makaitpak tayo ng malaki-laki.
Kulas: Oo…Este…Castor…
Castor: O, ano na naman?
Kulas: Eh…malapit na segurong dumating si Celing…alam mo'y ayaw kong Makita ka niya rito. Huwag ka sanang magagalit kung maaari lang ay umalis ka na.
Castor:
(Tatawa)
Oo…aalis na ako. Mabuti nga at nang makahanap na ako ng kareto ng manok mo. Sumunod ka agad, ha? Pagdating mo roon malalaban agad iyan.
Kulas: Buweno, diyan ka na. Laki-lakihan mo lang ang tipak ha?
(Lalabas si Castor. Ngingiti si Kulas, hihimas-himasin ang kanyang tinali, at hahangaan ang nadurong hita ng tinali. Papasok sina Celing at Sioning.)
Celing: Ano ba yan, Kulas? At akala ko ba'y Isinusumpa mo na ang sabungan?
Kulas:
(Lulundag na palapit.)
Celing, ngayon na lamang. Walang salang tayo ay makababawi.
Celing: Naku, itong si Kulas, parang presyo ng asukal. Oras-oras ay nagbabago.
Kulas: Celing Talagang ngayon na lamang! Pag natalo pa ako ay patayin mo na ang lahat ng aking tinali. Ipinangangako ko sa iyo.
Celing: Ngunit baka pangako na naman ng napapako.
Kulas: Hindi, Celing! Hayan si Sioning, siya ang testigo.
Sioning:
(Kikindatan si Celing)
Siya nga naman. Celing, bigyan mo na, ako ang testigo.
Celing: O buweno, ngunit tandaan mo, ito na lamang ha?
Kulas: Oo, Celing, itaga mo sa bato!
Celing: Magkano ba ang kailangan mo?
Kulas: Eh…dalawampung piso lamang.
Celing: Dalawampung piso?
Sioning: Susmaryosep!
Kulas: Oo, Celing. Dalawampung piso, upang tayo ay makabawi.
(Mag-aatubili si Celing).
Sioning: Sige na, Celing. Tutal ito naman ay kahuli-hulihan.
Celing: O buweno, heto.
(Bibigyan ng dalawampung piso si Kulas. Kukunin ang salapi sa baul)
Kulas:
(Kukunin ang salapi)
Ay, salamat sa iyo, Celing. Ito'y kuwarta na. Hindi ka magsisisi. O buweno, diyan na muna kayo, hane?
(Magmamadaling lalabas si Kulas na dala ang kanyang tinali).
Celing:
(Susundan ng tingin si Kulas hanggang nasa malayo na)
Teban! Teban!
Sioning: Teban, madali ka!
(Papasok si Teban buhat sa kusina)
Teban: Opo, opo, Aling Celing.
Celing: O heta ang pera. Nasa sabungan na naman ang iyong amo.
Sioning: Madali ka. Teban, ipusta mo iyan sa manok ng kalaban.
Teban:
(Magugulat sa dami ng salapi).
Dalawampung piso ito a…
Celing: Oo, dalawampung piso. Sige, madali ka na.
Teban:
(Hindi maintindihan)
ito ba'y itotodo ko?
Sioning: Oo, todo.
Teban: Opo, naku! Malaking halaga ito…
(lalabas si Teban).
Celing: Ikaw naman, Sioning, bakit inayunan mo pa si Kulas?
Sioning: Hindi bale. Tutal, wala naman kayo sa pagkatalo.
Celing: Kung sa bagay. Ngunit hindi lamang ang kuwarta ang aking ipinagdaramdam.
Sioning: Eh ano pa?
Celing: Ang iba pang masasamang bunga ng bisyo…Sioning, alam mo namang ang bisyo ay nagbubuntot. Karaniwang kasama ng bisyo a ng pandaraya, pagnanakaw…at kung anu-ano pa.
Sioning: Ngunit nangako naman si Kulas na ito na ang huli.
Celing: Oo nga, ngunit isulat mo sa tubig ang pangakong iyan.
(Lalong lalakas ang sigawan)
Sioning: Ang hirap sa iyo, Celing, e…hindi mo tigasan ang loob mo. Tingnan mo ako. Noong ang aking asawa ay hindi makatkat sa monte, pinuntahan ko siya isang araw sa kanilang klub at sa harap ng lahat minura ko siya mula ulo hanggang talampakan. E, di mula noo'y hindi na siya nakalitaw sa klub.
Celing: Ngunit natatandaan mo ba Sioning na ikaw nama'y hindi nakalabas ng bahay nang may limang araw, hindi ba dahil sa nangingitim ang buong mukha mo?
Sioning: Oo nga, ngunit iyon ay sandali lamang. Pagkaraan niyon ay esta bien, tsokolate na naman kami.
Celing: Hindi ko yata magagawa iyon. Magaan pa sa akin ang magtiis lamang.
(Agad huhupa ang sigawan).
Sioning: Ayan, tila tapos na ang sultada. Sino kaya ang nanalo?
Celing: Malalaman natin pagdating ni Teban. Siya'y umuwi agad, upang huwag silang mag-abot ni Kulas.
Sioning: Celing, mag-iingat ka naman sa pagtitiwala ng pera kay Teban.
Celing: Huwag mong alalahanin si Teban. Siya'y mapagkakatiwalaan.
Sioning: Siya nga, ngunit tandaan mong ang kuwarta ay Mainit kapag nasa palad na ng tao.
Celing: Huwag kang mag-alala…
(Papasok si Teban)
Teban:
(Walang sigla)
Aling Celing, natalo po tao.
Celing: A, natalo. O hindi bale. Tutal nanalo naman si Kulas. Buweno, Teban, magpunta ka na sa kusina at baka dumating ang iyong amo.
(Lalabas si Teban)
Sioning: Talagang magaan ang paraan mong iyan, Celing.
Celing:
(Nalulungkot)
Siya nga.
Sioning: O, Celing bakit ka malungkot?
Celing: Dahil sa nanalo si Kulas.
Sioning: O, e ano ngayon. Kay nanalo si Kulas, kay manalo ka, hindi naman mababawasan ang iyong kuwarta. At ikaw pa rin lamang ang maghahawak ng supot.
Celing: Oo nga, ngunit ang alaala ko'y…Ngayong manalo si Kulas, lalo siyang maninikit sa sabungan.
(Papasok si Kulas na nalulumbay).
Kulas: Ay, Celing, Talagang napakasama ng aking suwerte! Hindi na ako magsasabong kailanman.
Sioning: Ha?
Celing: Ano kamo?
Kulas: Talagang buwisit ang sabong! Isinusumpa ko na!
Celing: Ngunit, Kulas hindi ba't nanalo ka?
Kulas: Hindi, natalo na naman ako! At natodas ang dalawampung piso!
Celing:
(May hinala)
Kulas, huwag mo sana akong ululin. Alam kong nanalo ka.
Kulas: Sino ba ang may sabi sa iyong ako'y nanalo? Bakit ba ako nakinig sa buwisit na si Castor.
Celing: Kulas, hindi mo ako makukuha sa drama. Isauli mo rito ang dalawampung piso.
Kulas: Diyos na maawain, saan ako kukuha?
Celing:
(Lalo pang maghihinala)
Teka, baka kaya ikaw Kulas, ay mayroon nang kulasisi…at ipinatuka ang dalawampung piso.
Kulas: Celing, ano bang kaululan ito? Isinusumpa kong natalo ang dalawampung piso. Sino baga ang nagkwento sa iyo na ako'y nanalo.
Celing: Si Teban. Nanggaling siya sa sabungan.
Sioning:
(Magliliwanag ang mukha)
A teka, Celing, baka si Teban ang kumupit ng kuwarta.
Celing: Siya nga pala.
Sioning: Sinabi ko na sa iyo, huwag kang masyadong magtitiwala.
(Pupunta si Celing sa pintuan ng kusina).
Celing: Teban! Teban!
(Lalabas si Teban)
Teban: Ano po iyon?
Celing: Teban, hindi ko akalain na ikaw ay magnanakaw.
Teban: Magnanakaw? Ako? Bakit po?
Celing: At bakit pala? Isauli mo rito ang pera.
Teban: Alin pong pera?
Celing: Ang dalawampung pisong dala mo sa sabungan kanina.
Teban: Aba e, natalo po, e.
Celing: Sinungaling! Ano bang natalo! Kung natalo ka, nanalo sana si Kulas. Ngunit natalo sa Kulas, samakatuwid nanalo ka.
Teban:
(Hindi maintindihan)
Ha? Ano po? Kung ako'y natalo…ay…
Kulas: 'Tay kayo. Tila gumugulo ang salitaan. Teban, ikaw ba'y pumusta sa sabong kanina?
Teban: Opo.
Kulas: Saan ka nagnakaw ng kuwarta?
Teban: Kay Aling Celing po.
Kulas: Ha? Nagnakaw ka kay Aling Celing?
Teban: E…hindi po. Pinapusta po ako ni Aling Celing.
Kulas: A, ganoon! Hoy, Celing pinipigilan mo ako sa pagsabong, ha? Ikaw pala'y sabungerang pailalim.
Sioning: Hindi, Kulas, pumupusta lamang si Celing sa kalaban ng manok mo.
Kulas:
(kay Celing)
A…at ako pala'y kinakalaban mo pa, ha?
Celing: Huwag kang magalit, Kulas. Ako'y pumupusta sa manok na kalaban para kahit ikaw ay manalo o matalo ay hindi tayo
awawalan.
Kulas: Samakatuwid, kahit pala manalo ang aking manok ay bale wala rin.
Sioning: Siya nga at kahit naman matalo ay bale mayroon din.
Kulas: E, sayang lamang ang kahihimas at kabubuga ko ng usok sa manok. Ako pala'y parang ulol na…
Celing: Teka muna. Ang liwanagin muna natin ay ang dalawampung piso. Teban, saan mo dinala ang pera?
Kulas: Celing, ako man ay natalo sa pinupustahan sapagkat sa manok ng kalaban din ako pumusta.
Sioning: Naku, at lalong nag-block out.
Celing:
(Kay Kulas)
Pumusta ka sa kalaban ng manok mo?
Kulas: Oo, alam mo'y pinilayan ko ang aking tinali upang seguradong matalo at pumusta ako sa manok ng kalaban. Ngunit, kabibitiw pa lamang ay tumakbo na ang diyaskeng manok ng kalaban at nanalo ang aking manok.
Celing: A…gusto mong maniyope? Ikaw ngayon ang matitiyope
(Tatawa)
Kulas: Aba, at nagtawa pa.
Sioning: Siyanga. Bakit ka nagtatawa, Celing?
Celing:
(Tumatawa pa)
Sapagkat ako'y tuwang-tuwa, Sioning, dito ka maghapunan mamayang gabi. At anyayahon mo sina Kumareng Kikay at ang iba pang kaibigan. Ako'y maghahanda.
Kulas: Ha! Maghahanda?
Celing: Oo, Teban, ihanda mo ang mga palayok, ha? At hiramin mo ang kaserola ni Ate Nena.
Teban: Opo, opo.
(Lalabas sa pintuan ng kusina)
Kulas: Ngunit paano tayo maghahanda? Ngayon lang ay natalunan tayo ng mahigpit apatnapung piso.
Celing: Hindi bale. Ibig kong ipagdiwang ang iyong huling paalam sa sabungan.
Kulas: Huling paalam?
Celing: Oo, sapagkat ikaw ay nangako at nanumpa at bukod diyan hindi na tayo kailangang bumili pa ng ulam.
Kulas: Bakit?
Celing: Mayroon pang anim na tinali sa kulungan. Aadobohin ko ang tatlo at ang tatlo ay sasabawan.
(Tatawa sina Sioning at Celing. Hindi tatawa si Kulas ngunit pagkailang saglit ay tatawa rin siya. Mag-uumpisa na naman ang sigawan sa sabungan ngunit makikita sa kilos ni Kulas na kailanman ay hindi na siya magsasabong.)